33 - Yellow, Black and White

2.8K 82 4
                                    

33 - Yellow, Black and White



Nang magakaro'n kami ng hindi pagkakaunawaan ni Alexine nang hindi namin namamalayan ay marami akong na-realized. Akala ko, no'ng nawala si Mama ang una't huling beses na malulungkot ako. Hindi naman kasi ako sanay sa gano'ng pangyayari sa buhay. Masaya ako no'ng bata ako dahil inaalagaan ako ng husto sa bahay-ampunan, pinag-aral, itinuring na biyaya kasama ng ibang mga bata ro'n. Hanggang dumating sina Mommy at Daddy sa buhay ko.

Naging mas makulay ang mundo ko, naging mas masaya. Nagkaroon kasi ako ng totoong pamilya. Pinalaki nila ako nang maayos at mabuti, nang may takot sa Diyos, nang may sobrang pagmamahal sa kanila at sa mga kapatid ko. Punung-puno ng kasiyahan ang puso ko.

Then Mama Leny, my real mother, came into the picture. She has no intention to destroy my family. She never thought of taking me away. Pero alam mo 'yong pakiramdam na kahit masaya ka, gusto mi pa ring mas maging maligaya? 'Yong pakiramdam na blessing na 'yong binigay sa 'yo, sino ka para tumanggi at tumalikod?

I love Andrade family so much. I would never trade them to the world. But I had this feeling of longing when I saw my real mother. I need to be with her.

At 'yon ang pinakamasaya! Having a happy family with two loving mothers, a supportive father, cute siblings..I could not ask for more. Palagi ko namang pinagdarasal ang tunay kong ama. I know he had his best place up there. Sa mga kwento sa akin ni Mama ay alam kong mabuti itong tao.

I graduated Valedictorian when I was in Elementary and High School. I finished my undergrad as Magna Cumlaude. May bonus pang masayahin, energetic at mapagmahal na bestfriend. My life would never be complete without Alexine.

Kaya naman nang maging kami, no'ng inunahan niya akong aminin na mahal niya ako nang higit pa sa bestfriend ay napakasaya. Kailangan pang masaktan nina Kimberly at Enrique before we realized our love for each other. Gano'n siguro talaga. God is using other people to make us realize other's worth for us or even the worth of ourselves.

Akala ko, okay na, e. Akala ko tuluy-tuloy na ang kasiyahan ko. Naka-moved on na ako sa pagkawala ni Mama. Alexine and my family were there for me. Nalampasan ko ang lahat ng 'yon dahil kasama ko sila, hindi nila ako iniwan.

But in a blink of an eye, I lost my lucky charm, my angel in disguise, my bestfriend, my love.

Hindi ko namalayan. Hindi ko napansin.

That's the consequence of focusing on something. Ginugusto mo ang isang bagay kaya ka gumagawa ng paraan para makuha ito. Little did you know, you're losing another thing in the process of achieving it. Something's being a sacrifice for the sake of that certain thing you want. Hindi mo na kasi napapalagahan. Nawawalan ka na ng oras. Sa huli, kasabay ng pagkamit mo sa bagay na hinahangad mo, wala na pala ang isa sa mga dahilan kung bakit mo ginagawa iyon.

I lost her. And that was the loneliest.

I tried my best to forget but damn this feeling. Siya lang ang nagparamdam sa 'kin ng pagmamahal na ganito, ng pagbabago na para sa mas ikabubuti ko, ng pagtulong na walang hinihinging kapalit, ng kasiyahan na pangmatagalan.

How could I forget the person who was the reason why I am a better person now? How could I forget the person who brought rainbow after my rainy days? How could I forget the person who taught me how to smile sincerely and real? How could I forget Alexine?

Hindi siya nawala sa isip ko. Bawat araw, siya ang inaalala ko. Every moment we shared, every smile we exchanged, every laughter we enjoyed. Lahat naka-register at naka-save sa puso at isipan ko.

Tatlong taon din akong walang ginawa. Tatlong taon kong pinaubaya sa tadhana ang lahat. Hanggang sa mamulat ko sa katotohanang hindi siya magiging akin ulit kung wala akong gagawin. Gia, my little sister, made me realized things that I should have thought long time ago.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now