16 - Cloud Nine

3K 84 5
                                    

16 - Cloud Nine

Pico De Loro is the best beach I have ever visited so far! Sobrang ganda! The view is very relaxing. Nakarating kami rito ni Geeo nang may liwanag pa. We witnessed the sunset for a while lang pero na-amazed talaga ako. Excited na tuloy akong makita rin ang sunrise bukas.

Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin ako bigla sa tuwing maaalala ang mga nangyari kaninang tanghali at noong nasa biyahe kami papunta rito.

I like how Geeo's being possessive of me. Nando'n 'yong kilig, s'yempre. Kaunahan pa nga 'yon sa mararamdaman. Pero ang nag-uumapaw na pakiramdam ay 'yong assurance. I never felt this secure my life. Ngayon lang. Iyong pakiramdam na may isang taong ayaw kang mawalay sa kanya. Na everytime of the day, kahit kasasabi niya pa lang, ay babanggitin niya ulit. Kahit noong naging kami bago kami magkahiwalay after graduation ay hindi ganito ang feeling ko. We love each other but I guess it's not that true. Well, it's true but now's truer! Pakiramdam ko'y talagang pinatibay kami ng paghihiwalay namin ng ilang taon. Doon namin nalaman ang worth namin sa isa't-isa.

I couldn't help but to blush at the thought of his jealousy towards Rush and Quen. Pero naka-oo na ako kay Quen. We're friends. Kahit noong binasted ko siya ay nanatili pa rin kaming magkaibigan. Si Rush naman, ewan ko ba kay Geeo kung bakit biya ba ito pinagseselosan. Rush is really so nice. Nang makita ko ang makulit side niya noon sa Marine Base lalo na nang magtrabaho siya sa AdHarmony Logic ay nakikinita-kinita ko nang magiging close friends talaga kami. Sana lang ay hindi iyon masamain ng boyfriend ko. Hindi porket may relasyon na ay kailangang mawalan ng kaibigan. Not that I am choosing them over Geeo. I mean to say, friends are friends. Kahit pa lalaki ang mga ito. What important is the loyalty and faithfulness of the partners with each other. I know, Geeo and I have that.

"Dinner's ready."

Nagulat ako sa paghalik niya sa aking pisngi. Nakaupo ako sa sofa kaya nasalikuran ko siya. Busy akong magpost ng mga pictures sa Instagram. May ilan akong nakuhang pictures ng sunset at ng iba pang tanawin kanina. Bukas na ako magkukuha pa ng iba. Mas maganda sigurado bukas dahil maliwanag.

"Wow," sabi ko pagkalapag ko ng cellphone ko sa mini center table.

"Lumabas ka? 'Di ko namalayan."

Humalik din ako sa kanya. Pero imbes na sa pisngi lang ay agad siyang humarap. Nagtama tuloy ang mga labi namin.

"Sweet."

Hindi pa rin ako sanay na ganito kami ka-sweet sa isa't-isa dahil nao-overwhelmed pa rin ako. Pero gustung-gusto ko ng ganitong pakiramdam.

Inulit-ulit ko pa ang pagdampi ng labi ko sa kanya hanggang sa saglit niyang nilaliman ang paghalik sa 'kin. Muntik na naman akong mawala sa aking sarili.

"Kain na tayo."

Thank God at siya na mismo ang tumigil. Pakiramdam ko kasi'y sa sobrang kasiyahan ay hindi nagpa-function ng maayos ang isipan ko.

"'Kay," sabi ko at tumayo na.

Hawak niya ang isa kong kamay hanggang sa kusina ng nakuha naming room. Malaki ang room na ito. Parang suite sa mga hotel. Mukha ngang pinaghandaan niya ang pag-overnight namin dito.

Binitawan niya lang ang kamay ko nang makaupo na kami. Siya pa ang naglagay ng kanin sa plato ko. Ang ulam ay pork steak at broccoli. Sa itsura pa lang ay natatakam na ako.

We ate silently. Minsan ay nagkukuwentuhan.

"How's your parents?" Tanong ko. Nagpasya kaming lumabas after an hour mula nang kumain kami. "Miss ko na sina Tita G at Tito George. Sina Gia rin at Gav."

"They missed you, too." Masaya akong malaman iyon. "Okay naman sila. You know, Dad, gano'n pa rin. Sobrang sweet pa rin kay Mommy. Time flew past. My siblings were kids no more."

Gusto ko na tuloy makita ang pamilya niya. Ideal talaga sila. My family's okay now pero hindi maitatago ang problemang pinagdaanan namin noon.

Naramdaman ko ang paghampas ng hangin kaya napayakap ako sa aking sarili.

"I told you to not wear that thing."

Ayan na naman siya. Ang tagal ko pa siya bago nakumbinsi kanina na lalabas ako ng naka-swim suit. Like hello? Nasa beach resort kami. Saka naka-shorts naman ako. Balak ko rin namang maglangoy mamaya.

"Geeo,"

"Dapat ay ako lang ang makakakita sa 'yo ng nakaganyan ka," seryoso niyang sabi na dahilan kung bakit pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng pisngi. Hinampas ko tuloy siya sa braso.

"Aray!"

"Ikaw ha."

He just tsked and tightened his hold of me. Hay nako, Geeo!

Nang nakarating kami sa pool area ay agad akong naupo sa gilid ng pool at binasa ang aking mga binti. He did the same. Pero hindi pa kami nakakapag-usap ulit nang tumunog ang phone niya na nilagay niya sa may maliit na mesa malapit sa pool. He went up to answer the call.

I took the chance to scan the place. Very beautiful. Kaunti lang ang tao pero mukhang mga mayayaman. Siguro ay dahil hindi naman season para mag-swimming ngayon.

"Heart, balik ako sa room. Sama ka? I need to check some files on my laptop. May client kasi kami bukas for a photoshoot."

Heart. Para kong na-reminisced lahat ng nangyari for the past years, be it happy or sad. Heart. Our endearment. Totoo na ba talaga ang lahat? This is not just tonight, right?

"What's the matter?"

"Ah, wala, wala. Sige, dito na lang ako. 'Di ka naman magtatagal 'di ba?"

"Yap. Sandali lang ako."

"Okay."

"Don't leave. I will come back."

May sinseridad ang boses niya. Siguro ay naisip niyang baka bigla na naman akong mawala.

"Sumama ka na kaya sa akin?"

"Geeo,"

"Sorry. I just can't think of a moment that you're not with me."

I gave him a sincere and sweet smile. Hay. Palagi na lang ba akong nasa cloud nine? I would be the loneliest if these were just dreams.

"Lakad na! Nang makabalik ka na rin agad." Binasa ko pa siya ng kaunti gamit ang tubig sa pool.

He's gone for a couple of minutes now. Siguro ay isa sa mga team niya ang tumawag. May papalapit silang photoshoot na para sa mga business magazines. Iniisip ko kung maglalangoy na ako. Hindi kasi masyadong malamig ang tubig at pakiramdam ko ay hinihigit ako nito. Tumayo ako.

"Alex?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.

"Quen!"

Agad akong lumapit sa kanya. Nagbeso ako at yumakap.

"Alexine!"

Nagulat ako sa isa na namang tawag. Pareho kaming napatingin ni Quen sa lumapit sa amin.

"Rush!"

Nakangiti siya sa akin hawak nito si Ara.

Small world! Nakakatuwa!

Oh wait.. No. No. Geeo wouldn't like this. Agad kong iginala ang paningin ko. Baka nakabalik na si Geeo.

--

www.facebook.com/nayinkofficial

n

I Love View MoreWhere stories live. Discover now