♚ITCYP13♚: AMBUSH

41.3K 1.1K 31
                                    

Someone's POV

"Master." Bati sakin ng mga tauhan ko habang nakayukod.

"Anong balita?" Cold na tanong ko sa isang tauhan ko.

"Master, we found the heiress of the yamazaki clan." Sabi ng isa kong tauhan. Napangisi naman ako. Sa wakas at natagpuan na kitang muli. Makakapaghiganti narin ako. Isusunod kita sa mahal mong kapatid.

"Good."

"What do you want to do with her, master?" Tanong ng isang tauhan ko. Napangisi naman ako sa ideyang pumasok sa isipan ko.

"Bring the crow hunters to ambush the Ford University. Make sure they will caught the heiress with them." utoa ko sa kanila habang ngumiti. Yumukod lang sila at umalis. Wag kang mag-alala Akane, hindi pa kita papatayin. Papahirapan muna kita hanggang sa mawalan ka ng hininga.

•••

Akane's POV

Napahalukipkip ako habang nakaubob sa lamesa ng H.Q. Kahapon na welcome nila ako bilang new member. Mabuti nalang at wala pa silang pinapagawa sakin.

"Hoy! Ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Grayson. Nilingon ko siya habang nakapatong ang ulo ko sa lamesa.

"Hmm." Nakapout na ungol ko. Tumawa lang siya at inakbayan ako.

"Hahaha! Ang cute mo talaga, Akane!" Sabi nito. Maya-maya ay may bumatok kay Grayson. Mabilis nitong inalis yung pagkakaakbay sakin.

"Aray naman! Nagseselos kaba?!" Natatawang tanong ni Grayson kay Alexis. Pansin ko may kakaiba sa kanilang dalawa. Sinamaan lang ng tingin ni Alexis si Grayson. Napangiti naman ako.

"Uiiiiii! M.U kayo noh?!" Masayang tanong ko sa kanila habang taas baba ang kilay. Sabay silang napatingin sakin.

"HINDI AH/OF COURSE NOT!" Sabay nilang sabi. Napabungisngis nalang ako at tumayo.

"Kunyare pa kayo eh! Hehe. 'Wag na kayong mahiya sakin. Kaibigan naman tayo eh." Sabi ko sa kanila habang nakangisi. Hinabol nila ako bigla kaya mabilis akong tumakbo.

"Nyehehe~ M.U silaa~ M.U silaa~ Hahahaha!" Pang-aasar ko habang hinahabol ako. Natatawa ako sa kanilang dalawa. Ayaw pa aminin. Halata naman may M.U eh. Napatigil lang kami ng may biglang bumukas ng pinto. Nakita namin si hottie ko na nakapoker face.

"What the hell!" Galit na bulyaw nito. Napayuko lang sila Alexis at Grayson. Bigla akong natawa.

"Why are you laughing!?" Galit na tanong nito. Bigla akong napatakip ng bibig ko. Bad, Akane!

y^o^y (-__- +)

ako Siya

Maya-maya lang ay bigla siyang tumalikod at pumasok ulit ng kwarto niya. Pabalang niya itong sinara. Nakahinga naman kami ng maluwag. Kakatakot naman hottie ko.

"Hayaan mo na yun, Akane. Ganon talaga yun." Pang-aalo sakin nila Alexis. Tunango nalang ako. Nakita ko silang lalabas.

"San kayo punta? Date?" Tanong ko habang nakangisi. Binatukan naman nila ako. Nagpout lang ako.

"Tss, May bibilin lang kami. 'Kaw na muna bahala dito ah?" Sabi ni Alexis. Ngumiti lang ako habang tumango. Lumabas na rin sila. Hay! Gutom na ako. Waaaah!

Nilibot ko yung paningin ko sa H.Q. kung papansinin. Parang bahay lang. Kompleto lahat ng gamit at malaki rin. Cool na rin para sakin. Lumapit ako sa may ref at binuksan. OMO! Ice cream!

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon