22 - His Place
Puno na ang mga table. Ang daming tao ngayon dito sa Alter Block. No'ng huli kong punta rito--no'ng nagkita kami ng barkada--ay hindi naman ganito ka-crowded. Hindi tuloy ako makahanap ng pwesto sa malapit sa stage. Siguradong lalong magtatampo si Geeo kapag hindi niya ako nakita habang nagpe-perform sila. Naghintay ako ng kaunti bago ako umalis do'n. Baka may paalis na at makahanap ako ng magandang mauupuan.
Luckily, may umalis na dalawa sa isang apatang table na nasa bandang unahan. I immediately settled myself there. Nagpaalam ako kung pwede akong makaupo at kung may kasama ba ang isang lalaking naiwan do'n. He's busy talking on his phone kaya tinanguan lang ako nito, signaling that I can sit so I did.
I prepared my phone. Gusto ko kasing i-video si Geeo. This is the first time that I will hear him sing again with his band. 'Yong last time ay not counted dahil hindi ko naman alam na siya 'yon. First time, meaning, na okay na kami ulit.
I scanned the place. Parang parami nang parami ang mga tao. Maraming nakatayo sa bandang likuran. Nagtilian ang mga babae nang lumabas na si Colton. Pumalo ito ng ilan, siguro ay nagtotono at nagpapahayag na ng pagsisimula nila. Maya-maya ay sina Ely at Mendrez naman. I stared at them then, I remembered Colton. He's the one who brought Geeo's car that night!
"Yes, babe. My phone's ready," said the guy in front of me. Hindi ko talaga ito katapat pero dahil wala namang nakaupo sa mismong katapat ko sa apatang table na ito ay parang katapat ko na rin ito. "They're prepping their instrument. Yes, yes. The place's crowded."
I heard 'babe' so he might be talking to his girlfriend. Wala akong balak mag-eavesdrop pero malakas ang boses ng lalaki. Medyo maingay na rin kasi.
"Don't worry, babe. Relax. I'll send you the video after their performance. I promise, yes, yes. Including their announcement."
Napatingin na ako sa lalaki na noo'y nakatakip ang tainga gamit ang kamay nito. May announcement pala ang Alexandra. Kaya siguro maraming tao ngayon dito.
"Okay, babe. I love you. Please end the call, magsisimula na sila. I love you."
This guy's so sweet.
Pagkababa ng phone nito ay nahuli ako nitong nakatingin rito. Nag-smile na lang ako para hindi awkward. He smiled back before explaining himself.
"Hindi makakapunta ang fiancee ko. Nasa trabaho. She wants me to record Alexandra's performance tonight. She's an avid fan."
Tumawa pa ito. It's like he's supporting his girlfriend on her fangirling. Ang cute! Susuportahan din kaya ni Geeo ang pagpa-fangirl ko if ever?
"And you're not?" I asked thinking na baka hindi naman talaga nito gusto ang tugtugin ng banda.
"Not as addicted as her. I love their songs pero kasi mas malala pa yata ang tama sa kanila ng fiancee ko kaysa sa 'kin." He laughed a little. "You're a fan, too?"
"Ahm, yes." I smiled. I am always Geeo's number one fan.
Narinig ko ang mas malakas na irit ng audience kaya pareho kaming napatingin sa stage. Okay, start na sa pagbi-video. Nagngitian pa kami ni kuya bago nag-focus kina Geeo.
"Good evening," panimula ni Geeo sabay ngiti. Nanindig ang balahibo ko! "We'll be having a very important announcement after our set."
Nagtitilian ang mga babae. Kahit saan ako lumingon ay may cellphone at mga camera na nagbi-video sa kanila. I never imagined that Geeo could be a very famous and great vocalist. Magaling talaga siyang kumanta pero alam ko rin na mahiyain siya. Ako lang ang naging dahilan kung bakit kahit papaano ay nakipagsalamuha siya sa iba.
YOU ARE READING
I Love View More
Romance[COMPLETED] Book 2 of I Love View © Nayin Yagdulas (nayinK) Will Geeo and Alex find their happy ending this time?