18 - No Choice

2.7K 79 4
                                    

18 - No Choice

Marami kaming napag-usapan ni Quen. Hindi ko namalayan ang oras kaya agad akong napatingin sa cellphone ko nang tumunog ito.

Geeo calling...

"Lagot!" Napabulalas ko. Hinayaan ko lang tumunog ito. Tumayo ako agad. "Quen, I really need to go. Sorry."

"No, it's okay. Pasensya na at naabala kita. Salamat sa oras mo."

"Wala 'yon. Ikaw talaga."

"Pasensya na ha? I hope what I've said will not ruin what we have. Ikaw pa rin naman ang date ko next month right?"

"Oo naman. We're good friends and what we have will last forever. Yes, I will be your date."

Bumeso ako sa kanya at yumakap. Siguradong matagal-tagal ko pa siya muli makikita.

Umalis na ako at nagmadali nang bumalik sa room namin. Nag-text ako ulit kay Geeo para hindi siya mag-alala.

Me:
Malapit na ako. Sorry for taking so long.

Pagdating ko sa room namin ay nakita ko siyang maya't-maya ang pagpaparoon at pagparito sa may pinto. Lakad siya nang lakad at hindi mapakali. Mukhang napag-ala-ala ko talaga siya. Lagot ka talaga, Alex!

Nakita ko kung paano siya pumaywang at naghilamos ng mukha gamit ang kanyang mga palad. He's really nervous. I made him nervous. Hindi ko akalain na ganito ang magiging epekto ko sa kanya.

Kahit na kinakabahan ako ay nagawa ko pa rin siyang tawagin. "Geeo..."

"God! Alexine!"

Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Mahigpit na yakap na akala mo'y matagal niya akong hindi nakasama.

"Hey," I said, calming him down. "Sorry."

Hindi niya pa rin ako pinakakawalan.

"You're not answering my calls! Nagmadali akong bumalik do'n pero pagdating ko, wala ka na. Akala ko, nawala ka na naman sa 'kin."

Hinahabol niya ang kanyang hininga. Sa tingin ko'y kinakabahan siya. I really can't believe that I made him feel like this. Never in my life I had imagined that a simple me could make Geeo The Geek Andrade (we used to call him that way during our high school days) fall this harder.

"Sorry. Pero nagreply naman ako 'di ba? Sabi ko ay babalik din ako agad. At 'wag ka nang maparanoid. Nandito na 'ko."

I tried my best to loosen up kahit na nahahawa na ako sa nararamdaman niya.

"Pero ang tagal mo! Sabi nang dapat ay hindi ko hinahayaang mawalay sa 'yo ng kahit saglit."

"Possessive boyfriend!" I laughed. "Kalma ka nga. Lalo kong hindi sasabihin sa 'yo kung sino ang mga nakita ko 'pag ganyan ka."

Niluwagan niya ang yakap niya sa akin pero hindi niya ako binitawan. He put his arm on my shoulder. Tapos ay binuksan niya na ang room namin at pumasok na kami.

"I'm already cool. So sino ang nakita mo kanina na nang-agaw ng oras ko sa 'yo?"

Ayan, ngumingiti na siya. Buti at kalmado na siya. I never see him like this before. And I never thought of him being like this because of me. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mag-blush. Pakiramdam ko ay lalo niya akong minamahal sa bawat araw.

"Promise ka munang you're gonna keep your cool."

His brows furrowed.

"Hmm.."

"Mag-promise ka muna!"

"Alright. Promise."

Lumapit ako sa kanya at mauupo sana sa tabi niya pero kalmado niya akong hinigit para sa kandungan niya ako maupo. Kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa pagiging sobrang sweet ni Geeo. Sana ay magawa ko kahit na pakiramdam ko ay nawawala ako sa sarili ko sa tuwing nagkakalapit kaming dalawa. Tulad ngayon. I think my knees are becoming weak.

I Love View MoreWhere stories live. Discover now