♚ITCYP38♚: ENCOUNTER

23.8K 688 14
                                    

Akane's POV

Pagkagaling ko sa CR ay biglang tumunog yung phone ko kaya agad ko iyong sinagot.

(Where are you Rei?) Narining kong tanong ni shiro nii-san.

"School, why?" Nagtataka ko namang sagot.

(Can you come over here. I have to tell you something.) Napakunot yung noo ko. Anu naman kayang importanteng sasabihin nya?

"Okay. San ba yan?" Pagkasabi nya ng lokasyon ay pinatay ko na agad yung tawag. Lumabas na ako sa CR at dire-diretsong lumabas ng University. Nagpara nalang agad ako ng taxi.

Pumasok agad ako sa bar na sinabi nya. Mabilis ko naman syang nakita at nagpunta sa kinaroroonan niya.

"Bat dito pa tayo maguusap? Ang ingay kaya." Naka pout na sabi ko. Nag shrugged lang sya.

"Eh, sa Broken Hearted ako eh..." Narinig ko namang sabi nya kahit pabulong. Bigla ko syang tinasaan ng kilay.

"Kanino? kay Ate ba?" Nakangisi kong sabi sa kanya. Bigla namang siyang natigilan at nanlalaking matang tumingin sakin.

"Don't deny it. Obvious ka kasi." Naiiling na sabi ko. Bigla siyang napabuntong hininga at umorder na alak. Napataas lang yung kilay ko. Seryoso? Nagda-drama sya ng ganyan?

"Kuya 10 bottles na please!" Tawag ko sa bartender. Napatingin sakin si Shiro nii-san. Tinasaan ko lang sya ng kilay. Nang binigay samin nung bartender yung inorder ko ay kinuha ko yung isang bote.

"Hoy! Sinong nagsabi sayo na pede uminom dyan ha!" Paasik na saway nito. Tiningnan ko lang sya ng makahulugan.

"Di lang ikaw BH noh." Sabi ko sabay lagok sa alak. Bigla namang syang nanahimik at uminom nalang din.

"So, bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong ko sa kanya.

"Kailangan ko lang ng karamay." Sabi naman niya. Nang tingnan ko sya ay bakas sa expression nya ang lungkot.

"Btw, she told me about what happend." Saad ko habang iniinom yung alak sa bote. Bigla syabg napatingin sakin.

"Hindi ko alam na pinaubaya pala niya ako sayo.... kaya pala ganon ka mag-alala sakin." Seryoso kong sabi. Napansin kong pinagpapawisan sya.

"Hey! Anyare sayo dyan at parang matatae kana. Bwahaha!" Natatawa kong sabi sa kanya. Nag pout lang siya at kinurot yung pisngi ko.

"Kung ako sayo wag ka masyado lumapit sakin." Nakangising sabi niya. Napakunot naman yung noo ko.

"Huh? Bakit naman." Nagtatakang tanong ko.

"Baka kasi mapatay ako nun." Bigla akong napatingin sa likuran ko na nginusuan niya.Sa gulat ko ay muntik ko ng maibuga yung ininom ko. Nakita kong nakatingin ng masama samin si Xavier kasama sila Dylan. Bigla ako nag iwas ng tingin. Wtf! Ano.ng ginagawa nila dito?

***

Dylan's POV

Nasa labas lang kami ng Bar kasama sila Grayson dahil hinihintay namin si Xavier. Kanina pa nga ako napipikon sa kasama ko kasi ang ingay. Si Grayson kasi may nilalandi na namang babae. Sigurado pag nalaman to ni Alexis patay sa kanya yun.

"Oy, Dylan!" Tawag sakin ni Gabriel. Napalingon naman ako sa kanya.

"Diba si Akane yun." Sabi nito habang nakaturo sa babaeng kakababa lang sa taxi. Tinignan kong maigi yung babae. Teka... si Akane nga. Anu kayang ginagawa niya dito? Napakunot yung noo ko. Weird.

"Oh, nandito na pala si Xavier." Bungad ni Grayson mula sa likuran namin. Nakita kong bumaba ng sasakyan nya si Xavier at sinalubong namin sya.

"Bat ka nakasimangot dyan bro?" Nakangising puna ni Grayson sa kanya. Sinamaan lang sya ng tingin ni Xavier at nagtuloy-tuloy itong pumasok sa Bar. Nagkatinginan lang kaming tatlo. Nang sumunod kami sa kanya ay nakita namin syang nakakunot ng noo habang nakatingin sa isang direksyon. Nang tingnan ko yung tinitingnan nya ay nuntik na akong mapamura. Bakit nandito si Akane!? Ang masaklap may kasama pa syang lalaki at nakikipaginuman pa sya rito.

Muli kong tiningnan yung mukha ni Xavier. Napansin ko ang pagdidilim ng aura nito at ang pagkuyom ng mga kamao nito. Napansin ko namang napalingon samin si Akane ngunit nag iwas din ng tingin.

"This is bad." Nasambit ko habang umiiling.

***

Xavier's POV

Kanina ko pa sila pinagmamasdan ng lalaking kasama niya. Kanina ko pa rin pinipigilan yung sarili kong sugudin yung lalaking yun pagsusuntukin sa mukha. Naiirita kang ako lalo pag nakikita silang parehong tumatawa. Nakakabwisit!

"Xavier, easy ka lang bro. Inom nalang tayo." Sabi ni Dylan at tinapik ako sa balikat. Bumuntong hininga lang ako at diretsong ininom yung alak sa baso ko.

"Mukang lasing na si Akane. Ang ingay eh." Narining kong turan ni Grayson. Napalingon ako sa kinaroroonan nila. Tama nga ito. Medyo kanina pa nga namumula yung mukha nito. Napailing ako. Nabaling yung tingin ko sa lalaking kasama niya. Nakita kong nakatingin din pala ito sakin at bigla itong nag smirk. Bigla akong nakaramdam ng inis. Kung hindi siguro ako nakapagtimpi baka nasugod ko na yung lalaking yun. Kala mo kung sino. Tsk!

Maya maya lang ay nakita kong tumayo lang lalaki at bigla nitong tinapik sa balikat si Akane. Tumayo rin ito at nagtungo sa kung saan. Tumayo rin ako sa kinauupuan ko at sinundan si Akane. Narinig ko ang pagtawag sakin nila Dylan ngunit hindi ko iyon pinansin. Mabilis kong hinanap si Akane ngunit hindi ko makita. Bigla akong nakaramdaman ng pag kainis sa sarili ko.

"Fuck! Where the hell did she go!?." Iritang sabi ko sa sarili.

***

Akane's POV

Pagkatapos magpaalam ni Shiro nii-san sakin ay tumayo na rin ako. Pinilit na niya akong isabay ngunit tumanggi ako. Medyo hilo na ako sa nainom ko at medyo nakaramdam ako ng pag iinit ng buo kong katawan. Bigla akong napamura ng marealize na may nakasunod saking mga lalaki.

"Hi miss, gusto mo sumama samin." Nakangising sabi ng isang lalaki. Hindi ko sya maaninag masyado dahil nanlalabo ang paningin ko sa kalasingan at pakiramdam ko rin ay gustong bumigay ng katawan ko sa sakit.

"Let's have fun. For sure mag eenjoy ka." Sabi pa nung isa. Napaatras ako at nacorner nila ako sa pader. Shit! This is bad! I can't fight with this condition.

Naramdaman kong hinawakan ako ng isa sa magkabila kong balikat. Pilit akong nagkumawala ngunit wala akong lakas. Nanghihina yung katawan ko. I feel so helpless. Darn it!

Naramdaman ko ang pagkawasak ng damit ko kaya nalantad ang maputi kong dibdib. Narinig ko yung tawanan nila. Mga walangya!

"L-let... m-me g-go..." nanghihinang sabi ko. Ngunit tawa lang sila ng tawa. Napapikit nalang ako ng mariin habang naramdaman ang paghalik sa sa leeg ko. Gusto kong umiyak ng mga oras na iyon ng may narinig akong daing.

"AAAAAGH!!" Narining kong daing nung mga lalaki. Natumba ako sa sahig at nanghihinang nakapikit. Naramdaman ko nalang ang isang pamilyar na amoy ang bumuhat sakin. Binalot niya sakin yung suot nyang jacket. Gusto kong idilat ang mga mata ko ngunit di ko magawa. Naramdaman kong hinipo nya ang noo ko.

"Shit! You have a fever!" Narining kong kabado niyang sabi. Tuluyan na akong nawalan ng malay pagkatapos.

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon