Akane's POV
Kasalukuyan akong nagkakape sa veranda ng kwarto ko dahil maaga akong nagising. Kagabi pa ako hindi makatulog dahil iniisip ko ang gagawin kong plano laban sa mga Kuga pati narin sa epal na babaeng yun.
Gumugulo rin sa isip ko yung mga pangyayari kagabi. Hindi ko dapat sinabi yun kay Lyca. Pero anong magagawa ko kung pangalan ko na nakasalalay.
"Haaaaaay!" Buntong hininga ko. Sumasakit ulo ko sa kakaisip ng mga problemang yan. Napaka kumplikado talaga ng buhay ko. Kailan kaya magiging payapa ang buhay ko?
Natigilan lang ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang phone. Sinagot ko agad ang tawag ng makita ko ang caller.
(Akane, may sasabihin ako sayo.)
"Ano yun?" Bored kong tanong tsaka humigop ng kape.
(Lilipat ang Gang ko sa school natin. Pwede ba?)
"Bakit kailangan mo pang magpaaalam? Buhay nila yan, sila magdedesisyon."
(Ganun ba? Hehehe. Kala ko kasi magagalit ka.)
"Yun lang ba?"
(Hindi. Pwede favor? Please!) Abat? Favor pa ah! sinuswerte 'to.
"Okay ka rin eh. Tss, anu ba yun?"
(Pwede bang sabay na kayong pumasok. Papasundo nalang kita, please!)
Naku! Kung di lang talaga kita kaibigan, tsk!
Bumuntong hininga ako."Fine."
(Yey! Hintayin mo nalang sila dyan ah, bye!)
Pagkasabi niya nun ay bigla niyang pinatay ang tawag. Bumaba na ako ng marinig ang busina ng sasakyan. Malamang ay sila na iyon. Walang imik na pumasok ako sa loob. Alam kong nakatingin sakin si Lyca pero hindi ko lang pinapansin. Alam ko rin na nakakahalata ang iba kaya tumahimik nalang ako.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa school ngunit nung papasok na sana kami sa gate ay bigla kaming hinarang ng mga guard na nagbabantay. Ilang beses bumusina si Czarina sa kanila ngunit lumapit lang yung isang guard samin at sumilip pa sa bintana.
Binaba ni Czarina yung salamin."Bakit ayaw mo kaming papasukin?!" Medyong iritang tanong ni Czarina.
"Sorry po maam, pero bawal magpasok ng outsiders." Casual na sabi naman nung Guard.
"Wtf!" Mura ni Czarina sa harap. Bumuntong hininga nalang ako tsaka binuksan yung pinto at lumabas.
Hinarap ko yung guard na kausap ni Czarina. Halatang gulat pa nga ito ng makita ako eh.
"Are you going to let us in or not?" Cold kong tanong. Biglang namutla yung guard.
"S-sorry po, hindi ko kayo napansin." Hinging paumanhin nito tsaka dali daling binuksan yung gate.
Tsk! Bubuksan rin pala, kailangan pang takutin. Bumalik na ako sa kotse at nakatingin silang lahat sakin. Nagkibit balikat lang ako.
Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway at puro bulungan ang naririnig namin. Naiirita na ako pero dahil alam ng tao na childish ako ay hindi ako nagpahalata.
"Oh my god! Bakit kasama nila siya?" Bulong nung girl bubuyog #1
"Isn't it obvious! Magkakilala yan." Girl bubuyog #2
"Ang ganda nila."
"Tsk! Anong maganda diyan, mas maganda ako noh!" Napansin kong nilingon ni Czarina yung nagsabi nun tsaka nilapitan.
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
AksiyonShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...