32 - Best Moment

2.6K 69 5
                                    

32 - Best Moment


Hindi ako mapakali. Hindi ko lubos maisip na may tinatago ako kay Geeo. Bakit ko ba tinatago? Ewan ko. Natatakot ako sa rejection, sa sasabihin ng ibang tao, sa maririnig kong opinyon niya. Ayoko siyang mapilitan lang. Ayoko.

I am not doubting his love, okay? Ako ang may problema rito. At naiinis na talaga ako sa sarili ko. I know how much he loves me. Beyond words! But I am still being like this.

Good thing, hindi ako pinangungunahan nina Janine at Charlie. Wala rin akong masagot sa tuwing tinatanong nila ako kung bakit ayaw kong sabihin kay Geeo. Akala pa nga nila'y susurpresahin ko lang siya pero naging seryoso sila nang malaman nilang wala pa akong balak sabihin sa kanya ang kalagayan ko. Wala pa.

But I will tell him. Not now. Maybe...some other time but not now.

The three of us are here at Bistroad to support Alexandra. Naimbitahan silang mag-perform sa resto na ito na may open area kaya maraming makakanood. Anniversary ng resto kaya ang performance ng banda ang siyang magiging pakulo nila para sa mga loyal nilang customer.

Hindi na sinama ni Charlie sina Godfrey at Kel. Ito ang unang labas nito after nitong manganak. Si Janine, s'yempre ay nandito dahil kay Ely.

Geeo and I were okay. Wala naman siyang napapansin sa 'kin kaya nawawala paminsan-minsan ang kaba ko. I will always support him. Ise-set aside ko muna ang mga gunugulo sa isip ko. Hindi ko naman pababayaan ang baby ko.

Parami nang parami ang mga tao rito sa Bistroad. Ang iba ay sa tingin ko, fans ng Alexandra na nandito kahit na hindi naman sila umoorder. Lalong lumaki ang fan base nila nang hindi na sila nagmamaskara. Their eyes were smiling. Lalo tuloy silang gumuguwapo.

My Geeo is the most handsome of all.

"Good evening sa lahat," he began. Wala siyang gitara. Vocalist lang talaga siya ngayong gabi. "Happy Anniversary Bistroad! Thank you for having us here. We'll promise to serenade everyone tonight. Hindi kayo magsisisi sa pagpunta niyo ngayong gabi."

Nagsalita rin si Colton na nasa drums. Nakangiti lang sina Mendrez at Ely na mga guitarist.

Sinimulan nila ang session nila sa pagkanta ng Forever and Always ng Paraschute.

At grabe lang ang epekto noon sa aming lahat na mga nanonood. Nakakaiyak!

First time kong mapakinggan iyon at talagang naapektuhan ako. Parang kwento ang lyrics. Tragic! Sabayan pa ng madamdaming rendition ni Geeo. My eyes became blurry.

Nagpalakpakan kaming lahat pagkatapos noon kahit na mangiyak-ngiyak kami. Nasundan agad iyon ng masaya namang mga tune. Parang mula malungkot pasaya ang mga awitin nila. Parang pinapa-boost ang emosyon ng bawat isa. Natapos ang unang session at nagpahinga muna sila.

Sumama sa table namin sina Geeo at Ely. Tumabi siya sa akin at si Ely naman kay Janine. Nakita ko kung paano nito inilagay ang kamay nito sa likod ng upuan ng kaibigan ko. There was really something going on between the two of them. Kahit sabihin pa ni Janine na hindi sila.

"Ang ganda ng mga kanta niyo, Heart," sabi ko, "pero ang pinakagusto ko ay 'yong una."

"Ako rin. Ang ganda talaga no'n kaya tinugtog namin."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinagdaop sa kanya. Naalala ko na naman tuloy ang baby ko. Sabihin ko na kaya sa kanya? Handa na kaya siyang maging ama? Hay.

"I love you," he said before kissing my hand.

"Mahal na mahal kita," ang naging sagot ko sa kanya.

"Dapat pala sinama ko na ang mag-ama ko. Ganito pala ang feeling na mapasama sa mga love birds."

Napalingon kaming apat kay Charlie. She took a sip of her orange juice.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now