10 – Vague
Kinakabahang pumasok sina Alex , Charlie at Janine sa Alter Block. Pumuwesto sila sa isang bakanteng table na nasa badang gitna.
"Mukhang last session na ng Alexandra!" ungot ni Janine. "Dapat pala inagahan natin."
Napadako ang tingin niya sa bandang tumutugtog sa stage. Nakapiring ang mga ito. Four-man group lang ang combo band na iyon. Kahit simpleng t-shirt at jeans lang ang suot ng mga ito ay mapapansin ang kakisigan ng kanilang mga katawan. Nilingon niya ang mga nanonood. Nakatuon lang ang atensyon ng mga ito sa vocalist ng banda.
"Ang galing-galing talaga nila, 'no? Alam niyo bang magda-dalawang taon pa lang ang bandang 'yan pero ang dami na nilang fans! At ito pa, lately lang sila kumanta ng mga may masayang beat na mga kanta dahil no'ng nakilala sila, puro sad love songs ang tinutugtog nila. Nakakaiyak talaga 'pag narinig niyo! Sobrang feel na feel at ang lalim ng hugot."
Tama si Janine. Kahit na ngayon niya lang napanood ang banda at kahit na wala siyang masyadong alam sa musika ay nagagandahan siya sa paraan ng patugtog ng mga ito. Lalo na sa pagkanta ng vocalist. Clean cut ang gupit nito, fair ang skin, matangkad. Hindi niya masyadong maaninagan ang kabuuan ng mukha nito dahil medyo malayo ang table nila sa stage.
"Kimberly!" sigaw ni Charlie kaya napalingon agad siya.
She felt delighted na makitang muli si Kim na noo'y naka-shades at jacket.
"Bakit ganyahan ang pormahan, 'Teh?"
"Ano ka ba, Charlie. Nalimutan mo na yatang sikat na artista na itong kaibigan natin," aniya.
"Oo nga pala."
Pinaupo nila si Kim. Good for 10 people naman ang table nila.
"Shocks! Alexandra!"
"Fan ka rin Kim?"
"Oo. Super!"
Natatawa na lang siya dahil nagkasundo sina Kim at Janine. Si Charlie naman ay busy sa pagte-text. Kino-contact siguro ang iba pa nilang makakasama ngayong gabi.
Kinakabahan siya. Kaya minabuti niya na lamang na makinig sa kanta ng banda.
Cause baby I know that you still love me
And baby know that I love you too
So tell me why can't we make it better
Cause all that I know is found in you
Gusto niya nang maniwala sa sinabi sa kanya ni Charlie na destined ang pagkikita nila ni Geeo ngayon. Um-oo ito, nag-confirm. Siguro naman ay dahil sa mga iyon ay pwede na niyang masabi na gusto na rin siya nitong makita?
Hindi siya familiar sa kinakanta ng banda pero bakit gano'n ang lyrics? Parang kwento nila 'yon ni Geeo, a. Lalo tuloy siyang nag-focus sa pakikinig dito.
Napapangiti pa siya dahil ramdam na ramdam ng vocalist ang pagkanta nito. Nakapikit pa nga ito, e. At nang dumilat na, napatingin ito sa kanya.
I'm missing your love,
I'm missing your face
All of our past, don't let it erase
Gusto niya sanang iwasan ang tingin nito pero ayaw niya namang maging snob. Saka ganoon naman talaga ang mga performer, may communication dapat sa audience. Kailangan, mas ma-feel ng mga ito ang inaawit nila. At masasabi niyang magaling talaga ang vocalist na ito dahil ramdam na ramdam niya ang mensahe ng kanta.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?