2 - Rush

4.4K 113 9
                                    

2 — Rush



"Thanks. Okay na ko rito," ani Alex nang makarating sila sa pampang. May liwanag doon dahil sa mga tent na malapit sa kinaroronan nila. Tinago niya sa likod niya ang kamay niyang kanina ay hawak ng lalaki. Naglalaban pa rin sa isipan niya kung susungitan niya ba ito o hindi. At some point, it became good to her kahit na simpleng gestures lang naman ang ginagawa nito. Maliban doon sa pagtawag niya kay Geeo ng idiot. That's a different case.

"Saan ba ang tent mo? Ihahatid na kita."

"Okay na ko rito," pag-uulit niya.  She turned her back at him and started walking. Masyadong nang feeling close ang lalaking iyon. But she's afraid no more. Suddenly, she felt safe because she's with him.

"Uy, sandali."

Kahit na nakatalikod siya at naglalakad na ay alam niyang sinusundan siya nito. Hindi siya lumingon. Hindi rin siya tumigil.

"Hey!"

Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya. Ganito ba ang lalaking ito sa mga bago niyang kakilala?

"Nagmamalasakit na nga 'yong tao, ayaw mo pa." Sinasabayan na siya nito ngayon sa paglalakad. Sa haba ng biyas nito ay naging madali lang rito ang pagsunod sa kanya.

Hindi siya kumibo. Baka sakaling tumigil na ito at umalis na. But he's kind of dense! Hindi ito nakakaramdam na ayaw niya itong makasama! She faced him, looking directly at him.

"Puwede ba? Sinabi ko nang kaya ko nang bumalik sa tent ko 'di ba? Hindi mo ba gets 'yon? Bakit sunod ka pa rin nang sunod?"

Noon niya nakita na kulay blue nga ang mga mata nito. But she doesn't care if he's wearing contact lenses or not! Na-attract siya nang kaunti sa mga mata nito. Who wouldn't be? Once in a blue moon lang siya makakita nang taong may asul na mga mata sa bansa. When she went to LA, sanay na sanay siya sa mga ganoon.

Hindi naman siya masungit na tao. Palakaibigan pa nga siya. Pero nagpunta siya sa Marine Base para mapag-isa. Tapos may susulpot na makulit na nilalang na kagaya nito? The nerve of this guy!

"Hindi ka masungit. 'Wag mo na 'kong sungitan." He suddenly smiled. Iyon lang ang sinabi nito matapos niya itong sigawan.

"What?"

"Hindi ako masamang tao. Sa gwapo kong 'to?" Hinawakan na naman siya nito sa kamay at hinila. "Gusto lang kitang samahan kasi wala rin akong kasama. Destined.  'Di ba?" Did he wink?

Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito. "Ugh! Bitaw!"

"Ano'ng pangalan mo?" tanong nito, hindi siya pinapansin sa mga reklamo niya.

"Why would I tell you?"

He laughed. "Wala akong dalang kutsilyo o baril. Wala akong gagawing masama sa 'yo. I'm Rush Aguinaldo at your service."

"What service are you talking about?!"

"Ang baliw mo. Kaya ka siguro iniwan ng Geeo na 'yon."

Sumeryoso ang mukha niya. She got offended. Nanahimik na lang siya at patuloy na kumakawala sa pagkakahawak nito.

"H-hindi ko sinasadya. Iba 'yong ibig kong sabihin. Sorry." He finally let go of her hand. "Look, kailangan ko lang din ng kausap. Sorry kung makapal ang mukha kong bigla na lang lalapit at manggugulo sa 'yo. Nagkataon lang na naglakas ako ng loob na kausapin ka kasi malungkot ang mag-isa."

Inirapan niya ito at naglakad na. S'yempre, dahil isa't kalahating makulit ay sinundan na naman siya nito.

"Sorry na. Tingin ko lang naman na kailangan natin ang isa't-isa ngayon." Nilingon niya ito. Sinamaan niya ng tingin. "Anong tingin 'yan? Dear, stop thinking dirty! Mukha kang inosente tapos..."

I Love View MoreWhere stories live. Discover now