45 - Angel, Angela and Angelo
Everything feels right. Walang lugar sa hindi magandang pakiramdam sa akin ngayon. Parang lahat ng hinangad ko ay nangyayari na. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko na. This life is a blessing. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sa nakaraan kong buhay upang maging karapat-dapat sa nag-uumapaw na ligaya ko ngayon.
Mahimbing na natutulog si Alex. Hawak ko ang kamay niya. Katatapos lang niyang i-breast feed ang kambal. Umalis ang lahat dito sa room, marahil binibigyan ako ng pagkakataong mapagmasdan ang asawa ko nang kami lang. Her long eye lashes and sweet lips make me want to cry. Again. Marami pala akong luha dahil ilang beses na akong naiiyak sa tuwa.
Dahan-dahan kong iniangat ang kamay niyang hawak ko at inilapat ito sa pisngi ko. "Mahal," bulong ko.
My wife is so happy when she held our twins. Nangingilid ang luha sa mga mata niya nang unang beses niyang masilayan ang dalawa. Hindi pa nga niya alam kung sino ang uunahing kargahin. Maingay ang pag-iyak ng dalawa. Magkamukhang-magkamukha. Parang pinagbiyak talaga! I still can't figure out what part of their faces was inherited in me. Ang nakikita ko kasi sa dalawa ay si Alex.
Nang mahawakan ko sila, natakot ako. They are so soft, so fragile, I'm afraid I might break them. Their little fingers are closed in a fist. Maga ang mga mata at kakaunti ang buhok. Nakabalot sa kanila ang blanket na ako ang pumili. Kulay pink at yellow. Ang gaganda ng kambal namin. Nag-uunahan ang lahat para makita at mahawakan sila pero hindi pinapasok dito sa kwarto dahil marami. Kami lang munang pamilya.
Natulog ako nang saglit kanina nang kinailangan na silang dalhin sa nursery. Binantayan ko na si Alex hanggang ngayon.
Bumukas ang pinto. Sina Mommy at Gia.
"Anak, lumabas ka muna at asikasuhin mo ang mga kaibigan mo sa labas. Kagabi pa sila ro'n. Umalis ang ilan at bumalik din," sabi ni Mommy. May inilipag siyang pagkain sa mesa. "Kami na muna ang bahala kay Alex. Parating na rin ang Daddy mo at si Gav. Nag-park lang."
Tumabi sa akin si Gia at umakbay.
"Oo nga, kuya. Ang kukulit nina Kuya Colton, do'n sa nursery. Kapag may titingin na parent, makikisilip sila. Tapos disappointed kasi hindi tanaw 'yong kambal." Tumawa ito. "Gustung-gusto na nila makita."
Napatawa ako at nailing. Ibinaba ko ang kamay ni Alex.
"Sige po, 'My, labas muna ko."
--
Sina Rush at Ely lang ang nasa labas ng kwarto.
"Sa wakas naman!" sabi ni Ely. "Ipakita mo naman sa 'min ang kambal. Hindi lang ikaw ang nagdala rito kay Alex. 'Wag kang selfish!" dagdag pa nito.
"Oo nga. 'Pakadaya!" sabi ni Rush. "Nando'n silang lahat sa nursery. Kinukulit nina Janine 'yong nurse para ipakita sa 'min 'yong kambal. Kanina pa pero hindi kami pinapayagan."
Naglalakad kami habang sinasabi nila sa 'kin ang mga reklamo nila. Napapangiti ako. Ang kukulit talaga. Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kanila sa pagsama nila sa amin dito.
"Hoy!!!" sigaw ng dalawa at tumakbo nang makitang bukas ang kurtina sa nursery at may tinitingnan sina Janine doon.
"Bakit hindi niyo kami tinawag?!" angil ni Ely at pnilit na sumiksik sa pagitan nina Janine at Charlie.
Hindi pa ako nakakalapit, nakatalikod ang mga kaibigan ko pero alam kong mga nakangiti sila.
Nakita kong nag-okay sign ang nurse sa loob na parang tinatanong kung okay na ba nitong sarhan ang kurtina. Naka-face mask ang nurse kaya hindi mabasa ang sinasabi ng kanyang bibig.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?