43 - Will, Timing and Grace
Naging busy kami sa mga sumunod na linggo. Kapag Biyernes hanggang Linggo ay kabilaan ang guestings ng Eighth Note. Kapag Lunes hanggang Miyerkules, nagtatrabaho ako bilang photographer. Tuwing Huwebes ang pahinga ko at nasa bahay lang ako kasama si Alex. Sinasamahan din ako ng asawa ko sa bawat gigs namin. Present silang tatlo nina Charlie at Janine palagi.
Hindi mahigpit sa opisina bilang lahat naman kaming naroon ay parang freelancer. Kung may kliyente, may trabaho. Kung wala, gawin ang ibang bagay na may kinalaman sa existing projects. Nalaman na ng mga katrabaho ko na bumalik na ako sa pagbabanda sa pangunguna ni Jonas. Pinagyayabang niya ako sa mga ito. Parang baliw.
Tinanggap ko ang offer ng dalawang sister company na construction ang industry. Nominado sila sa isang Awarding Ceremony sa Singapore at gusto nilang mabigyan ng kopya ng kanilang portfolio ang mga dadalo roon. Madali lang naman ang ganoong shoot kaya ko kinuha. Sanay na kami sa mga ganoong business-related. Masisipag ang mga nasa team ko. Kami na rin kasi ang bahala sa mismong output ng portfolio.
I felt grateful when I've known that the CEO of the TINC Holdings personally wanted me to do the photo shoot. Lalo kong ikinatuwa nang malamang si Enrique pala iyon. Pagmamay-ari pala ng mga Tuazon ang pinakamalaking construction company sa bansa. Tuazon Incorporated owns the Sunmoon and TINC Holdings. It's like the good old days when we met again. Nga lang ay karibal ko nga pala ito kay Alex. But past is past. He's our friend. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapagkuwentuhan dahil palagi itong kailangan sa kung anu-ano. Napaka-busy. It's okay though. The project will last until next month and I'm pretty sure that we can find time to talk. I'll bring Alex. Excited na ang asawa ko na makita at makausap muli ang kaibigan niya.
Nag-resign na ang asawa ko sa AdHarmony Logic. Nagugustuhan niya na raw ang pagsama-sama sa amin. Hindi ko siya pinigilan dahil pabor sa akin iyong makasama siya palagi. Masaya rin daw siya sa ginagawa niya. Natuwa rin ako dahil silang tatlong magbe-best friends na Multimedia Arts graduate, gaya ko ay nagsama-sama. We can do our own music. We can record our own songs. We can create our own music videos. We can layout our own album. Ang laking bagay niyon sa banda dahil hindi na namin kinakailangang ma-kontrata sa mga Music Network. Kahit saang estasyon ng radyo o TV ay pwede kami. Mas maganda ang ganoon dahil mas malawak.
Si Janine, bilang ito ang Band Manager ay nag-freelance na lang din sa trabaho niya bilang Website Designer. Para rin daw makapag-focus ito sa amin. Ginagawaan nito nga kami ngayon ng sarili naming website. Si Charlie naman, nagtatrabaho pa rin sa publishing company. Ito raw ang bahala sa mga articles na magiging laman ng website namin. Kapag may gig ang banda, nagpapaalam na lang ito sa trabaho. Dahil mga magulang na, nag-iipon silang mabuti ni Ezekiel. Si Mendrez ang nag-aasikaso ng financial matters. Saktong-sakto ang mga talento namin kaya talagang nag-e-enjoy kami.
Napag-uusapan din namin na baka sa susunod, kapag mas lumawak ang maabot ng aming musika ay hindi na namin kayanin ang mga gawain. Sa ngayon naman, may ilang buwan pa kami sa agency na siyang humahawak sa amin simula pa noon. Nagpapakita na sila ng offer na habaan ang kontrata namin sa kanila pero hindi ko alam kay Janine. Ang agency kasi ang kino-contact ng mga malls o resto na kumukuha sa amin bago nila ipapaalam kay Janine.
Sa Facebook Page lang namin kami nagse-share ng mga gigs at iba pang may kinalaman sa banda. Ang personal account ko, private pa rin. Ang Instagram at Twitter accounts namin ang siyang pinromote namin sa page. Doon dumagsa ang aming supporters. Ngayon na lang ulit umingay ng ganoon ang notifications ko sa IG. Huling beses yata ay iyong Behind The Mask Concert namin kung saan unang beses kaming tumugtog at nag-perform na walang maskara. Hinayaan na namin dahil talagang hindi naiiwasan ng mga fans na makaalam at makialam sa mga bagay bagay sa buhay ng mga iniidolo nila.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?