12 – Strongest
Sinundan niya si Alex palabas ng Alter Block. Nakita niya itong naka-krus ang braso at nakatayo sa may parking, naghihintay sa kanya. Hinanap niya ang trailblazer niya. Nang hindi makita ay agad niyang tinawagan si Mendrez. Sinabihan niya ito bago umalis na ihatid ang sasakyan niya.
"Malapit na. Malapit na."
Hindi siya nakapagsalita dahil ibinaba agad nito ang tawag.
"Saan tayo pupunta?" Nakataas ang isang kilay ni Alex at ngayon ay nasa harapan na niya. Talagang pinanindigan nito ang pagtataray. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti. But he tried his best to frown.
Hindi siya nakasagot dahil nasilaw sila sa liwanag ng kotseng nasa harapan nila.
"Catch!" Para siyang nagka-adrenaline rush sa biglang paghagis ni Mendrez sa susid ng sasakyan niya. "Una na 'ko, Pare."
"Salamat," sigaw niya rito. Itinaas lang nito ang kamay nito at tuluyan ng umalis.
"Let's go."
Napapitlag si Alex sa bigla niyang pagka-usap dito. Lalo na nang buksan niya ang pintuan ng passenger's seat. Ramdam ni Geeo ang pagka-tense nito.
Pero dahil masaya siya, hindi niya na lang ito pinansin. He's like a different person at the moment. He will continue to do what he feels like doing. Aminin niya man o sa hindi, kahit na magmukhang padalus-dalos ang desisyon niya, he's enjoying it and he's happy so he doesn't care anymore.
—
Still shocked, tahimik lang si Alex sa biyahe. Iniisip niya pa rin kung bakit siya sumama kay Geeo. Kung bakit nasa sasakyan siya nito, katabi ito at nakikipagngitian dito na parang walang tatlong taong lumipas.
She is currently having a fight with her conscience.
Bumigay ka na agad porket nakatabi mo lang?
Hinawakan lang ang kamay mo, nakalimutan mo na ang sakit na napagdaanan mo?
Easy to get ka na?
Hindi ka nga niya hinanap at sinuyo! Si Charlie pa ang gumawa ng paraan para magkita kayo!
'Di ba tama si Rush na you deserved someone better?
Sabi lang sa 'yo ni Quen kanina na masayang maging single. Anyare?
She's biting his lip at naka-focus lang ang paningin niya sa salamin. So far ay alam niya pa naman ang nakikita niyang daan.
Pero parang gusto niyang lumabas na ng kotse ni Geeo agad agad! As in ngayon na! Hinawakan kasi nito ang kamay niya at ipinagsalikop sa kamay nito. Nakatingin ito sa daan habang nagmamaneho. Napapalunok siya dahil sa kuryenteng dumadaloy sa katawan niya ng dahil sa lalaking ito na bigla-bigla na lang magiging ganito sa kanya, binabaliw siya.
Parang gusto niyang umiyak, e. Baka kasi panaginip lang. Baka nagiging rude na naman sa kanya ang tadhana. Baka 'pag nagising na siya ay wala na ulit ito, malayo na ulit. Baka pagkatapos ng gabing ito, tatlong taon ulit ang lilipas na mawawala ito. Parang hindi totoo. Baka hindi totoo. Baka masaktan na naman siya ng paulit-ulit. Baka hindi niya na kayanin.
"Kurutin mo nga ako," she said, "suntukin mo nga ako. Sampalin. Para maniwala akong totoo 'to, totoo ka. At hindi ko imagination lang. Kasi malapit na akong maniwala."
Agad na napalingon sa kanya si Geeo. Saglit lang silang nagka-eye contact pero binalik din nito ang tingin niya sa daan. Hindi ito nagsalita.
"Nakakainis ka naman, Geeo."
Dedma pa rin.
"Yayayain mo ako na umalis tapos ganyan ka."
Hinila niya na ang kamay niya at saka lumingon na lang sa bintana. Nahihiya na siya na naiilang kay Geeo.
"Itatanan mo na ba ako?"
Wala na siya sa sarili niya. Nababaliw na talaga siya. Nababaliw na naman siya kay Geeo.
—
She never refused to make him smile. Mula noon, gano'n na talaga ito, makulit. At kahit na ilang taon na ang lumipas ay ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. No. Sa tingin niya nga ay mas lumala ang tama niya rito. It's like he fell in love with her stronger, harder, deeper.
Alam niyang mali ang basta na lamang lumapit dito, makipag-ayos nang hindi pinag-uusapan ang nangyari. Pero wala na talaga siyang pakialam doon sa ngayon. Sa mga oras na iyon, ang gusto niya lang ay sulitin ang sandali na finally ay kasama niya ito ulit. Hindi niya maintindihan ang kakaibang kasiyahang nadarama. He's breaking free with her.
"Itatanan mo na ba ako?"
Gusto niyang tumawa. Kaso baka isipin nito ay hindi siya seryoso at niloloko lang niya ito. Kaya ngumiti na lang siya at nanatiling tahimik. He will explain everything later. But for the mean time, he will just enjoy the moment, the view, with her, beside him.
"'Wag kang ngumiti lang ng ngumiti diyan! Hindi na nakakatuwa! Saan tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin? Kung...kung hindi mo ako itatanan, kinikidnap mo ba ako?"
He remained silent.
"Geeo, please naman. Magsalita ka. Mamamatay na ako sa kaiisip kung totoo ba ito, kung tama ba ito na sumama ako sa 'yo. Alam mong hindi tayo okay. Bakit ka ganyan?"
It hit him. Medyo. Kaya nagsalita na siya.
"Okay tayo, Alex. Alam kong okay tayo. Please trust me. I will never ever hurt you."
Hindi na ito muling nagsalita. Pero hindi na rin nito siya pinansin. She's being bipolar again, he wanted to tease him. Pero nanahimik na lang din siya. Malapit na naman sila sa bahay ng Mama Leny niya sa Tagaytay, e. Doon na lang niya sasabihin ang lahat dito.
—
"B-bakit tayo nandito?" tanong niya kay Geeo. Naalala niya bigla ang lahat ng kwento ni Geeo sa kanya noon tungkol sa biological mother nito. Hindi niya rin malilimutan ang sandaling nakita niya ito sa pinaka-weak na personality niya – noong namatay ang Mama nito. At humahanaga pa rin siya dahil nagawa nitong malampasan iyon.
"Sa akin na ito. Nasa kabilang barangay na ang shop ni Mama," he explained. "Pasok." Nauna ito bago siya sumunod. Binuksan nito ang ilaw.
Ganoon pa rin ang itsura ng bahay na iyon kahit na ilang taon na ang nakalipas nang una niya itong mapuntahan. Kung kalilimutan niya nga na tatlong taon na ang nagdaan ay iisipin niyang kahapon lang sila galing ni Geeo ro'n.
Naupo siya sa sofa. On that same spot na tinabihan niya si Geeo noong nakiramay siya sa pagkawala ng Mama nito. Lalong naging halo-halo ang nararamdaman niya.
Gee closed the door. He sat beside her.
"I always come here whenever I am in my weakest state. Kapag gusto kong umiyak, kapag gusto kong alalahanin ang nakaraan, kapag naaalala ko si Mama, kapag gusto kitang isipin. Now, gusto kong maiba iyon. Na sa susunod na mga araw na pupunta ako rito, kabilang na ang ngayon, iba na ang dahilan. Na sana masaya na ako, maligaya, buo na ulit. Hoping that in the coming days, I am in my strongest self."
Humarap ito sa kanya, seryoso ang mga mata.
"Mangayayari lang 'yon, 'pag nandiyan ka." Hinawakan nitong muli ang isa niyang kamay. "Please make me better again. Please change me once more."
Hindi niya na namalayan ang sunod na nangyari dahil nang bumalik ang ulirat niya, she's already responding to his kisses.
—
www.facebook.com/nayinkofficial
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?