Third Person's POV
"Tignan mo nga naman. Kung sinuswerte ka nga naman oh!" Sabi ng isang lalaking gangster. Tiningnan nila yung babaeng nakaupo habang nakayuko. Nagtawanan lang silang lahat.
"Umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay." Malamig na sabi ni Akane. Nagtawanan lang yung mga lalaking gangster.
"Hahahaha! Nagpapatawa kaba miss?" Natatawang sabi nung isang lalaki. Nag-angat si Akane ng tingin. Nang makita niya yung mga lalaki napangisi siya.
"Oy! Kayo pala." Nakangising turan ni Akane ng makilala yung mga lalaking nangtrip kay Samantha noon sa iskinita. Napansin ni Akane na napaatras yung dalawang lalaki na mukhang natakot sa kanya.
"B-boss s-siya yung b-babae!" nauutal na turan nung lalaking panget sa leader kuno nito.
"Tss, Mga duwag! Babae lang yan!" Singhal nung leader nila. Napapangiti nalang si Akane sa isipan habang pinapanood ang mga lalaking natataranta sa takot.
"Ano pang hinihintay niyo!? Hulihin niyo yan!" Utos nung leader nila. Pinalibutan nila si Akane. Humugot ng panyo si Akane at tinali nya iyon sa kamao niya.
"AHHHHHH!" Sigaw nung isa habang papasugod kay Akane. Nang makalapit ito sa kanya ay umikot lang siya at sinipa yung lalaki sa likuran nito. Tumalsik yung lalaki na sinipa niya sa isa pang kasamahan nito kaya parehas silang napahiga.
5 more left. Sa isip isip ni Akane. May sumugod sa kanyang dalawang lalaki magkabilaan. Nanatili lang si Akane sa pwesto niya at may sumugod rin sa likuran niya. Nang malapit na yung dalawang lalaki ay umatras sya konti at hinawakan yung ulo nung dalawang lalaki at pinag-untog. Bagsak ang mga ito. Sinipa niya patalikod yung lalaki na papasugod sa likuran nya.
1 more left
Tiningnan ni Akane yung natitira. Yung leader nalang nila. Nginisian nya lang ito.
"I-IKAW! S-SINO K-KABA?!" nanginginig sa takot na tanong ng leader nila. Tinuro lang ni Akane yung sarili niya.
"Me?" napangisi siya. "I'm your worst nightmare." pagkasabi nun ni Akane ay parang nakakita ng demonyo ang lalaking kaharap. Sa tanang buhay nito ay ngayon lang sya nakasalamuha ng isang tao na tingnan lang siya ay halos kumawala na ang kaluluwa nya.
"Run." Malamig na sabi ni Akane sa lalaki. Sa sobrang takot ay kumaripas ito ng takbo. Nadapa pa nga ito eh. Napatawa nalang si Akane sa sarili.
Like i've said, I hate seeing blood because of my suddenly change. Naisaisip ni Akane. Umalis nalang sya sa may iskinita at hinayaan ang mga walang malay na lalaki.
•••
Dylan's POV
"Sam. Paano mo nakilala si Akane?" Curious na tanong ko kay Sam. Lumingon naman sya sakin.
"She saved me sa mga bakulaw na gangster sa isikinita." Sagot ni Sam habang naka-crossed arms pa.
"Paano naman mangyayari yun? Eh, mukhang lalampa-lampa." Sabat naman ni Grayson habang tumatawa.
"Yeah. Nang dahil sa kalampahan niya kaya ako naligtas." Natatawang sabi ni Sam. Napakunot naman kami ng noo.
"What do you mean?" Takang tanong ko. Nag-shrug lang sya.
"Nang dahil sa kalampahan niya nadapa sya kaya napunta sa kanya yung atensyon nung mga bakulaw na yun." Kwento nito. "Akala ko nga nung una, eh, nakakatakot sya kasi biruin mo nagbanta sya gamit ang cold voice nya. I mean pag narinig mo yung boses niya pangingilabutan ka sa takot. Tapos ayun na nga, naglabas sya ng baril nung sabihin nya yun. Pati nga ako natakot eh, kasi napaka serious ng look nya. Nagsitakbuhan yung mga bakulaw." Kwento ulit ni Sam. Hindi ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...