4 - Truth

3.2K 112 7
                                    

4 - Truth

"Try mong ngumiti ng labas ang ngipin," sabi ni Geeo sa model niyang si Sandra. Nasa isang session sila ng photo shoot para sa isang business magazine. Bilang isang professional photographer, nakukuha na siyang mag-handle ng mga photo shoot para sa mga advertisements, magazines, newspapers, blogs, websites at kung anu-ano pa. "Okay, three, two, one."

Sanay na sanay na siyang kumuha ng bawat anggulo ng kahit anong lebel ng tao magmula lower class hanggang sa mga elite. Hindi naman siya nakapagtapos bilang Magna Cum Laude kung hindi siya magaling. But his voice only echoed when it is needed. Tulad na lamang ng sitwasyon kapag kailangan niyang sabihan ang mga modelong kinukuhanan niya ng litrato na ngumiti ito o umanggulo. It's hard for him to be that vocal again. Wala na kasi ang dahilan ng pagiging madaldal niya. Wala na ang nagturo sa kanya na maging sociable. "Good shot! More please, thanks. There. Nice!" But he's singing his heart out. That's his only way to express himself.

Kapag hindi siya kumukuha ng mga litrato ng mga modelo, mga tanawin, anumang bagay na makita niyang interesante o kapag hindi siya na-hired bilang official photographer ng mga sikat na events, parties, celebrations at kung anu-ano pa, kumakanta siya bilang vocalist ng Alexandra.

Ang combo band na ito ay papunta na sa rurok ng kanilang tagumpay. Nagsimula sila sa simpleng gig at performances lang pero dahil sa ganda ng kanilang mga musika ay unti-unti silang nakilala. Kahit mga nakatakip ang mga mukha nila ay hindi iyon naging hadlang para mahalin sila ng mga supporters nila. Geeo , together with his new found family with Ely who happened to be his college classmate, Mendrez and Colton found his freedom of expressing his innermost feelings and thoughts for his love that he has no courage to say. Para silang bumuo ng sarili nilang mundo kung saan malaya silang sabihin sa lahat ng nakikinig sa kanila na kahit natapos na ang lahat sa kanila ng kanilang mga dating kasintahan ay ang mga ito pa rin ang minamahal nila at hinahandugan nila ng kanilang bawat awitin. Nais nilang iparating sa mga ito ang bawat kantang inaalay nila rito nang hindi alam ng mga ito na sa kanila nagmula.

He never forgets her. Sa tuwing babanggitin ang pangalan ng banda nila ay si Alex agad ang naiisip niya. Kapag tatawagin ang Alexandra, pakiramdam niya, anytime ay lalapit din ito. Alexandra. Alexine. His Alex. Limang taon na ang lumipas pero nananatiling si Alex ang nagmamay-ari ng puso niya.

But he remained silent. He never tried to reach for her, to find her, to chase her and come back to her. Bumalik siya sa dating marami hindi kaya ulit. Para siyang nawalan ng inspirasyon. Kahit mga magulang niya ay hindi niya nakukuwentuhan gayong lumaki siyang malapit sa mga ito kahit na ampon lamang siya. Naging mature siya, nagtrabaho, ginagawa ang gusto niya talaga. He is almost happy. Isa na lang ang kulang. Siya na lang. Si Alex na lang. Pero hinayaan niya lang na tuluyan na itong mawala sa kanya.

Pina-deactivate niya kay Ely ang Facebook account niya. Instagram na lang ang nanatiling online account niya kung saan niya ibinabahagi sa iba ang mga litratong kuha. Photos and views are always his greatest love.

"Kuya, you're always like that 'pag nauwi ka. Sana hindi ka na lang umuwi kung ganyan din lang." Narinig niya ang walang ganang puna ng kapatid niyang si Gia.

"Gia!" There's still authority on his father's voice.

Noong gumraduate siya ay pagala-gala na siya sa bansa dahil sa pagiging photographer. Nagkaroon na siya ng sariling condo kaya minsan na lang siya umuwi sa bahay nila sa Greensborough. Hindi niya sinasadya pero nawalan na rin siya ng panahon sa pamilya niya. Hindi niya namalayan, lumayo na sa kanya ang loob ng mga kapatid niya lalo na ni Gia na noo'y sobrang close niya. Ang laki na rin ng bunso nila na si Gavin. Parang hindi siya aware sa mga naging pagbabago sa bahay nila.

"Busy lang si Kuya, 'Nak."

Parang ang hindi lang nagbago ay Daddy George at Mommy Georgina niya. Parang hindi tumatanda ang mga ito dahil sa kagandahan pa rin at kaguwapuhan. They always understand him kahit noon pa man. Sinusuportahan ng mga ito ang kahit anong gawin niya. He's always thankful to God that he has them.

"Lagi na lang busy. Para siyang walang pamilya. He's creating his own world. Na wala tayo."

He didn't even imagine that his little sister has grown, too. Ang dami niyang na-missed. And Gia's words hit him.

"Gia, your kuya loves us. He always does."

"I know, Mommy. Pero simula no'ng naging busy siya sa pagbabanda niya at no'ng nag-break sila ni Ate Alex, nagbago na siya. Hindi ko na naramdamang may kuya ako." She wiped her mouth using the table cloth before standing up. "Excuse me po. I'm done."

Nakatingin lang siya sa pagkain niya, nawalan na siya ng gana. Hindi siya aware na ganoon na pala ang tingin ng kapatid niya sa kanya.

"Tapos na rin po ako, Daddy, Mommy."

Even Gav left the dining table because he's there. Minsan na lang siya umuwi at ganito pa ang scenario. Parang mas gugustuhin niya pang mag-isa na lang palagi sa condo niya.

"Geeo," napatingin siya sa Daddy niya dahil sa seryosong pagtawag nito sa kanya. "Namimiss ka na ng mga kapatid mo. Your presence here in our house is significant but you, as our child and as a brother to your siblings are far more important."

"Sorry po," is the only thing his mouth can say.

"Alam naming malungkot ka, anak. Don't forget that we're still your family and we can help you ease the pain."

And for the first time in five years, noon na lang siya ulit umiyak sa ilalim ng mga bisig ng kanyang ina.

He missed his Mama Leny. He missed his Alex. He missed his friends. He missed the old times. Di niya na napigilan, he blurted out.

"Paano ko ba maibabalik lahat, 'My. Paano ko uulitin lahat, paano ko aayusin ang mga nasira? Paano ako mabubuo ulit kung ang taong bumuo sa sirang ako noon ay wala na sa 'kin?"

He felt his mom's hand caressing his back while his dad's watching him saying those words. Nawala nang pansamantala ang hiya niya sa mga ito. He suddenly wanted to let them know that he's broken; he's tore kaya ganoon ang ginawa niya.

"We're always here for you, son." Narinig niyang sabi ng Daddy niya. "We're just waiting for you."

Kumawala siya sa yakap ng kanyang Mommy bago niya nilapitan ang Daddy niya. Pakiramdam niya'y bumalik siya sa pagkabata. Sana ganoon na nga lang. Sana maibabalik niya pa ang panahon. Kung kaya niya lang, hindi niya hahayaang mawala si Alex sa kanya. Hindi niya hahayaang pag-ibig ang maging dahilan ng sobrang kalungkutan niya.

But he can't. Ang nangyari ay nangyari na. There's no pause, replay or fast forward in real life. Touch move kumbaga. He needs to face the consequences of his unintelligent decisions.

Love made him weak. Love made him sick. Love made him cry. It's all because of love.

"Mahal na mahal ko pa rin po siya. Mahal na mahal ko pa rin si Alex," pag-amin niya.

"Then look for her and tell her you still love her," his Dad said like it was the easiest thing to do.



#Iloveviewmore

www.facebook.com/nayinkofficial

I Love View MoreWhere stories live. Discover now