42 - Wants, Needs and Expectations

1.7K 43 0
                                    

42 - Wants, Needs and Expectations


Noon, gusto ko lang ay magkaroon ng kapatid. Being an only child is lonely. Being a legally adopted only child is lonelier. Dumating si Gia at si Gav. Our little family becomes happier. Hindi na nawalan ng ngiti sa labi ng mga Andrade. Ni minsan ay hindi ko naramdaman na hindi ako kasali sa kanila. Itinuring nila akong sarili nilang kapamilya.

Noon, gusto kong makilala ang tunay kong ina nang bigla siyang pumunta sa amin at nagpakilala. Kahit masaya ang pamilya namin, hindi pa pala ako tuluyang buo. Nang makita ko si Mama Leny, parang sumakit ang sugat sa puso ko na hindi ko alam na naroon pala. Parang bumigat ang pakiramdam ko na hindi ko alam na nararamdaman ko pala. When you thought everything was perfect, comes a very valuable scenario. I finally felt my real mother's embrace and I am the happiest.

Noon, puro takot sa puso ko at wala akong nais kundi mawala at maubos iyon. Ayoko nang gumising sa bawat araw at pumasok sa eskwelahan na takot na hindi magkaroon ng kaibigan o mahusgahan. Ayoko nang masabihan na hindi ako nakikisama. Alexine made me realize a lot of things when we're in senior high. The fears in my heart evaporated like it wasn't in me at all.

Noon, nahihirapan akong ipakita at ipadama ang aking pagmamahal. Nauuna ang pangamba sa puso ko at takot akong sumugal. Pero dahil rin sa pag-ibig, naging matapang ako. Alexine and I were meant to be together. Nang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang pag-i-ibigan namin, walang mapaglagyan ang kasiyahan ko. Lalo na nang magpakasal kami.

A couple of months ago, we lost our baby. Para na rin kaming nawala sa mundo. Akala ko ay mawawala na rin sa akin ang asawa ko. But God has better plans for us. Hindi nawala ang pananampalataya at ang pagmamahal. Nanatili kaming masaya at magkasama.

Minsan, naiisip ko, paano kung hindi ako naging mas mabuting tao? Paano kung hindi ako sumubok, sumugal? Paano kung natakot na lang ako at nagpakain sa pangamba? Will I be this happy?

Hindi man puro saya at tawa ang nangyari sa buhay ko, masasabi ko namang worth it ang lahat. Ang bawat iyak ay may kinapuntahan. Ang bawat pait na naranasan ay may aral na ibinigay. And love? It blooms. And it will continue to grow.

I have my wife. I have a happy family. I have talented and good friends. I have a stable job and career. I am doing the passion that I love. What more could I ask for? Well, bukod sa pagbuo namin ng aming sariling pamilya ni Alex na alam kong mangyayari rin sa tamang panahon.

Pangarap ko ba ang mga ito? Siguro. At nangyayari na. The fruit of labor. The benefit of all the hardships and determination.

--

I am nervously walking back and forth for the last hour. Hindi talaga ako makapirmi. How can they feel calm at this very moment? Ah! Sanay na sanay nga pala silang mag-perform sa harap ng maraming tao. Musika ang buhay nila mula pa noon. Hindi sila tumigil. Samantalang ako?

"Pwede ba'ng maupo ka naman, Geeo?" ani Janine. Inaayos nito ang buhok ni Ely.

"I can't."

"Dude, relax."

"Ely, kinakabahan ako."

"Kami rin naman! Album launch natin 'to, pare."

Naririndi ako sa boses ni Colton. Lalo akong kinakabahan. Parang puro pressure ang tono ng pananalita nito.

Hindi ko na lang sila pinansin. Ipinagpatuloy ko ang pagpapabalik-balik ng lakad. This calms me down. A bit. At least. Nasaan na ba si Alex?

"Ready?" Napalingon kaming lahat kay Charlie. "Pinapakilala na kayo."

I Love View MoreWhere stories live. Discover now