21 - Pay Attention

2.7K 92 4
                                    

21 - Pay Attention

Panay ang text sa akin ni Geeo pagkatapos ng session. Gusto niyang 'wag na akong pumasok sa hapon. Like what? Tinawanan ko na lang ang pagseselos niya kay Rush. We need to be professional. That's what we're trained for in the under grad. Anumang issue o problema, kailangan tapusin ang trabaho.

Sabay-sabay kaming nagtanghalian--ako, si Rush at ang team ni Geeo nang matapos na ang photoshoot. Buti na nga lang at natapos na rin ang panunukso nila sa amin ni Rush. I guess, Jonas already talked to Gel and the rest of the team. They should know by now that I am Geeo's girl.

Pero hindi ko talaga mapigilang hindi matawa kay Rush! Magkaibigan kaya kami. We bond like what normal friends do. Dinala nito si Ara kaya lalo akong natuwa. No'ng nakilala ko ito, no'n ko na-appreciate ulit ang mga aso. He treats it like a baby. So cute!

Laging nakatingin sa akin si Geeo. Nginingitian ko na lang siya para naman mawala na ang init ng ulo niya. Tinext ko na nga lang din siya dahil nakakailangang makipag-usap.

Me:
Don't be jealous, Heart. We're friends. Just friends.

Alexander:
You call it "jealousy". I call it "fear of losing you".

I stared on my screen for a while. Di ko alam kung ano'ng irereply ko. I just feel like smiling the whole time.

"Uy, tapusin mo na 'yang kinakain mo." Said Rush who's sitting beside me.

I smiled at him not to make Geeo jealous but because I can't remove the smile on my face. Parang naka-flaster na ito. I think I'm blushing, too. Only Geeo could make me feel like this.

But my phone beeped again.

Alexander:
Stop exchanging smiles with him. It's killing me.

Alexander:
Can I hug you right now? Right here?

Alexander:
So he could realize he's tresspassing?

Alexander:
Say yes and I will kiss you in front of him.

Nataranta ako sa marami niyang reply!

Me:
I kinda like someone who gets jealous and protective but still TRUST me.

Hanggang ngayon ay si Rush pa rin ang pinag-uusapan naming dalawa. Nililigaw ko na nga ang usapan pero nabalik pa rin do'n. Matindi talaga ang pagseselos niya rito. Feel ko naman na sinusubukan niyang hindi iyon maramdaman. But I feel down everytime na ganyan siya. Alam kong pinagkakatiwalaan niya ako pero kailangan ko iyong maramdaman. Sa pinapakita niya kasi ay parang sinasabi niyang madali akong maaagaw ni Rush sa kanya.

Tinapos ko na lang ang mga pending projects ko na almost done na para maging busy ako at hindi ko na mamalayan ang oras. Gusto ko na rin siyang makasama. We saw each other almost four hours already kanina but it is not enough. Saka kailangan naming mag-usap. Baka kainin na siya ng pagseselos niya.

Tinulungan ako ni Saira. Buti na lang at 240 hours ang requirement nila sa OJT kaya napapabilis ang trabaho namin. Marami silang trainees pero ito lang ang nasa department ko. She would make a draft nga for the cover of the shoot we made earlier. May napansin din ako sa batang iyon. Well, she's a lady but I considered her 'bata' because she's younger than me. Nakangiti ito lagi sa tuwing makikita si Rush! Haha! I knew it!

When it's almost five, I saw Rush coming towards my place. Hawak nito si Ara.

"Sabay tayo uwi?" His smile is as sweet as his heart.

"Sure," I said to him. Sa Alter Block na kami magkikita ni Geeo dahil may gig ang Alexandra. They need to prepare kaya pinilit ko siyang 'wag na akong sunduin. "Pero sa kabila ang way ko. Hindi pa ako uuwi. May pupuntahan pa ako."

I Love View MoreWhere stories live. Discover now