#iloveviewmore
august 3-7, 2015 na po ang #Im20butstillNBSB sa TV5 Wattpad Presents :)
@nayincyp on Twitter and Instagram
www.facebook.com/nayinkofficial
--
25 - Officially His
"Maraming salamat! Salamat talaga!" Sabi ko kay Rush bago ako bumaba ng kotse nito. He drove me to Geeo's house at Greensborough. "Ingat ka pag-uwi ha?"
"You're welcome. Enjoy the night. Thanks for this day."
His smile was so natural. Hinding-hindi ako magsasawang gantihan iyon ng pinakatotoo ko ring ngiti.
Nang makaalis na si Rush ay nagtext ako kay Geeo. Sinabi kong nandito na ako sa labas ng bahay nila. Kahit alam kong welcome ako rito after all that had happened ay nakakahiya pa rin. Lalo pa ngayon na more than 12 hours na kaming hindi okay.
It was already 8 and a half in the evening. Late na para maghapunan. Sana ay kumain na sila. Mas nakakahiya kung hinintay pa nila ako.
Maya-maya lang ay nakita ko na siya. Binuksan niya ang gate. Pero imbes na ako ang pumasok ay siya ang lumabas. He welcomed me with his hug.
"I'm sorry. I'm really sorry," were the words he said while hugging me.
"Sorry din dahil ngayon lang ako. Nakatulog kasi ako. Pasensya na."
"It's okay. Ang mahalaga ay nandito ka na."
Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita. Hindi niya pa rin kasi ako binibitawan. I also enveloped my free arm around him.
Nang siguro ay nakuntento na sa pagyakap niya sa akin ay binitawan niya na rin ako.
"That was such a warm hug," I said, smiling at him.
"Masaya lang akong nandito ka na."
Nakangiti siya pero kita ko ang lungkot ng mga mata niya. Hay. This will be a long night.
--
"Ate Alex!"
"Gia.. Hi Gav!"
Namiss ko ang dalawang ito. Ang saya sa pakiramdam na kahit matagal akong nawala sa buhay ng kuya nila ay kilala pa rin nila ako.
"Ate.."
Gavin's so adorable! I gave him a peck saka ko niyakap si Gia.
"I missed you, Ate."
"I missed you, too."
Hinawakan ni Gav ang kanang kamay ko at inaya niya ako sa sala. Nakaupo sina Tito George at Tita G sa sofa. When they noticed my prescence ay sabay silang tumayo.
"Hija," lumapit sa akin si Tita, "glad you made it. I know you're busy. Thanks for coming."
Nagbeso ito sa akin at ganoon din si Tito. Humingi ako ng paumanhin dahil late ako. Sinabi kong may pinuntahan pa ako kaninang umaga.
"No worries. Kumain ka na ba?" Asked Tito George.
"Nauna na kaming kumain, Alex. Hindi ka na namin nahintay. The kids were hungry na kasi. Pero sasabayan ka ni Geeo. Hindi pa siya kumakain." I saw her look at his son.
They were really a perfect family. Kahit na ilang taon na ang lumipas ay parang ganoon pa rin ang mga itsura nila. Tumanda sila pero hindi halata. Even their house was still the same. Itong-ito pa rin. Malinis, maganda, simple.
"Okay lang po. Thanks po."
"Kain lang po kami," said Geeo bago ako hinawakan sa aking balikat. "Tara."
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?