20 - Too Jealous
Three weeks nang buntis si Charlie. Ang tagal kong na-process ang balitang iyon kaya hindi muna ako nakapag-react. Si Janine ang salita nang salita nang makarating kami kina Charlie. Inulan siya nito ng tanong. Charlie seemed happy naman. She's smiling all throughout our discussion. Even her yaya. Nang mapansin ko 'yon ay naging kalmado na ang pakiramdam ko.
"Ang gara talaga! You're the least na ineexpect kong magkaka-baby at magkaka-asawa! Kung sino pa'ng walang boyfriend sa ating tatlo ang siyang nauna." Janine laughed. Iyon nga rin ang naiisip ko. "But you're blooming! I am really happy for you. Teka, nasaan na ba ang tatay ni baby?"
Anak pala ng yaya ni Charlie ang nakabuntis sa kanya. According to her, he's a handsome pediatrician to be. Kababata niya ito bilang ang yaya nito ang nagpalaki sa kanila ni Ate Charm at sa parents niya. Her parents are happy rin naman daw. Siguro ay bago namin ito nalaman ay nakausap na nila ang parents niya.
"Pauwi na siguro 'yon. Dumaan muna siguro siya sa bahay nila pagka-out niya sa clinic. Kinuha na kasi siyang assistant ng doctor na naging professor nila. Magaling, e," she proudly said.
"How old is he?"
"A year older than us."
Parang nagtu-twinkle talaga ang mga mata ni Charlie. Ang tagal kong hinintay na makita siyang ganito. Hindi iyong sa mga fictional characters lang siya nababaliw. Pareho kaming may crush kina Warner, Peeta, Peter, Four, Gus etc etc.. Pero at least ako, I have Geeo ever since. Si Janine naman, nagka-boyfriend na rin pero single siya ngayon. She feels happier daw when she has no boyfriend.
Ang dami pa naming napagkuwentuhan noon. Buti na nga lang at si Charlie ang spotlight kaya hindi kami ni Geeo ang tinanong nang tinanong. Siguro ay na-conclude na rin nilang okay na kami.
Na-meet ko na rin si Kel. He's handsome nga! Mukha pang matalino at mabait. Christian ito kaya nag-iisip nang mabuti si Charlie kung saan sila magpapakasal if ever. Gusto nilang makasal bago siya manganak.
Binigay ko sa kanilang dalawa ang full support ko. They look so inlove. Balita ko ay first din nila ang isa't-isa.
Kinabukasan, shoot na for the magazine cover. I reminded Geeo to keep his cool. Mahirap na. Mami-meet niya na ang numero unong pinagseselosan niya. Sinabi ko sa kanya na pwede namang isa na lang sa mga team niya ang kumuha sa amin at 'wag na siya but he insisted. Okay lang naman daw talaga. Parang nahihiya tuloy ako. Ngayon niya na lang ulit ako makukuhanan ng litrato. I remember our highschool and college days. Reminiscing at its finest!
"Hey.." May nag-snap ng daliri sa harap ko. "Tulala ka r'yan."
"Uy, Rush. Ikaw pala."
Naayusan na rin pala ito. Nakasuot ito ng dark blue coat and tie. White ang panloob nito at naka-black leather shoes din. Bagay na bagay sa rito ang blue dahil sa blue nitong mga mata. Maayos din ang pagkakahawi ng buhok nitong clean cut. Hindi ko itatanggi, lalong gumwapo si Rush.
"Ayos ba?" Tanong nito bago nagpakitang-gilas sa pagpapapanget ng mukha nito.
I laughed! Eto na naman si Mr. Aguinaldo na napaka-flexible ng mukha! Hahaha! He's really good on this.
"Stop it. Naiiyak na ko sa katatawa." Sumakit ang panga ko ro'n, a.
"Mag-ga-gano'n ako mamaya."
"Baliw! Formal shoot 'yon!"
"May wacky raw sabi ni Boss!" Oh, I see. "Different faces of the ones who's advertising the corporate world daw ang theme."
Kaya rin siguro ibang touch of suits din ang pinasuot sa akin. Pink coat and pencil skirt ang suot ko na tinernuhan ng puti ring panloob at mga jewelry na professional ang dating. Naka-bun din ang buhok ko para raw makita ang kabuuang features ng aking mukha. I must say, the make-up team did great. I looked classy and at the same time, cute dahil sa color blending ng suot ko. Terno sa kay Rush.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?