27 - Feeling Okay

2.8K 74 2
                                    

27 - Feeling Okay


"Kawawa naman si Enrique," malungkot na sabi ni Janine. Nasa labas kami ng studio na pinagre-rehearse-an ng Alexandra. Kasama rin naman si Charlie na bahagya nang kita ang tiyan. "Wala naman siyang ibang ginawa kundi mahalin ka. Pero in the end, nasaktan pa rin siya."

"Parang sa fiction."

"They are based on reality, Charlie Grace."

"I know, right?"

My girl friends were affected, too. They have witnessed Quen's admiration, oh no, love...for me. Ilang beses ko nang na-reject si Quen at alam nila iyon. Dahil pare-pareho naming kaibigan ito ay nalulungkot kami. He deserved anything better than this. Dapat ay puro saya ang nararamdaman at nararanasan nito at hindi sakit at kabiguan na dulot ng maling pag-ibig. I really felt guilty for hurting him even though it isn't intentional.

Hindi ko pa rin nakalimutan ang umiiyak na si Quen kagabi. Buti na lang at bago matapos ang araw ay gumaan na ang pakiramdam nito. He still considered me as his friend at iyon ang mahalaga sa akin. But I nees to distance myself. I need to give him space so he could move on. So he could give his heart a chance to love someone else.

"Pero wala ka namang kasalanan, Alex. You just loved. And the man you loved felt the same wag. Kaya ikaw na, ikaw na." Pinapagaan ni Janine ang atmosphere. We're getting dramatic and emotional na. "Isa ka pa, kayo na. Kayo nang dalawa ang masaya. Kayo na may love life. Ako na single. Ako na forever alone."

Dahil nasa gitna siya ay na-sandwhich namin siya ni Charlie nang pareho naming naramdaman na kailangan namin siyang yakapin. Sister feels. Sa huli ay iniyakap niya na lang din sa amin ang tig-isa niyang braso.

We're this close. Dahil hindi lang kami magkakaibigan. Magkakapatid din kami.

--

"Godfrey," Charlie said. Nasa loob kami ng studio dahil break time nila. Nakikikain kami ng merienda ng banda. "Godfrey ang ipapangalan namin sa baby namin ni Kel."

She was always blushing! Ganoon siguro talaga 'pag buntis. Blooming! Kahit na bahagya siyang nananaba ay kitang-kita pa ring masaya siya. Excited na excited na nga ang kaibigan ko na ipanganak ang baby nila.

"That's a perfect name for a son of God," I said then smiled. "Ninang ako, ha?"

"Oo naman. Kayong dalawa. Kahit na hindi niyo sabihin ay kaunahan kayo sa listahang dalawa. At kahit ayaw niyo ay kukuhanin ko pa rin kayo."

"You really seemed happy," I told her.

"Sobra, Alex. Gusto naman kasi naming dalawa ito."

I am really happy for her. Simula nang malaman niyang buntis siya ay palagi ko nang ramdam ang kasiyahan niya. Lalo na sa tuwing ikinukuwento niya ang masasaya nilang pinagsamahan ni Ezekiel. It's not my story to tell though so I would leave it to her. Basta, I am happier when my friends are happy.

Pareho kaming napatingin kay Janine na hindi nakikisali sa amin. Ni hindi ito nagbigay ng reaksyon sa ipapangalan ni Charlie sa magiging anak niya. Dahil na-curious kaming dalawa ay tiningnan namin ang pinagbibigyan ni Janine ng focus nito. Nagkatinginan kami ni Charlie at mahinang napatawa.

"Gwapo ba?" Tanong niya kay Janine na busyng busy sa pagmasid kay Mendrez. Nagtotono kasi ito ng gitara. Hindi namin maiwasan ni Charlie ang kiligin.

"Sobra," sagot nito.

Huli! Tumawa kami ni Charlie at saka sinundot ang tagiliran ni Janine.

Nang mapansin nitong napansin namin ang ginawa nito ay agad itong umayos ng upo at kumuha ng chips.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now