3 — Dear
"Oh...kay," she said, amazed. "Best friends kayo ng aso mo?"
"No. Hindi gano'n. Hindi lang basta gano'n."
There's something in him that she never thought he was. Sa kabila pala ng kahanginan nito, pagiging makulit at mapang-asar ay may natatago pala itong kadramahan sa buhay. She's aware of people who loved their pets more than anything in the world but she never thought she could meet one. At ito pang estrangherong wala pang isang oras niyang kakilala.
"It's your time to shine! I mean, to share!" Kinuha niya ang pinagkainan ni Rush at saka itinabi sa tent. Binigyan niya rin ito ng inumin. Madali siyang pumasok sa tent niya at kumuha ng over-sized t-shirt sa bag niya. Sinuot niya ito bago siya ulit tumabi sa binata. "Game!"
"'Wag na. Ikaw ang broken-hearted dito, 'yong Geeo mo ang pag-usapan natin," pag-iiwas nito. Naka-indian seat si Rush habang nakatuon ang dalawa nitong kamay sa magkabilang-gilid nito.
"Tapos na kaya. Nasabi ko na 'di ba?"
"Wala ka nang gustong sabihin na hindi mo masabi sa mga kaibigan mo?"
May kakaiba sa tono ng pananalita nito. It's like he's pushing her to open her heart out. Hindi nga naman madaling magbahagi ng nararamdaman sa mga taong malapit sa 'yo lalo na kung ang nais ng mga ito ay maging masaya ka na. Ang daling sabihing mag-move on kasi hindi naman sila ang nasa kalagayan niya. Why not try to share all your feelings to someone you barely know?
"Okay..." she started. "How will I start this?"
"Ganito na lang, kunwari kausap mo si Geeo. Tell him everything you want to say."
She took a deep breath. If ever makita niya si Geeo ngayon ay hindi pa siya handa sa mga sasabihin niya. Marami siyang tanong pero alam niyang malilimutan niya iyon sa oras na magkita sila ulit. Ngayon pa nga lang na ganito ang sinabi ni Rush, kinakabahan na siya. Paano ba kaya kung totoo na? But she wanted to see her best friend turned boyfriend. She missed him so bad.
"Hey!" he snapped. "You're spacing out."
"S-sorry."
"Mahal na mahal mo pa rin 'no? Gaano na ba katagal?"
"Hindi ko pa ba nasabi kanina?"
He rolled her eyes on her.
"Bading ka ba?"
"What?" Napatingin ito sa kanya, nakakunot ang noo.
"Ang kulit mo kasi, e. Tapos nang-iirap ka pa. Malay ko ba na lalaki lang ang panlabas mo," she joked. "Rush!"
Nagulat siya sa agad na paglapit ng mukha nito. Napaatras pa siya. Buti na lang at nailapat niya agad ang kamay niya sa buhangin kundi ay mapapahiga na siya.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"Do you want me to kiss you?" Ang seryoso ng boses nito! He's even looking at her straight into her eyes!
"What?!"
"Gusto mong malaman kung bading ako 'di ba?"
"'Wag ka nang lumapit!" Nagtakip siya ng mukha. Napahiga na tuloy siya. "Sasapakin kita, Rush, umayos ka!
Sobrang lapit na ng mukha nito sa mga kamay niyang nakatakip sa mukha niya. Nararamdaman na niya ang paghinga nito. And he kissed her! He kissed the back of her hand.
"Hindi ako bading, Alex. I'm a straight guy. Umayos ka na ng upo riyan. Hawak."
Tinanggal na ni Alex ang pagkakatakip niya sa mukha niya. Para makabangon na siya agad ay tinanggap na niya ang kamay ni Rush. Hinigit siya nito hanggang makaupo na siya. Ang lakas nito dahil sa isang kamay ay nakabangon na siya. O baka naman sadyang magaan lang siya?
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?