13 - Intimate

3.3K 93 10
                                    

13 – Intimate

 

He loves her. He cares for her. He never forgets her. Alex is the only girl he loves and will love for the rest of his life.

Hinding-hindi niya malilimutan ang first kiss nila ni Alex. 19th birthday niya iyon at hindi niya rin expected. A smack that totally was the sweetest. Nasundan pa iyon sa paglipas ng mga araw, buwan at taon nilang magkasama. Sa tuwing magkikita sila noon, Alex will leave a peck on his cheek. Ganoon din kapag magpapaalam na sa isa't-isa. Siya naman, hilig niyang halikan ito sa noo, sign of respect. Turo sa kanya ng Daddy George niya.

But now's different. Ito ang unang pagkakataon na mahalikan niya si Alex ng ganito. Hindi niya alam kung paano niya nagawa. It happened so fast! He lost track of time. Hindi niya na maisip kung gaano na ba sila katagal naghahalikan. The mere fact that she is responding, unti-unting nawawala ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Gusto rin nito.

He is caressing her face like it is the most precious of all. Ito naman ay nakahawak lang din sa mga kamay niya. Nakapikit siya, alam niyang ito rin. Ninanamnam nila ang sandali. Ayaw niya pang matapos. Ayaw niya nang matapos.

Kahit na kinapos na sa hangin, hindi sila naghiwalay ng mabilis. Naghiwalay ang mga labi nila ngunit nagdikit ang kanilang mga noo. Rinig ang paghabol ng isa't-isa sa kanilang hininga.

"I love you," he said between his breaths. "Mahal na mahal kita. Hindi nagbago, Alex. Walang nagbago."

Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya itong umiiyak. Hindi siya nagdalawang isip na punasan ang luha nito. Sa oras na binuksan din nito ang mata nito ay huminto ng sandali ang mundo niya. Dahil napakasayang marinig muli ang mga salitang hinihintay niya.

"I love you, Geeo. I love you more."

He kissed her again. More passionately and more loving this time.

Hindi niya alam kung paano sila nakarating sa kwarto ng bahay. Para siyang nalalasing sa mga halik ni Geeo. She never kissed anyone like this. It is her first time. And is also special because it is with her most loved person.  

Sinabi nito sa kanyang mahal siya nito. Hindi siya nag-hesitate na sabihin din ang nararamdaman niya. Wala siyang pakialam sa kung anumang naisip niya kanina sa pag-aaway ng konsensiya siya. Wala na siyang pakialam kung bigla na lang silang nagkalayong dalawa noon at nawalan ng komunikasyon. Wala na siyang pakialam kung sa isang kisapmata tulad ng nangyari ngayon ay sasama siya bigla rito at magpapaubaya.

She is deeply, crazy and madly in love with Geeo. Si Geeo lang talaga.

So she gave in. Hinayaan niyang maging mahina ang katawan niya para makasabay rito. She led him the way. Slowly and full of love, they got naked. They made the night, the house, the moment and the feelings theirs.

Another first has done.

Geeo is embracing her from behind. Nakatalikod si Alex sa kanya at nakayakap sa unan habang nakaunan ang ulo nito sa isa niyang braso. Its twelve midnight and they are still wide awake. They are both smiling from ear to ear kahit kanina pa nila nagawa ang bagay na iyon.

"I love you."

Kanina pa siya paulit-ulit sa pagsasabi ng three words na iyon kay Alex. Ito naman ay panay ang pagsagot din sa kanya ng I love you or I love you more. Sa huli, magsasalitan lang sila sa pagsagot, pabalik-balik. Walang matatalo dahil bigla na lang silang magki-kiss o magyayakapan.

Conclusion: three years is so long; they missed each other so much.

Umusog siya ng kaunti dahil humarap ito sa kanya. Hinawakan nito ang kanan niyang pisngi at saglit na ngumiti.

"Hindi ba natin pag-uusapan ang nangyari?" she asked while staring at him.

"Bakit, hindi k aba nag-enjoy?" he joked.

"Geeo! Hindi 'yon!"

 "Linawin mo kasi." He chuckled. "Gusto mo ba?"

Kung siya ang masusunod, sa tingin niya ay mas maganda kung hindi na nila babalikan ang nakaraan. Paguguluhin lang nito lalo ang kasalukuyan. Ang mahalaga ay naayos na ang mga gusot. Walang effort na nasayang sa pagpapaliwanag. Given nang nasaktan silang pareho pero para saan pa ang pag-uusap na tungkol dito kung masaya na sila ngayon at parang walang nangyari na ganoon?

"Hindi ko alam."

"So why are you asking?" He kissed the top of her head. "Natatakot ka ba? Sa tingin mo ba ngayon lang 'to?"

"Oo," deretso nitong sagot. "Gusto kong pag-usapan pero parang mas ayaw ko. Gusto ko ng closure sa mga nangyari for the past years pero hindi pa ako nakaka-get over sa overwhelming happiness na nararamdaman ko dahil kasama na kita ulit ngayon. Para akong nananaginip na lumulutang sa ulap."

Her voice is like a sweet music to his ear.

"Ayokong matapos ang saya na nasa puso ko na kahit naguumapaw ay hindi nasasayang. Parang sulit ang paghihintay. Parang pinagpahinga lang tayo para mas mahalin ang isa't-isa. And it's all worth it."

"O, 'wag ka nang umiyak." Pinunasan niya ang kaunting luhang tumulo mula sa mata nito. "Alam kong tears of joy 'yan pero ayoko pa ring makita kang umiiyak. I know you're still hurting because of the past. I am, too, love. I also wanted to talk about it but not now. It can wait."

Yumakap ito sa kanya kaya humiga na siya. Nakaunan na si Alex sa dibdib niya.

"Sabagay. Marami pa namang araw na darating na pwede nating pag-usapan 'yon. That is kung hindi ka ulit basta mawawala."

"You're being paranoid again."

"Hindi mo ako masisisi."

"Hush.. Sorry. But please let's not talk about it now."

"Okay."

After a complete minute of silence, narinig niya itong humikab.

"You want to sleep?"

Umiling ito.

"Inaantok ka na. Tara, tulog na tayo."

Akala niya ay aayos na ito ng higa pero hindi pala. Bumangon ito at umupo, nakatapis rito ang kumot.

"I'm afraid to sleep," panimula ni Alex na nagpalungkot sa puso niya. "I'm afraid that when I wake up, I'm all alone and you're nowhere to be found. Ayoko nang matakot pero natatakot pa rin ako. Nilipat mo yata sa 'kin ang mga fears mo."

Bumangon na rin siya para mayakap ito. He stayed like that for a while.

"Ipipikit mo ang mga mata mo ngayon na ako ang huli mong makikita at imumulat mo ito sa umaga na ako ang una mong masisilayan. Pangako."

Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

"Don't be afraid, Alex. Hinding-hindi ko na hahayaang mawalay ka sa 'kin. Hindi ko na kakayanin."

"I love you, Geeo."

"I love you more."  He kissed her on the lips. "Good night."

They sleep while hugging each other, securing that no one will ever let go.

 

A/N: Malapit nang matapos ang Part 1! Yey! Sorry sa late update.

@nayincyp on Instagram

I Love View MoreWhere stories live. Discover now