♚ITCYP24♚: FALLING APART

26.6K 803 11
                                    

Akane's POV

Matapos akong hinatid kahapon ni Shiro-nii-san sa school ay nagtungo nalang muna ako sa isang hotel at nag check-in. Sa ngayon ay naghahanda na ako para pumasok. Mabilis kong nilisan ang kwarto tsaka nag check-out. Mabuti nalang at may extra pa akong uniform na naiwan. Naglakad nalang ako papunta sa school namin tutal ay malapit lang naman dito ang school. Pagkarating ko sa classroom ay sinalubong agad ako nila Alexis at dinambahan agad ako ng yakap.

"A-aray.. H-hindi ako makahinga... Bitaw!" Sabi ko habang hindi makahinga sa yakap nila. Medyo naramdaman ko rin yung pagkirot ng sugat ko.

"Saan ka galing!? Bakit ngayon ka lang nagpakita!" Sunod-sunod na tanong nila.

"Easy lang. Mahina kalaban." Awat ko habang pilit na ngumiti. Bigla naman nila akong binatukan. Napatawa nalang ako.

"Wag nyo na yung isipin, ang mahalaga nandito na ako." Sabi ko tsaka ngumiti. Hindi nila kailangan malaman ang nangyari sa akin dahil labas sila sa nangyari. Nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang matagal ko nang gustong makita ngunit wala siya.

"Si Xavier ba hinahanap mo?" Tanong ni Sam.

Tumango naman ako. "Nasa garden siya. Puntahan mo nalang."

Pagkasabi niyang iyon ay nagpaalam na ako sa kanila at patakbong lumabas ng classroom. Nang makarating ako sa garden ay napatigil ako sa eksenang nadatnan ko. Nanlulumo akong napasandal sa pader na katabi ko. Feeling ko anytime babagsak ang luhang kanina ko pa pinipigalan.

Nakita ko silang naghahalikan at mukhang sarap na sarap pa ang mga mokong at walang pakialam sa paligid. Bakit napakamalas ko naman yata ngayon? Bakit nangyayari 'to?Saglit lang akong nawala may iba na agad? Letse!

Sa inis ko ay tumalikod ako at tumakbo. Takbo lang ako ng takbo habang kumakalawa ang luha sa mga mata ko.

Ang sakit! Bakit ganon naman yata kabilis? Niloloko niya ba ako?

Nagtungo ako sa parking lot dahil wala namang tao ang nandoon. Iyak lang ako ng iyak habang iniisip ang dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon.

"Sino yan? May tao ba dyan?" Sabi ng isang pamilyar na boses. Bigla akong nagpunas ng luha ko at tinakpan ang mukha ko.

"A-akane? Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Amanda sakin. Hindi ako umimik at naramdaman ko ang paglapit niya sakin. Bigla akong napahikbi dahilan para mapamura siya.

"Shit! B-bakit ka umiiyak?!" May halong galit at pagka-awa sa boses niya. Nag-angat ako ng tingin at bigla ko syang dinambahan ng yakap.

"H-he...c-cheated(huk)o-on me!"

***

Amanda's POV

Awang-awa ako kay Akane dahil sa kaiiyak niya. Nang malaman ko ang dahilan nang pagiyak niya ay parang gusto kong sugurin si Xavier at saktan. Babae rin ako at kahit papaano ay naging kaibigan ko rin si Akane. Mabuti nalang kahit papaano ay tumigil na siya sa kaiiyak. Bigla ko siyang nilingon. Kaagad naman akong kinabahan ng maramdaman ang pagiiba ng aura niya. Parang kahit anong oras ay makakapatay na ito.

"A-ayos ka lang b-ba?" Kinakabahang tanong ko. Pero nakayuko lang siya. Nagulat nalang ako ng bigla siyang nag-angat ng tingin sakin. Halos mamutla ako sa nasaksihan.

"let's leave this place.... before i do something bad." Malamig na pagkakasabi nito. Mabilis akong tumalima at pumunta sa sasakyan ko. Sumakay na ako sa driver seat at nakita ko ang pagsakay niya sa back seat.

Mabilis ko iyong pinaharurot. Halos hindi ako makatingin kay Akane. Kapag nakikita ko yung mata niya parang kakawala yung kalukuwa ko.

Patay kang bata ka. Saan ko naman 'to dadalhin? Namomroblemang tanong ko sa isip.

"Let's switch." Narinig kong sabi niya mula sa likuran. Mabilis kong itinabi yung kotse ko sa isang gilid at nagpalit kami ng pwesto. Siya na ngayon ang nagd-drive at ako naman ang nakikisakay. Ano magagawa ko eh nakakatakot siya ngayon. Bahala na kung saan ako dalhin nito.

Maya-maya lang ay nanlaki ang mata ko ng marealize na humimto kami sa H.Q ng Gang ko. Papaano niya iyon nalaman?

Nakita ko siyang bumaba sa sasakyan kaya sinundan ko siya. "Ahh, a-ano...Akane? anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko habang nakatingin sa likuran niya. Bigla siyang lumingon sakin ng seryoso.

"Maglalabas ng sama ng loob." cold niyang sagot. Bigla akong napalunok. Papaano kung mawasak niya yung H.Q namin. Huhu! Sana naman hindi.

Pagkapasok ko sa loob ay sinalubong agad ako nila Defteri/Czarina. "Aga mo yata Leader?" Tanong niya. Pilit lang akong ngumiti.

"Sino siya?" Tanong naman ni Tetarton/Mandy habang nakaturo kay Akane.

"Ahhh.. Kaibigan ko. Hehe." hindi makatinging sabi ko. Bigla silang nagtaas ng kilay at tinititigan ako nang deretso. Hindi ako makatingin.

"Nasan si Trito?" Pagbabago ko ng topic. Nakahalata naman sila kaya mas lalong kumunot ang mga noo nila.

"Natutulog. Ano bang aasahan mo dun." singit naman ni Pempton/Aila habang may dala-dalang pagkain.

"Eh, ikaw! Kain ng kain!" Pangaasar ko sa kanya. Iniripan nya lang ako tsaka umalis. Natigilan nalng ako ng biglang nagsalita si Akane sa likuran ko.

"Where's your Training Ground here?" Tanong niya. Tinuro ko lang yung pinto na malapit sa gilid ng labasan. Nakita kong naglakad na siya paalis at pumasok sa Training Grounds.

"Bakit mo sinabi? Sino ba yun?" Takang tanong ni Defteri. Nilingon ko lang sila at nag sign na tumahimik. Kahit litong lito sila ay sumunod rin. Maya-maya lang ay nakarinig na kami ng ingay sa loob ng training grounds.

***

Trito/Lyca's POV

*BOOOOOOOOOOOGSSSH!!*

*BLAAAAAAAAAAGGG!!*

*BAAAAAANG!*

*BAAAAAANG!*

*BAAAAAAANG!*

Tss! Istorbo naman! Kita ng natutulog yung tao eh, tsk!

-.0

0.-

-.-

0.0

O_______O

"WHAT THE HELL!?" Nanlaki ang mata ko nang masaksihan ang babaeng nagwawala sa Training Grounds. Mabilis akong napabalikwas ng bangon at gulat na tiningnan ang babaeng ngayon ay nakayuko habang hawak yung baril.

Napalingon nalang ako sa pinto ng makitang bumukas iyon at pumasok sila Leader. Nakita kong nanlaki rin yung mata nila at the same time may pagkamangha sa nasaksihan. Sino ba namang hindi mamangha eh, halos sira sira na yung gamit namin sa Training Grounds dahil sa isang tao lang ? Seriously!?

***

Defteri/Czarina's Short POV

Pagkapasok namin sa loob ay nanlaki ang mata ko sa nasaksihan. Halos hindi ako makapaniwala na magiging ganito kagulo yung Training Grounds namin. Eh, nung kami nga lang na nag pa-practice eh hindi ganito ang inabot. Pero siya?
Wtf! Napakaimposible!

***

Tetarton/Mandy's Short POV

Ow shit! Shit talaga! Ang astig niya men! Hahahaha. Ang akala ko si Leader lang ang pinaka cool na tao na nakilala ko pero siya... WOW! Siya na pinaka astig sa lahat.

***

Pempton/Aila's Short POV

Grabe ngayon lang ulit ako nakapanood ng live show. Bwahahaha! Next time magdadala na ako ng pagkain para okay ang panonood.

***

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon