40 - Family, Friends and Career

2K 50 3
                                    

40 - Family, Friends and Career



Isang kanta lang iyon at hindi ko na sila pinakinggan nang maghiyawan ang mga tao ng "One more!" Namiss ko ang pagkanta pero hindi iyon dahilan para agawin ko ang spotlight sa mga kaibigan ko. They are Alexandra. The moment I decided to leave, I am no longer part of it. Desisyon ko iyon na hinadlangan nila pero hindi magiging patas kung magpapatuloy ako.

Today is the same. Maybe the people missed the old band, the old voice, the old music. Iyong boses ko. Iyong version ng Alexandra na all-boy band. But if they were truly the band's supporters, they should respect the decision that we have made.

Pero disappointment ang naramdaman ko nang may narinig akong sumigaw na bumalik na raw ako ng Alexandra.

I felt betrayed.

Kahit pang una munang sinabi ng supporter na iyon na mahal na mahal niya ang banda at avid fan daw nito siya.

I felt bad for Bliezl. She became our friend. Parang insulto sa kanya ang naririnig ko.

"Magaling naman po yung bagong vocalist pero mas magaling ka! Balik ka na sa banda please! Mas bagay na ikaw ang kakanta!"

Shit. Nasusundan na ang ingay.

"Geeo!!! Pag bumalik ka, babalik na rin yung ibang fans!!!"

"Oo nga! We miss you, Geeo! We love you! Alexandra is not complete without you!"

Nagmadali na akong bumaba. Kita ko ang pagiging seryoso ng mga mukha nina Ely. I looked at our table to find Bliezl but she's not there. Ito na nga bang sinasabi ko.

I immediately went to Alex's side tapos ay isa-isa na kaming tumayo para pumunta sa dressing room ng banda.

"Geeo, si Bliezl," I heard Alex's scared voice. Tinapunan ko lang ng mabilis na tingin ang asawa ko at bahagya kong pinisil ang kanyang kamay na hawak ko.

Dapat talaga ay pinagpilitan ko noon pang umalis ako na palitan ang pangalan ng banda.

"Insensitive fans!" Iritadong sabi ni Janine. Kasunod namin ito. Lahat kami, kasama sina Charlie na karga si Godfrey.

When we settled on our respective seats inside the dressing room, I began to speak.

"Change the band's name," deretsahan kong sabi. "Alexandra is not Alexandra anymore. From the moment we've all decided to accept Bliezl, we've already embraced the fact that something big has changed."

"Tama." Seryoso ang mukha nila. Akala ko ay isa si Ely sa mga sasalungat dahil siya ang numero unong gustong magpanatili sa pangalan ng banda dahil doon daw ito nakilala at sumikat. "Naging selfish ako. As the band leader, I want to apologize to this little scandal. Alam kong darating ito pero hindi ko iniwasan. Hinintay ko pa. I felt bad for myself for not thinking my members' feelings especially Bliezl. Noong Apples in Stereos pa kami, hindi kami nakilala nang ganito. Apple is the best. Pero mukhang mas gusto ng mga fans ang all-boy band. Mas maraming babaeng supporters. Natakot at kinabahan lang ako na baka hindi nila agad matanggap na magiging babae ulit ang vocalist."

"Sa totoo lang, Geeo, we didn't bother to tell you pero ang daming messages sa page natin kung kailan ka raw babalik. Ilang buwan din ang tinagal noon," pag-amin ni Colton. "Wala kaming pinapatulang comments. We're staying positive. Magaling si Bliezl. Pero kahit anong galing ng isang tao, hindi na-a-appreciate ng iba dahil sa mas gusto pa rin nila ang nakasanayan nila. Iyong gusto lang nila ang hinahanap-hanap nila. Na kahit better pa ang nasa harapan nila, hindi pa rin sapat."

I Love View MoreWhere stories live. Discover now