Xavier's POV
Habang nagmamaneho ako ay may napansin akong pamilyar na babae na nakaupo sa bench. Huminto ako sa tapat niya. Nang makita ko ang mukha niya ay narealize kong siya nga. Mukha syang batang nawala at nahiwalay sa mga magulang niya. Yung mukha niya kasi nakasimangot na parang bata tapos may mga band-aid pa yung mukha. Muntik na nga akong mapatawa pero pinigilan ko lang. Bumaba ako sa motor ko at nilapitan siya. Nakita kong nagtataka yung mukha niya. Tinanggal ko yung helmet ko. Nang makita niya ako ay bigla syang ngumiti.
"Ano ginagawa mo dyan?" Cold na tanong ko sa kanya. Bigla naman siyang sumimangot.
"Uhm.. N-naligaw a-ako eh." Nahihiyang sagot niya. Tss. Laki-laki na naliligaw pa? Ano sya bata. Binato ko sa kanya yung helmet ko. Nasalo naman niya yun.
"Sakay." Utos ko rito. Nakatingin lang sya sakin.
"Tutunganga kana lang ba dyan?" Inis na sabi ko sa kanya. Natigilan naman siya kaya sunud-sunod syang napailing. Tss. Childish! Mabilis syang sumakay sa likuran ko at sinuot yung helmet ko.
"Kumapit ka nga!" Asar na utos ko sa kanya. Nakakainis naman to. Dapat pala hindi ko na pinasakay to eh! Kumapit naman sya sa bewang ko.
"Sungit naman nito." Narinig kong bulong niya.
"What did you say?" Tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya.
"Wala, sabi ko tara na po!" Sabi niya. Pinaandar ko nalang yung motor ko. Huminto kami sa isang fast food chain. Kanina ko pa kasi naririnig yung tiyan na kumukulo. Baka mamaya mamatay ito sa gutom eh. Kaya naisipan kong dito nalang kumain.
"Baba." Sabi ko sa kanya. Bumaba naman sya.
"Ano ginagawa natin dito?" Inosenteng tanong niya. Tss. Hindi iba obvious?
"Ipapaluto kita!" iritang sabi ko pero nakita kong napasimangot siya. "Malamang, syempre kakain." Tss! Sumimangot naman sya. Pumasok na kami sa naturan na fast food chain. Umupo na kami sa table na pang 2-seater lang. Konti nalang yung tao kaya maraming bakanteng upuan.
*GRUUUUUU*
Tss. Mamatay na nga siguro 'to sa gutom. Tumayo na ako at pumila sa counter. Wala na bang ibang pagkain dito? Malinis kaya yan?
Nakatitig lang ako sa menu."Can i take your order, sir?" Nagpapacute na tanong nung babaeng nasa counter. Tss. Ayoko sa lahat ng mga malalandi.
"Lahat." Cold na sabi ko. Nakita ko namang natigilan sya. Ano namang mali sa sinabi ko? Tss.
"What? I said all." Inis na sabi ko ulit. Nag-atubili naman syang tumango.
"O-okay. Just wait for a minute, sir." Sagot naman niya. Inabot ko nalang yung 10 libo at umalis na. Nakita kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Bumalik nalang ako sa table namin. Nakita kong nasubsob yung mukha niya roon. Anong nangyari sa kanya? Mabilis ko syang nilapitan.
"HEY!? WAKE UP!" Sabi ko rito habang inaalog siya. Nanatili pa rin siya sa ganong pwesto.
"TSS! AKANE!?" Tawag ko sa kanya. Patay na ba to!? Shit!
"K-kuso..." (damn) narinig kong bulong niya. Nakahinga naman ako ng maluwag. Nag-hahallucinate na yata siya sa sobrang gutom. Naupo nalang ako sa upuan ko.
"Sir, here's your order." Sabi nung crew na may dalang order namin. Dami yata? Tss. Sabi ko nga pala all.
"Akane, kumain kana." Sabi ko kay Akane. Bigla naman syang napaangat ng ulo. Nakangiti sya habang nakatingin sa pagkain. Pagkalapag nung mga pagkain ay nilantakan nya agad yun. Takaw naman nito.
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
حركة (أكشن)She is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...