36 - Tears, Hug and Sorry
Ang ganda-ganda ng gising ko bawat araw. Hindi lang umpisa kundi hanggang sa matapos ito. Pansin din iyon ng mga katrabaho ko lalo na si Jonas na lagi kong kasama sa mga photo shoot. Lagi nga ako nitong inaasar. Ginagantihan ko na lang din na dapat ay mag-asawa na rin ito para laging maganda ang gising at para madagdagan ang dahilan para bumangon araw-araw. I didn't get his perception in life. Ayaw raw kasi nito ng complications. Life without complications? Seriously? Takot sa commitment siguro. Anyways, iba-iba naman tayo. But yeah, I will just keep an eye to my friends.
Ayaw pumayag ni Alex na 'wag magtrabaho. Iniisip ko lang naman ang kalagayan niya at ng anak namin. According to mom, the first trimester of pregnancy is the most delicate time. They always say that if something is going to happen, it will happen with in the first 12 weeks of pregnancy. Horrible cramps, bleeding, fever. Gusto kong mag-relax lang si Alex pero ayaw niya namang makinig. Naiintindihan ko ang dahilan niya na wala naman siyang gagawin kung mananatili siya sa bahay. Alam ko namang hindi siya sanay na hindi busy. But she needs to relax and feel at ease. Dalawa na sila. And I'm always worried sick.
Hindi naman ako manalo sa pag-uusap namin. Baka ma-stress naman siya. Naiipit na ako minsan. Hindi ko alam ang dapat gawin. Kaya lagi kong kinakausap sina Dad. Parang hindi ko siya nakitaan ng pagkainis o pagkairita sa mga nagagawa ni Mommy kahit na noong naglilihi ito. Dad always kept his cool and I wanna learn that.
"Kailangan mong habaan lalo ang pasensya mo. Dalawa na silang kailangan mong intindihin," Dad told me when we had our one-on-one talk. "Wag mo siyang gagalitin, iinisin. Kailangan happy thoughts lagi. Madalas matigas ang ulo ng mga buntis, maselan kapag naglilihi at kung anu-ano ang gusto. May pagkakataon pa na ipapakain sa asawa ang mga kakaibang pagkain. I'm glad that your mom isn't that...I don't know what to call it." Natatawa nga ito sa mga sinasabi sa 'kin. Parang naaalala nito ang mga panahong pinagbubuntis ni Mommy si Gia o kaya si Gav. Napaisip tuloy ako kung sino ang nagasikaso kay Mama Leny no'ng nasa sinapupunan nito ako. Did my real father experience these things? Kung nandito kaya ito, papangaralan din kaya ako nito tulad ng ginagawa ni Daddy ngayon?
"Give her what she wants. Pero lagi mo siyang babantayan. Alam kong excited ka na, anak. Kami rin ng Mommy mo. Unang apo, e. Nandito lang kami lagi. Isang tawag lang, pupuntahan namin kayo."
I guess, sobrang swerte ko talaga. Na kahit wala na ang tunay kong mga magulang, nandiyan naman ang mga kumupkop at nagturing sa akin bilang tunay nilang anak. These precious people keep me going. Lalo na ngayon na nadagdagan pa.
--
Sobrang excited na akong umuwi. Natapos ang session namin sa araw ng ito ng maaga at wala na akong sinayang na oras. Nag-ayos agad ako ng mga gamit ko at nagpaalam sa mga kasamahan ko.
"Ingat Tatay Geeo!" Humabol pa ng asar si Jonas nang makasakay na kami sa mga sarili naming sasakyan. Binusinahan ko na lang ito. Ang kulit talaga.
Dere-deretso lang ang byahe ko pauwi. Wala pa namang isang oras ay makakarating na ako sa bahay. Nang mag-stop ako dahil naka-red light ang traffic light, napatingin ako sa sasakyang nakatigil din katabi ng sa 'kin. Something caught my eye. A pair of little white shoes was hanging on the cars' rear view mirror along with a rosary. Napangiti ako. Gusto ko rin nang ganoon!
Dala ng excitement sa magiging anak ko kahit na pitong buwan pa siya sa tummy ni Nanay, dumaan ako sa SM at napadpad sa baby's corner. Sobrang saya ng pakiramdam ko nang mapalibutan ako ng mga gamit ng baby. Stroller, walker, bib, hotdog pillow, at kung anu-ano pa. Parang gusto ko nang bilhin ito lahat!
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?