38 – Start, New and Beginning
Ngayon ko naramdaman ang pagod sa nakalipas na dalawang linggo mula nang mawala na ang anak ko sa sinapupunan ng asawa ko. Sa tuwing maiisip ko ang bagay na 'yon ay nanghihina ako. Ngayon ay parang wala na akong lakas na bumangon. Parang kumikirot ang bawat bahagi ng aking katawan dahil sa pagod ng pag-aasikaso ko kay Alex. As much as possible, I want to be strong. Ako ang sandalan niya kaya dapat ako ang maging kalakasan niya sa tuwing nanghihina siya. Pero parang unti-unti na rin akong nawawalan ng lakas.
In the past weeks, everything went dull. I tried my very best to be with her every hour of every day. Ibinigay ko sa ibang photographers ang lahat ng na-assign sa akin sa buong buwan na ito. Hanggang hindi bumabalik sa dati si Alex ay hindi ako makakasigurong kaya ko na siyang iwan dito sa bahay. I can't leave her. Not now. Never.
Minulat ko ang mga mata ko kahit nararamdaman kong mabigat ang mga ito. Nakayakap ako sa asawa ko kahit na nakatalikod siya sa 'kin. He faced me a little while later, her eyes still closed. Hinawakan ko ang kanyang pisngi nang dahan-dahan. I felt a sudden burst of emotion. Umiinit ang mga mata ko. I don't want her to see me like this. Hindi magandang pareho kaming depressed kahit na iyon ang totoo.
Pero nanghihina na talaga ako. Kahit gano'n ay nagawa ko siyang yakapin at ginantihan niya iyon. Gising na siya. Kahit nakapikit pa rin siya ay pansin ko ang napakalungkot pa ring aura niya. Araw-araw siyang binibisita ng mga kaibigan namin pero wala akong nakikitang progress. Nakatulala lang siya sa tuwing magkukwentuhan ang lahat. Even Rush's jolliness did nothing. My wife has been really broken. At ang mga basag at nasaktan ay mahirap buuing muli. Pakiramdam ko naman ay ako ang paulit-ulit na binabasag sa tuwing titingnan ko siya. It was like...the colors started to left me one by one. I am gettoing black and white.
I closed my eyes and just felt her tight hug. Parang gusto ko na ulit matulog.
"Okay ka lang?"
Pinilit kong dumilat dahil sa narinig na iyon. Ngayon ko na lang narinig ang boses niya kahit mahina lang ang pagkakasabi niya noon. Hindi ko alam kung paano niya nagawang manahimik ng dalawang linggo maliban sa paulit-ulit niyang paghingi ng tawad no'ng unang araw.
Na-miss ko ang boses ng asawa ko!
I didn't find the right words to say. Tumango lang ako habang nakangiti. Nanlalabo ang paningin ko.
"Mainit ka, Mahal."
Kahit walang tono ang boses niya at mahina ay ang ganda-ganda nito sa pandinig ko.
Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata ko. Hinawakan ko muli ang kanyang mukha.
At hindi ko naintindihan pero...pero...
Everything suddenly went black.
--
Ramdam na ramdam ko ang bigat ng katawan ko. Maging ang pagmulat ay hirap akong gawin. Ngayon na lang ulit ako tinrangkaso. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kaialn kailangan kong alagaan ang as–
Nabigla ako sa malamig na naramdaman ng aking balat. Pilit kong minulat ang mga mata ko para malaman ang nangyayari. I saw my wife unclear. Blurred ang paningin ko. Sinubukan ko pang i-adjust ang mata ko sa liwanag. Konti pa.. There! What a beautiful view.
"A-Alexine," ani ko.
Mabilis niyang iniangat ang labi niya. Totoo ba ito? My wife's smiling in front me!
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?