8 - Closure

3.1K 98 8
                                    

8 – Closure

"Hanapin mo 'yong Charlie at Janine saka ka makipagtulungan," suhestyon ni Jonas, co-photagrapher ni Geeo. Katatapos lang nila sa isang photoshoot . Model ulit ni Geeo ang ex-girlfriend ni Colton na si Sandra. Si Jonas lang ang nakakausap niya ng matagal sa tuwing nagpapaka-photographer siya. May sariling mundo rin kasi kagaya niya ang mga kasama niya sa team.

"Baka galit din sila sa 'kin," sagot naman niya habang inaalis ang mahabang lense ng DSLR niya. "Baka na-disappoint ko rin sila."

"Sabi mo naman, mga kaibigan mo rin sila, e. Maiintindihan ka rin ng mga 'yon. Saka tulad ng sinabi ko sa 'yo dati, hindi ako naniniwala na nag-break kayo. Hindi lang kayo nagkaintindihan dahil nawalan kayo ng komunikasyon."

Hindi pa rin sanay si Geeo na ganoon ang pinaguusapan niya at ng mga kaibigan niya. Dati-rati, puro academic ang gusto niyang intindihin at iyon lang kanyang pinapansin. Hanggang sa nag-college na siya na kasama pa rin ang best friend niya. Sa paglipas ng panahon, ang love na hindi niya akalaing mararanasan niya ay naramdaman niya. Kaya lang, nawala. Pero hindi talaga. Akala niya lang siguro. O baka iyon lang ang alam niya.

"Hindi ko alam, Pare."

Isinakbit niya na ang itim niyang bag na lagayan ng mga camera at lenses niya. Another successful session has ended.

Sabay silang lumabas ni Jonas ng building kung saan kinuhanan si Sandra at ang ilan pang modelo ng business magazine. Nagpaalam siya sa kaibigan pagkarating nila sa parking.

He has his own car. Sino'ng nagsabi na hindi maaaring maging professional ang mga nag-aral ng hindi maraming Math at Science ang courses? Wala sa natapos iyan. Nasa paraan 'yan kung paano mo ginamit ang talino at husay mo. Gaya ni Geeo na hanggang sa pagkatapos niya sa pag-aaral at sa kabila ng pinagdadaanan niya sa buhay pag-ibig niya ay nagsumikap at naging matagumpay.

He drove safely hanggang makarating niya sa condo niya. Pagkalapag niya ng mga gamit niya ay hinubad niya ang puting t-shirt na suot niya at saka humilata sa malambot niyang kama na kulay puti rin ang sapin. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Jonas na contact-in niya sina Janine at Charlie. Kung nahihiya siya na si Alex mismo ang unang lapitan ay mas magiging madali kung ang mga ito ang tutulong sa kanya. Pero paano siya hihingi ng tawad sa mga ito? Paano kung may iba nang nagugustuhan si Alex? Paano kung huli na pala siya?

His phone beeped. May text si Gia.

Kuya, are you making a move na ba?

 

Hindi niya ito na-reply-an agad.

"Ang babaliw niyo!" kanina pa irap nang irap si Alex dahil sa pang-aasar ng dalawa niyang girlfriends. Nasa Café Severino sila, ang tambayan nila tuwing Linggo. Nasa usual spot sila na palagi nang naka-reserved sa kanila. Weekday ngayon pero nandito sila dahil sa pangungulit ni Charlie. Hindi na ito makapaghintay mag-Linggo.

Nang malaman nitong si Rush na dati niyang katrabaho ang Mr. Blue Eyes ni Alex ay sinabi nito agad iyon kay Janine. Ngayon ay pinagtutulungan siya ng dalawa.

"OMG! As in OMG!," ani Janine na kanina pa tuwang-tuwa. "Are you ready to fall in love again?"

"Grabe! Sh-in-are ko lang sa 'yo, Janine. Inaasar ko lang si Alex but it doesn't mean na give up na ako sa pag-ship sa kanila ni Geeo!" singhal naman ni Charlie.

Naging rival pa nga ang dalawa niyang kaibigan.

"Charlie Grace, past is past!"

"Janine na walang second name, first love never dies!"

Hindi niya alam ang nararamdaman niya. Naalala niya na naman si Geeo dahil kay Charlie. Noon pa man ay ito na lagi ang nagsasabi na number 0 fan ito ng dalawa. Si Janine ay laging boto sa kabila. Dati, kay Enrique siya kampi.

"Kung si Quen na lang kasi ang binigyan niya ng chance noon e di sana masaya pa rin silang dalawa ngayon."

"Pareho silang may kasalanan sa nangyari. Hindi lang si Geeo. Kaya dapat pareho din silang gumawa ng paraan!"

"Whatever!"

Kahit na nagbabangayan silang tatlo ay hindi naman sila nagkakaaway. Alam naman nila pare-pareho na may sense ang mga pinaglalaban nila. It just happened that today, it is her on the hot seat.

"Girls, pwedeng chill lang?" sabi niya sabay inom ng coffee jelly niya. Bakit ba iyon ang na-order-order niya? Si Geeo na naman ang naalala niya!

Palagi silang nakatambay sa Starbucks. May usual spot din sila ro'n. Palaging dala ni Geeo ang camera niya at palagi siyang kinukuhanan ng litrato nito. Bakit puro na lang si Geeo ang nire-remind ng mga makikita niya? Sign din ba iyon ng nakita niyang post nito sa Facebook? Tama kaya si Charlie na silang dalawa ang kailangang gumawa ng paraan? Pero ano'ng gagawin niya? Ni hindi nga nagpa-process ang utak niya ng maayos kapag si Geeo ang iniisip nito!

"I am just trying to help you move on," Janine said. "Baka itong Rush na ito na ang maging daan para sumaya ka na ulit at hindi ka no boyfriend since break-up."

"Hindi nga sila nag-break, Janine."

"Girls, kalma okay. Una, magkaibigan lang kami ni Rush. Nasabi ko na naman sa inyo na nakilala ko siya sa Marine Base 'di ba? 'Yon lang 'yon."

Hindi pa siya tapos magpaliwanag nang magsalita ulit si Janine.

"'Yong pagkikita niya no'ng unang beses, that could be a coincidence. Pero ang pagkikita niyo ulit ngayon sa trabaho, destiny 'yon, girl!"

S'yempre, hindi pa rin nagpapatalo ang shipper ng AA Couple.

"Siguro nga destiny 'yon ," pagsang-ayon nito. "Pero ano'ng gagawin niya sa isang lalaking destined na makita at makasama niya ulit kung ang nilalaman ng puso niya ay 'yon paring una na tunay na ka-meant to be niya?"

"Kasasabi ko lang na kalma. Kayo talaga." She took another sip of her drink. " Ulit. Rush and I are just friends, okay. At oo, hindi pa rin ako nakaka-move on kay Geeo. I got attracted with Rush, sa gwapo niya ba namang iyon. Pero hindi nabago no'n ang laman ng puso at isipan ko. It has always been Geeo. Siya pa rin." Naging malungkot ang tono ng pananalita niya.

Natahimik na rin ang dalawa niyang kaibigan. Alam niyang concern lang si Janine sa kanya. Na gusto lang nitong maka-move on na siya at maging masaya ulit. Pero tama si Charlie. Hindi niya pa rin nakakalimutan si Geeo. It's been years already but her feelings remained.

"Bigyan mo lang ng kontng chance ang puso mo na magbukas para sa iba. Nawawala na nga 'yong laman niyan 'di ba. Ibig sabihin, kailangan mo na ng replacement."

"Pero hindi 'yon gano'ng kadali. Wala pang closure!" Si Charlie ang sumagot para sa kanya.

"O, e di tawagan si Geeo at pagkitain silang dalawa. Para sa closure na 'yan at sa chance na magmahal siya ulit."

Nagulat siya sa sinabi nito. Pero mas nagulat siya sa ginawa nito. Janine searched Geeo's account on Facebook and she sent him a message. Sinabi niya rito na gusto nilang tatlo makipagkita rito. Yes, kailangan kasama silang dalawa ni Charlie. Alam nilang hindi niya kakayanin kung siya lang.

"Janine!" sigaw niya.

"Matagal mo na dapat ginawa 'to, Alex. E di sana, matagal ka nang masaya ulit."

Natahimik siya maging si Charlie. She isn't ready. She'll never be.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now