#iloveviewmore
@nayincyp on Twitter and Instagram
August 3-7, 2015 #Im20butstillNBSB on Wattpad Presents TV5 9PM
--
24 – Real Intention
Busog na busog ang mga mata ko dahil sa isang buong Chicken Inasal at Chopseuy na nakahain sa mesa. Tatlo ako nakahandang kubyertos sa hapag-kainan. Siguro ay kasabay naming kakain si Lola Baby. Tama nga ako dahil maya-maya ay dumating itong may hawak ng tray na may dessert. Coffee jelly!
"Kain na tayo," yaya ni Lola nang makapagdasal na kami.
Sabi ni Rush ay feel at home lang daw ako kaya iyon ang ginagawa ko. Masayahin si Lola kaya pakiramdam ko ay nakapalagayang-loob ko na ito agad. Rush was always making the atmosphere happy. Palagi itong may baong jokes. Ang babaw ng kaligayahan ni Lola kaya mabilis itong mapatawa. Sa reaksyon naman nito ako natutuwa. I am not expecting that reaction for a sixty-year old like her. Kakaiba si Lola. Pansin ko ring malapit silang dalawa ni Rush.
"Kain ka lang ng kain, hija. Niluto ko 'yan lahat para sa 'yo."
"Wow. Talaga po? Ang sarap nga po, e. Salamat po."
"Oo. No'ng sinasabi sa 'kin nitong si Rush na pupunta siya rito nang may kasama ay naisip ko agad na babae iyon. At tama nga ako." Humalaklak ito at tumingin kay Rush.
"Lagi po bang nagdadala ng babae rito si Rush?" tanong ko sabay tawa. Kung titingnan kasi si Rush ay mukha itong mayabang, mahangin at playboy. May pagka-bad boy ang imahe niya lalo na kapag hindi siya nakangiti. But when he smiles, you will definitely realize that you judge him by his cover. When he smiles and look at you, you will feel a sincere and genuine feeling. And you will be mesmerized by his pretty blue eyes. Mapapasabi kang, isa siyang totoong tao at mapagkakatiwalaan mo. Been there. I judged him but I was able to correct my wrong impression of him. Kaya nga gusto ko siyang maging kaibigan. Kakaiba siya. Walang dull moments. Mapait at maaasahan pa. Now that I have discovered his major talent and passion, lalo akong humanga. He was really admirable.
"Naku, hija. First time niyang nagsama rito ng babae. Ang ibig kong sabihin ay matagal na akong umaasa na may kasama siyang pupunta rito. Ewan ko ba riyan kung bakit hindi pa iyan nagkaka-nobya. Palagi niyang kasama noon ay si Mayo lang. Buti nga at may bago na siya ngayong aso." Uminom ito ng juice sandali bago nagpatuloy. "Hindi naman 'yan bakla. Ano, hijo? Teka, nasaan nga pala si Carbonara?"
Natawa ako! I cannot think of him that way! Sobrang nakakahinayang 'yon if ever. Rush Aguinaldo, the coolest guy I have ever known was a gay? No, no. Hindi ko tlaga ma-imagine.
Nawala rin sa isip kong itanong sa kanya si Ara.
"Hey, stop laughing!" Ngayon lang siya nakisali sa usapan namin. "Lola naman. Having no girlfriend does not make a man, gay. Hindi ba pwedeng hindi pa natatagpuan ang key holder?"
"What?" Ano raw iyong hindi niya pa natatagpuan?
"Na kay Ate si Ara, 'La. Ibibili niya raw po ng damit kaya hindi ko naisama ngayon."
"'Wag mong pansinin 'yan, hija. Pero hindi talaga bakla 'yang alaga ko."
"Key holder ng puso kong naka-locked."
Tumawa kami ni Lola.
Ang dami pa naming napagkuwentuhan. Siguro ay inabot kami ng hindi lang isang oras sa pagkain. Ang sarap-sarap ng mga luto ni Lola Baby! The coffee jelly was so awesome. Bittersweet! I love it!
Nalaman kong pamilya pala ng mga professional sina Rush. Ang daddy niya ay isang abogado samantalang doktor naman ang mommy niya. Ang dalawa niyang ate ay engineer at CPA. Hindi niya raw alam pero siya lang ang parang naiiba ang landas sa kanila. He has the talent in drawing. Mapa-canvass and paint man iyan, charcoal, pencil o graphic illustration using software. He was a great artist. Her parents and siblings were so proud of him. Siya lang ang nakakaramdam ng pagka-out of place sa kanila.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?