♚ITCYP30♚: COLDNESS

26.7K 763 66
                                    

Fiona's POV

"Tama yang ginagawa mo. Ipagpatuloy mo lang yan." Nakangiting sabi ni Shin. Lumuhod lang ako at yumukod.

"Konti nalang at magagawa ko ng tapusin ang buhay ni Akane. Bigyan nyo lang ako ng konting panahon." Sabi ko naman. Naramdaman kong inangat niya ang mukha ko at magkalapit ang aming mga mukha. Biglang namula ang mukha ko.

"Pagbutihan mo lang. Umaasa ako sayo." Sabi nito tsaka ako hinalikan. Nabigla ako kaya hindi ako makagalaw.

Sa totoo lang matagal ko na siyang gusto. Pero may iba siyang gusto at si Akane iyon kaya gusto kong mabura ang babaeng iyon sa mundong ito. Ang hindi ko kang maintindihan. Gusto niya si Akane pero kinasusuklaman niya ito. Maya-maya lang ay bigla siyang tumigil sa pagkahalik sakin at tsaka bumulong.

"I can give you what you want... But before that, kill her first." Bulong nito. Kahit na nakaramadam ako ng inis ay hindi na ako umimik. Masaya na ako kahit ganito lang. Magtitiis nalang ako.

"Hindi ko pa nakikita ang kapatid ko. Nasan na naman kaya iyon nagsusuot." Inis na sabi ni Shin. Napamaang ko lang siyang nilingon.

"I got to go. Kailangan ko pang maghanda sa laban namin." Sabi ko. Ngumiti lang siya. Natigilan ako. Ngayon ko kang kasi siya nakitang ngumit ng totoo. Lagi kasi siyang nakangisi.

"Be carefull." Sabi pa nito. Napangiti nalang ako tsaka tumango at lumabas ng kwarto niya.

***

Akane's POV

Nasa canteen kami ngayon kasama sila Amanda at ang Gang nito. Nakikinig lang ako sa kanila habang pinaguusapan nila yung magaganap na laban. Nung una ay nagalit sila sakin dahil daw nag volunteer ako. Pero yun na ang chance ko para magawa ang plano. Kailangan kong magpatalo para maisagawa ang balak ko at para narin hindi madamay ang Night Raid sa gulong ito. Isa pa malapit na maganap ang Clan War. Ayokong may madamay na iba. Kaya kahit masakit kailangan kong gawin.... Kahit na magalit si Xavier sakin.

Sa umpisa pa lang yun na talaga ang plano ko. Ang magalit sakin si Xavier at magkunwaring galit din sa kanya. Mahirap iyon para sakin. Naiinis nga ako sasarili ko. Pati mahal ko kailangan kong saktan dahil sa lintik na buhay na meron ako. Ano kayang gagawin ni Ate kung siya ang nasa kalagayan ko?

"Lalim yata ng iniisip mo?" Puna ni Amanda habang nakatingin sila sakin.

"May iniisip lang." Palusot ko naman tsaka ngumiti. Ngayon ay bumalik na ako sa dati kong ugali. Hindi ko kasi matiis eh.

"Weh?" Tanong pa nito. Inirapan ko lang siya.

"Nasan si Lyca tsaka si Czarina?" Tanong ko ng mapansin na wala pa yung dalawa.

"Malay ko dun? Sabi magc-CR lang tapos anatagal bumalik." Amanda.

Napatigil lang kami ng may sumigaw sa pangalan namin. Nagulat kami ng lumapit si Czarina sa amin na hingal na hingal kasama si Gabriel?

"Anyare sayo?" Tanong ni Amanda.

"Si Lyca nasa Clinic!" Hingal na sabi ni Czarina.

"WHAT!?" Sabi naman. Tumayo agad kami tsaka tumakbo papunta sa clinic.

Pagkapasok namin dun ay nakita ko si Dylan na nakaupo sa gilid ng kama ni Lyca. Natigilan siya ng makita kami kaya napatayo ito.

"What happened to her?!" Galit na tanong ni Amanda kay Dylan.

"Naglalakad lang kami nun ni Gabriel ng mabangga namin sila tapos natapunan ko siya ng hawak kong Chocolate Juice tapos ayon nahimatay yan." Pagpapaliwanag ni Dylan.

"WHAT!?" Galit na sabi ni Amanda habang nilapitan si Lyca. Nakakunot noong nakamasid lang si Dylan at Gabriel.

"Mandy kunin mo yung gamot niya dali!" Kinakabahang utos ni Amanda. Nagmadali namang umalis si Mandy sa Clinic.

"Natapunan lang ng juice kailangan na ng gamot?" Hindi makapaniwalang sabi ni Dylan. Biglang nilingon ni Czarina si Dylan at sinamaan ng tingin.

"ALAM MO BANG HINDI PWEDENG KUMAIN O MAKAAMOY MAN LANG NG CHOCOLATE SI LYKA?! ALAM MO BANG MAAARI NIYA TONG IKAMATAY!" Galit na sabi ni Czarina. Nakita kong natigilan si Dylan.

Napatigil lang kami ng biglang dumating si Mandy dala ang isang paper bag.Nakita kong may kinuha si Mandy na injection na may lamang kulay dilaw na likido sa loob at ininject iyon kay Lyca. Ilang saglit lang ay nakita kong dumilat si Lyca. Umupo ito tsaka hinilot ang sentido.

"Bwesit naman." Narinig kong sabi nito.

Nauna na kami nila Gabriel at Dylan sa room dahil naiwan sila Amanda kay Lyca. Napansin kong nakatulala si Dylan.

"Huwag mo ng isipin yung nangyari. Tsaka ka na bumawi." Sabi ko kay Dylan. Nakita kong napalingon siya sakin.

"Bakit mo ginagawa ang bagay na iyon?" Tanong niya. Ako naman ang natigilan. Mapait akong napangiti.

"Ayoko na kasing madamay pa ang taong mahal ko." Sabi ko naman. Napakunot lang ang noo niya.

"AKANE!" Narinig kong tawag sakin. Paglingon ko ay nakita ko sila Sam.

"Bakit?" Tanong ko.

"May gulo sa gym! Nang bubugbog si Xavier ng estudyante." Sabi pa nito. Nagkatinginan lang kami ni Dylan tsaka nagmadaling pumunta sa Gym.

Pagkapasok namin sa loob ay nakita ko agad ang mga estudyanteng nakabulagta sa sahig at mga walang malay. Nakita ko si Xavier na sinusuntok sa mukha yung isang lalaki. Nang tingnan ko ang mukha ay halos wala itong mababakas na emosyon. Nakaramdam ako ng sakit.

Matapos niya itong sapakin ay lumingon siya samin... at sakin. Nagkatitigan kami sa mata at nakikita kong walang bahid iyong ng emosyon at ang malamig niyang pagtitig sakin.

Nilapitan niya kami. "Bakit niyo kasama ang babaeng yan?" Malamig niyang tanong. Natigilan ako sa sinabi niya at parang naramdaman ko ang isang matulis na bagay na tumusok sa dibdib ko. Feeling ko anytime babagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"A-aah.. A-ano ka--" Hindi na natapos ni Sam ang sasabihin niya ng bigla itong nagsalita.

"Let's go. Simula ngayon ay wag niyo na siyang lalapitan dahil hindi na siya kasapi sa Gang." Sabi ni Xavier tsaka umalis.

"P-pero Xavie--"

"TARA NA!" Galit na utos nito. Natahimik lang sila. Malungkot na lumingon sakin sila Sam. Nag nod lang ako.

Nangmakaalis sila ay dumiretso agad ako sa Cr. Saktong pagpasok ko dun ay bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang sakit... kasalan ko rin to kaya kailangan kong tanggapin. Sana mapatawad mo ako Hottie ko..

***

Waaaaah!

Naiiyak ako !!

●︿●

Ang hirap talagang magsakripisyo pero kung para sa mahal mo gagawin mo kahit na masakit.... YES! hugot pa more xD

***

Thanks for Reading this Chapter ^________^

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon