19 - Make Love

3.2K 88 5
                                    

19 - Make Love

"Geeo, 'yong totoo... Why didn't you tell me about this?"

Isang gabi akong hindi nakatulog sa kaiisip kung paano sasabihin sa kanya 'yong pagiging mag-partner namin ni Rush para sa cover ng isang magazine yet he knew na pala! Parang noong sinabi lang sa 'kin ni Boss, alam na rin ni Rush. Really? Palaging ako ang huling nakakaalam? It's no big deal pero.. Ugh! I'm just thinking about his jealousy!

"Wala namang masama ro'n, right? Heart, your boyfriend is a professional photographer, just so you know."

Alam ko 'yon! Ang hindi ko lang alam ay kung bakit tinanggap niya 'yon knowing na kasama ko si Rush na numero uno niyang pinagseselosan. Yes, Quen is on the second spot na. Mas kailangan daw katakutan ang lagi kong nakakasama. Sabi ko naman ay bakit siya matatakot kung may tiwala naman siya sa akin.

"Heart, I just want your co-employees and staffs to know that you are out of their reach. Kahit gaano ka kalapit sa kanila ay hindi ka na nila maaabot dahil akin ka."

I suddenly turned red!

"You're blushing now."

He leaned closer to me. Ang laki-laki ng sofa sa condo niya pero sinisiksik niya ako. How dare you, Geeo Alexander!

Hinawakan niya ang aking baba gamit ang kanyang dalawang daliri. It's like he's teasing me. S'yempre hindi ako nagpatalo. Hindi pwedeng ako lang ang naaapektuhan sa kanya ng ganito. Dapat nababaliw din siya sa akin.

I looked straight into his eyes. Para akong nakatingin sa aking kinabukasan.

Binaba ko ang tingin ko sa kanyang labi. How I love being kissed by him! Nakakawala sa sarili. Sa tuwing naaalala ko, hindi ko maiwasang hindi kiligin. He's so gentle that I love everything we're doing.

"Alex..."

Bumalik ako sa gunita ko nang tawagin niya 'ko. Nakakainis! Nawala na naman ako. Siya dapat! Pero ako pa rin ang unang bumibigay. But he's also thinking the same thing.

"Nababaliw na naman ako sa 'yo."

Natawa ako!

"Bakit?"

"Sinabi ko rin kasi 'yan sa sarili ko."

"Can you.. Can you tell it to me? Please."

Binigyan ko muna siya ng matamis na ngiti bago ko hinawakan ang magkabila niyang pisngi.

Wholeheartedly, I said, "I am crazy in love with you, Geeo Alexander."

He claimed my lips. He hugged me tight. He caressed every part of me. He showed me how much he loves me. He owned me again. And I am incredibly happy.

Hiyang-hiya ako pagkagising ko nang pagbangon ko ay nakita ko si Gia na ngiting-ngiti sa harapan ko. Buti na lang ay nakatapis ako ng kumot! She's a lady now but this is still embarassing! I am naked underneath and she knew that her kuya and I made... made it.

"Gia," I said still shocked.

"I missed you, ate."

She embraced me. Namiss ko rin ito nang sobra! It's been what...5 years?

Nang kumawala ito sa pagkakayakap sa akin ay nag-indian seat ito sa kama ni Geeo kung nasaan ako.

"OMG Ate! I'm so happy! I'm so happy!"

Nakailang yakap pa ulit ito sa 'kin. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya kaya nawala na ang pagkahiya ko. I also got dress. Tinulungan pa ako nito.

"Make kwento, ate. Please! I'm dying to know kung ano ang nangyari simula no'ng nag-usap kami ni Kuya pero hindi niya sa 'kin sinasabi!"

Hindi talaga siya mukhang 14-year old mag-isip. Nasa lahi talaga nila ang matatalino. Geeo told me she's been accelerated. Ang galing! And she's cute! No, beautiful! She's like Tita G. Maputi ito at petite. Siguro ay kahit na mag-20 plus na ito ay mapagkakamalan pa rin itong bata dahil sa pagka-baby face nito.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now