7 - Hope

3.1K 94 5
                                    

7 – Hope



"Bakit hindi mo sinabing MA graduate ka pala?" pag-uusisa ni Alex kay Rush nang mag-lunch break. Niyaya niya ito sa cafeteria ng AdHarmony Logic. Hindi pa rin naalis ang mga ngiti ng mga staff niya nang dahil sa pangungulit sa kanya ni Rush.

"I'm not an MA graduate, Ms. Alex," he said trying to be formal. Pero s'yempre, dyino-joke lang siya nito.

"Oh!" Bakit ba kasi hindi niya tiningnan ang files nito sa HR. "I thought you're an MA graduate like me kaya ka nasa team ko."

"Grabe, na-miss kita!" malayo nitong sagot. Pinisil pa nito ang kanan niyang pisngi.

"Aray!"

"Sorry." He chuckled. "Well, I'm a Fine Arts graduate, Ms. Alex."

"Drop the 'Ms.'" Singit niya.

"Ang cute kaya ng Ms. Alex. Gano'n tawag nilang lahat sa 'yo. Dapat ako rin."

"We're having our lunch break. Sa office ka na lang mag-Ms."

"Okay," tipid nitong sagot bago nito sinubo ang last spoon ng kanin nito. "Iyon nga, I graduated Fine Arts but I also have talent on Multimedia Arts. Naisipan ko lang mag-explore ngayon. Nagpe-paint pa rin naman ako."

"Wow. Ang astig naman. Painting." She really felt amazed. Hindi niya lubos maisip na ang mahangin at mayabang na Rush na nakilala niya noon sa Marine Base ay bukod sa mapagmahal sa mga hayop tulad ng 'baby' nitong si Mayo ay Artist din.

"I can draw you sometime." He winked at her.

"Bakit ang hilig mong kindatan ako? May problem ba 'yang mata mo?" She joked. Bakit paramdaman niya'y nagpapakitang gilas ito sa kanya?

Napatawa ito bago uminom ng pineapple juice. "We're friends. So that's normal."

Friends. Napangiti siya sa naturan ng binata. At least, hindi na lang siya ang nagsasabing magkaibigan na sila. Nanggagaling na mismo rito.

"So, nag-resign ka ba? Natanggal sa previous work mo?" tanong niya, "Sorry. I really haven't scanned your files."

"I'm a graphic illustrator at Zenith Media for a year. Tinawagan lang kami ng AdHarmony na nangangailangan daw kayo ng illustrator so I tried it myself. Nag-volunteer na akong ako na lang ang lilipat muna. Gusto ko rin ma-experience ang environment ng advertisement."

"Yes. About that, nag-resign na kasi ang kambal na illustrator namin. They are going back to Japan. Salamat sa 'yo, we can proceed na sa project na 'yon."

 "No worries. I think I will be having a good time here. Lalo na at nandito ka."

She awkwardly gave him a smile. Nagka-eye to eye contact sila ng medyo matagal.



"Parang masaya ang Pareng Geeo natin mga 'Tol," ani Mendrez matapos ang unang session ng Alexandra sa isang gig sa Padi's Point. "Mukhang inlove ulit! Alisin na 'yan sa grupo!"

Nagtawanan sila. Sa dalawang taon nilang magkakasama, naging parang magkakapatid na talaga sina Geeo, Mendrez, Ely at Colton.

Sa tuwing may sasaya sa kanila in terms of their lovelife, binu-bully nila. Kaya kasi nabuo ang banda nila ay dahil mga broken-hearted sila. Mellow songs and heart-breaking songs ang kinakanta madalas. Pero ngayon naman ay nagta-try na rin sila ng mga kanta na tulad ng kay Ed Sheeran at Justine Timberlake. Baka nga naman magsawa ang mga fans nila kung hindi sila mag-i-improve o walang makikitang bago.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now