41 - Far, Calm, and Away

2K 42 6
                                    

41 - Far, Calm, and Away



Sa bahay na natulog sina Ely. Naroon sila sa isa sa mga guest room. Sina Charlie, Ezekiel at Janine ay umuwi. Naiwan kami ni Alex na nag-aayos ng pinag-inuman at pinag-kainan namin. Hindi rin naman ako lasing. Dahil sa stress ay parang hindi ako tinablan ng alak.

"Mahal, sige na, magpahinga ka na," sabi ng asawa ko nang madala na namin ang lahat sa kusina. "Huhugasan ko lang 'to at susunod na 'ko sa 'yo."

I shook my head.

"Tulungan kita," pagpilit ko.

Nilikom ko ang mga bote ng alak habang naghuhugas ng mga baso si Alex. Nilagay ko rin sa ref ang natirang pagkain. Tinulungan ko na rin siyang magsalansan ng mga nalinis na niyang baso.

Hinila niya na ako papunta sa kwarto namin pagkatapos namin sa kusina. Mukha na yata akong antok na antok. Nasilip ko ang mukha ko sa reflection ng pitsel kanina at mapupungay na ang mga mata ko. Hay. Napahikab ako.

Nag-toothbrush kami at naghilamos bago nagpalit ng pantulog. Sobrang antok na nga ako. Parang lumulutang na ang pakiramdam ko. Pagkahiga ko ay saka naging komportable ang pakiramdam ko. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Alexine. The warmth of her hug makes me want to dream longer.

"Mahal..." Niyakap ko siya. I am home.

Hinigpitan niya ang yapos niya sa akin. "Pahinga ka na, Mahal. Wag kang ma-pressure at mag-worry sa mga nangyari. Malalampasan din natin ang lahat ng 'yon."

"Hmm.."

"Good night, Geeo."

"Wuvyu.." nasabi ko na lang bago ako tuluyang nawalan ng malay.

--

Sa sumunod na Biyernes ng gabi, magdi-dinner na sana kami ni Alex nang maya't-mayang tumunog ang doorbell. nagkatinginan kami ng asawa ko dahil wala naman kaming inaasahang bisita. Kahit sila Mama naman ay nagsasabi muna bago pumunta.

"May inaasahan kang bisita, Mahal?" tanong sa akin ni Alex.

"Wala," sagot ko saka tumungo sa labas.

Agad kong nakita ang kotse nina Ely at Rush. Ano'ng meron?

Pinagbuksan ko sila ng gate dahil ayaw tumigil ni Colton sa kado-door bell.

"Colton!" saway ko.

"Pumasok na sila at ginarahe ang mga sasakyan. C-in-orner ko si Colton bilang siya naman ang wala sa sasakyan.

"Bakit kayo nandito?"

"Bawal na ba kaming bumisita? Grabe ka!"

Kunwaring aalis ang loko kaya inakbayan ko at hinigit sa akin. Sabay kaming naglakad papasok.

"Ang bango! Pakain!" anito. Napailing na ako dahil inunahan niya akong pumunta kay Alex.

Nakaupo na sa hapag-kainan sina Colton at Alex nang makarating ako ro'n. Nakapasok na rin sina Ely, Rush, Mendrez, Ezekiel, Charlie at Janine. Teka, ba't ba nandito sila?

Nagbeso ang tatlong babae habang ako ay matalim na nakatingin sa mga bugok kong kaibigan. Mga trip na naman ng mga 'to!

"Konti lang niluto ko. Di naman kayo nagsabi na pupunta kayo. Ano'ng gusto niyong food?"

"Kakakain lang namin, beh." Si Janine 'yon.

"Bakit parang gutom si Colts?" Tinawanan ito ng lahat nang dahil sa sinabi ng asawa ko. "O, kumain ka."

I Love View MoreWhere stories live. Discover now