26 - Truth Hurts
A month later...
Everything went well. Pumapasok ako sa Adharmony Logic na paminsan-minsan ay hinahatid at sinusundo ng boyfriend ko. Pinakilala ko na rin si Geeo sa mga staff ko dahil once a week--every Wednesday to be exact--ay pinapadalhan niya ako ng bulaklak. Gusto pa nga niyang araw-araw pero pinigilan ko lang. Baka kasi pagpasok ko na lang isang araw ay flower shop na ang opisina ko. Jay was always teasing me. Pakiramdam ko tuloy ay teenager pa kami.
Our OJT trainee named Saira was given an offer by the company na makapagtrabaho rito pagka-graduate nito. She really did great on the cover of the business magazine we have made last month where Rush and I were on the cover. Bumalik din naman sa normal ang lahat sa opisina pagka-alis ni Rush. Hindi ko na-imagine na magiging malungkot ang buong department sa pag-alis nito. Nasanay marahil ang staff ko, maging ako, sa pagiging kwela ni Rush. But change is the only permanent thing in the world. Umpisa pa lang ay alam naming aalis din ito. Sa huli, pinipili pa rin naming maging attched dito kaya nalungkot kami sa pag-alis nito. But it was okay. We remained friends naman.
Ngayon, nagre-ready ako para sa isang formal event na pupuntahan namin ni Quen. He invited me last month to be his partner. Paminsan-minsan ay nagkakatext kami tungkol dito and now, the night has come. Nakasuot ako ng itim off shoulder na dress. Plain lamang ito at hapit sa katawan. Hanggang tuhod ito kaya sakto lang ang suot kong itim ding stilettos. P-in-ony ko lang ng mataas ang buhok ko. I did my simple make-up. Light lang dahil gabi naman though I used my red lipstick to suit my dress.
At exactly 7pm, like what Quen said, he arrived at our doorstep.
"'Nak, Enrique's here," tawag ni Mommy sa akin pagkakatok niya sa pinto ng kwarto ko. Tiningnan ko pa ng isang beses ang kabuuan ko bago ako lumabas.
"Palabas na po, 'My."
Pagkababa ko sa sala ay bumungad sa akin ang stunning at napakagwapong Enrique Miguel Tuazon.
"You're so beautiful," he said.
"Thank you." I smiled at him. Pinasadahan ko nang saglit ang suot niya. Naka-black tux siya at bow tie. Sakto ang fit nito sa katawan niya. Clean cut ang buhok niya at nakaayos kaya tiwala akong kahit hanginin iyon ay hindi magugulo. Pakiramdam ko ay hindi naman siya gaanong nag-effort. He's good-looking even not wearing a formal suit. "You're so handsome, too."
Nagpaalam na kami kina Mommy at Daddy. Humalik ako kay Azel na sinabi ring ang ganda ko. Yaya Michie, Azel's nanny, was grinning from to ear. I bet that was because of Quen. Haha! Maging si Manang ay hindi nakaligtas sa charisma nitong kaibigan ko.
We headed on a Porsche parked outside. May driver siyang kasama. Bago kami lumabas ng bahay ay hiningi pa niya ang kamay ko (literally) at saka iyon ikinawit sa braso niya. Sweet partner!
Sa back seat kami naupong dalawa.
"Ang ganda-ganda mo."
"Maraming salamat, napakagwapong ginoo."
We were smiling at each other. But his eyes... There's loneliness in it. Hindi na ako nagtanong dahil baka masira agad ang gabi.
Nagpunta kami sa Tagaytay. Hindi ko na nasundan kung saang hotel ito dahil kung hindi kami nag-uusap ni Quen ay nagamit ako ng cellphone. Tumigil ang kotse at bumaba na kami agad. Maraming mga naka-formal na sa tingin ko ay mga respetadong tao. Almost all of them were oldies na itsura pa lang ay mukhang mayayaman na. Hindi pinilit ang mga itsura nila. They were born in this kind of life. Business world. Ano pa bang aasahan?
Luckily, may namataan naman ako pagpasok ng venue na mga businessmen and women na sa tingin ko ay matanda lang ng kaunti sa 'min ni Quen. Mukhang kami yatang dalawa ang pinakabata rito!
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?