46 - Endlessly, Forever and Always
Sa tuwing titingnan ko ang parents ko, palagi kong nakikitang nakatingin si Tatay kay Nanay. Iyong tingin na hindi dumaan lang. Ibang klase ang tingin ni Tatay kay Nanay. Hindi siya ganoon tumingin kina Lolo o kaya kina Ninong Rush. Hindi rin siya ganoon tumingin kina Tita Gia. Hindi rin siya ganoon manitig sa amin nina ate. Iba. Hindi ko mapaliwanag.
Sinubukan kong alamin kung ano'ng pinagkaiba ng pagtingin ni Tatay kay Nanay sa pagtingin niya sa iba. I tried to observe them. Kapag sa amin, para niya kaming tinitingnan nang hindi lang sa nakikita niya. Parang nalalaman niya rin ang kung ano ang totoong sinasabi ng puso namin. Feelings and emotion within.
But when he is looking at my mother, his eyes will smile. He need not to say a single word or make a short gesture. The twinkle will linger in his eyes. His eyes will do the talking.
It was like Tatay is seeing his world, his universe whenever he is looking at Nanay. Parang kahit ganoon lang ang gawin niya ay makukumpleto na ang araw niya.
Then I realized, that is what they called... love.
Nilagay ko ang phone ko sa ibabaw ng table ko noong naisipan kong pagmasdan din kung paano ko tingnan sina Tatay. That way, I can observe myself. Gusto ko ring malaman kung tinitingnan ko ba sila nang iba sa kung paano ko tingnan ang ibang tao.
Iba nga rin.
Noong pinanood ko ang video, walang emosyon ang mukha ko. Seryoso lang ako. Pero ang mga mata ko... may care sa tinitingnan nito. Makikita sa mga mata ko ang pagmamahal ko sa mga taong mahalaga sa akin.
Ganoon din pala ako.
Tama nga si Tatay sa sinabi niya. Halos magkatulad kami sa lahat ng bagay.
My father is so kind. Sa lahat ng kwento sa amin ni Nanay, wala yata kaming narinig na hindi maganda. Even the fears that he faced when he was young sounds like his strength. Even the shyness that he was always feeling until now felt okay. Hindi perpekto si Tatay pero sa mga sinasabi ni Nanay tungkol sa kanya, it's like he's one.
Sabi rin ni Nanay, sobrang mapagmahal ni Tatay. Walang kuwestyon do'n. Sobrang malapit kami ni Tatay. Palagi nilang sinasabi ni Nanay na mahal nila kami. Hindi raw nagkaro'n ng chance si Tatay na makilala ang tunay niyang ama kaya ang mga hindi niya nagawa kasama ito ay hindi niya palalampasin sa aming magkakapatid.
Saka kung hindi mahal ng parents ko ang isat-isa, hindi kami magiging lima.
Ang pinakanamana ko raw kay Tatay ay ang pagiging tahimik at seryoso. Ganoon din daw si Lolo George. Pero kalaunan daw ay mababawasan iyon. Kapag daw nagka-girlfriend ako. Kapag raw na-inlove ako.
Hindi ko pa maisip ang bagay na 'yon.
Apat na babae ang aalagaan ko. Paano pa 'ko magkakagusto sa ibang babae? Apat na babae ang minamahal ko plus si Nanay, kakasya pa ba ang isa sa puso ko?
Isang taon ang tanda sa 'kin ng kambal kong ate. Sina ate Angel at ate Angela. Sabi ni Nanay, nagpahinga raw muna sila kaya three years pa bago ipinanganak si Geline. Ang bunso ay si Glenise.
Lahat ng pangalan namin ay may 'angel'. Hindi ko masabi kung namana ba talaga namin ang kabaitan ng parents namin tulad ng palaging sinasabi ni Ninang Charlie. Para raw kasi talaga kaming mga anghel.
Sabi ni Tatay, may tatlo raw kaming guardian angels. Ang tunay na mga magulang ni Tatay at ang panganay naming kapatid. Nakunan daw si Nanay noon.
Kahit hindi naman ako panganay, ganoon pa rin ang feeling ko. Kami lang kasi ni Tatay ang lalaki sa pamilya. Ako raw ang bahala sa mga kapatid ko. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit si Giancarlo, anak ni Tita Janine at Tito Ely ay palaging may nililigawan. May mga babae rin naman itong kapatid. Dalawa pa. Si Kuya Godfrey naman, may gusto ring babae. Kaklase ko pa nga. Minsan, pinapabantayan sa 'kin. Tropahin ko raw 'yong mga kaklae kong lalaki para malaman namin agad kung sino ang magtatangkang manligaw sa crush nito. Hindi pa raw kasi pwedeng manligaw si kuya.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?