♚ITCYP33♚: SHE'S ALIVE

24.6K 696 58
                                    

Someone's POV

"Hintayin mo ako! Baka madapa ka." Sigaw ni Winzer.

"Hahaha. Habulin mo ako!" Sabi ko naman habang tumatakbo. Nang lingunin ko siya ay nakangiti siya sakin.

"Ganon hah!" Nakangiting sabi niya at hinabol. Mabilis akong tumakbo ngunit nahabol niya ako.

"Hahahaha....B-bitaw.. Hahahaha.. w-wag mo a-akong i-ikot.. Hahaha." Tawa ko ng inikot ikot niya ako habang karga niya. Tawa lang kami ng tawa hanggang sa tumigil kami dahil sa pagod.

Parehas kaming napaupo sa damuhan. "Hindi ba't ngayon ang luwas natin sa manila?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, excited ka na ba?" Nakangiti niyang tanong. Tumango lang ako.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ulit ang lugar na iyon. Isa pa namimiss ko na rin ang mga lugar dun." Sabi ko pa. Nang sabihin ko iyon ay hindi siya umimik. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso ang mukha niya.

"Bakit ang seryoso mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"Iniisip ko lang... papaano kung may makita ko doon at maalala. Natatakot ako na baka iwan mo ako." Seryoso niyang sabi. Bigla kong sinundot yung pisngi niya.

"Ang corny mo. Hindi bagay sayo mag seryoso. Smile na dyan. Promise hindi kita iiwan. Loves kita eh!" Nakangiting sabi ko.

Bigla niya akong nilingon at niyakap. "Sana nga Mei." Malungkot niyang sabi.

***

Xavier's POV

"Dali na kasi Bro! Punta tayo sa mall. Para kahit papaano mag enjoy ka hindi kinukulong mo sarili mo sa H.Q, o kaya naman sa bahay niyo." Pangungulit ni Grayson. Kanina pa nila ako kinukulit na magpunta sa mall.

"Tss. Fine!" Inis kong sabi. Ang kulit kasi eh.

"Nice!" Tagumpay na sabi at nakipag apir pa kila Alexis. Mga gago talaga.

"Magbihis kana dali!" Sabi nito at tinulak pa ako papasok ng banyo.

Naku! Sasapikin ko talaga sila pag nabadtrip ako. Nandito ako ngayon sa bahay at nag istay mag-isa sa sala ng biglang dumating yung mga mokong. Halos isang buwan na ang nakakaraan simula nung maging ganito lagi ang ginagawa ko. Halos isang buwan narin nila akong kinukulit at sa wakas ay napapayag nila ako.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis na agad ako tsaka bumaba. Nakita ko silang naka abang sa hagdan.

"Tara na!" Excited na sabi ni Sam. Tss. Para silang bata na first time pupunta ng zoo.

Pagkarating namin sa mall ay nag P-PDA agad yung mag-syota. Sa harapan ko pa nga naglalampungan eh.

"Tss."

"Why so bitter? Nakakain ka ba ng ampalaya kagabi?" Pang aasar ni Gabriel.

"Ikaw. Gusto mong kumain ng kamao?" Pabalik na tanong ko naman sa kanya.

"Ito naman hindi mabiro." Nakapout na sabi nito.

"Aww. Wag kang mag pout baka sagutin kita." Singit naman ni Sam habang pinipisil yung pisngi ni Gabriel.

Dahil sa inis ay nauna na akong maglakad. Sinama lang yata nila ako dito para magpainggit eh!

Pasado alas-tres na ng hapon kaya lang ako napapayag ng mga loko. Medyo boring na sa bahay kaya naisipan kong sumama.

Hindi ko naman alam na baka date lang nila 'to at dinamay lang ako para inggitin.

"Ahhh!" Sabi nang isang babaeng nakasalubong ko. Hindi ko siya napansin kaya siguro nabangga ko.

"Ayos ka lang ba m---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ng makita yung nabangga ko. Bigla akong namutla at hindi makapaniwala sa nakikita.

I-imposible... p-papaano siya nabuhay?

***

Cut po muna :)

Sino kaya yung SOMEONE'S POV ??

Sino naman ang kaya nabangga ni Xavier at ganon ang reaction niya??

Abangan niyo nalng po ...

^____________^

Thanks for reading this chapter !!'

:) :) :)

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon