♚ITCYP27♚: JELOUSY

27.1K 763 13
                                    

Dylan's POV

Busy lang ako sa pag-i-iscan ng computer ko habang sila Grayson at Alexis naman ay nag aaway sa likuran ko. Kasalukuyan kaming nasa H.Q ngayon dahil naisipan ni Xavier na mag cutting matapos nung nangyari sa classroom. Hindi ako makapaniwala kanina na kayang mang roast ni Akane ng teacher. Kakaiba ang inasta niya simula nung bigla nalang siyang umalis para hanapin sana si Xavier. Napapaisip tuloy ako kung anong nangyari kay Akane para umakto ng ganon. Naramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko kaya napatingin ako sa may gumawa nun. Nakita ko si Gabriel na nakangiti.

"Bakit?" Tanong ko.

"Wala naman. Kamusta na, may bagong update ba sa site?" Tanong niya. Yung gangster site yung tinutukoy niya.

"Wala pa naman. Baka mamaya siguro may bago." Sabi ko nalang tsaka muling tumutok sa computer.

"Oh? Ito may bago." Sabi ko ng mapansin yung bagong post. Nang basahin ko yung post ay halos mapatumba ako sa kinauupuan ko.

"What the f*ck!" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Anyare sa inyo dyan?" Tanong nila Grayson ng mapansin kaming nakanganga sa isang post na may kasamang litrato. Nang makita nila ang post ay parehas rin silang napamura.

"Anong ibig sabihin niyan?!" Di makapaniwalang tanong ni Alexis. Nagtataka kayo siguro kung ano yung nakita namin?

Yung picture lang naman ni Akane na may kahalikang lalaki sa U.C. Ang masaklap ay wala pa siyang suot na mask kaya kitang-kita ang mukha niya. Malaking eskandalo ito kapag kumalat.

"Mas maigi pang wag na natin itong ipaalam kay Xavier baka ma--" hindi na naituloy ang sasabihin ko nang biglang may nagsalita sa likuran namin.

"Anong hindi sasabihin sakin?" Malamig na tanong ni Xavier mula sa likuran namin. Hindi ako nakaimik kaya bigla siyang lumapit samin at tiningnan yung computer ko.

Nakita ko kung paano magdilim yung expression ng mukha niya. Parang anumang oras ay magwawala na ito o kaya naman ay makakapatay. Lahat kami ay naningas sa kinatatayuan namin. Nagulat nalang kami ng bigla itong umalis. Nakahinga kami ng maluwag dahil doon.

"Malaking gulo ito. Sana wala mangyaring masama sa sasaktan niya." Napapailing na sabi ni Grayson. Tumango nalang kami bilang pag sang ayon.

***

Xavier's POV

Mabilis kong tinungo ang sasakyan ko at pinatakbo ng pagkabilis. Patungo ako ngayon sa U.C kung saan nakita ko ang litrato niya na may kahilakan.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon. Bakit simula nung nawala siya bigla nalang siyang nagbago. Hindi ko na siya nakakasama at makausap man lang. Tapos nagbago pa ugali niya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa kanya.

Pagkarating ko pa lang sa U.C ay pumasok na agad ako sa loob. Marami parin ang tao roon kahit na ganitong oras. Dire-diretso kong tinungo ang arena kung saan nakita ko yung lalaking kahalikan ni Akane. Mabilis ko siyang nilapitan tsaka sinuntok sa mukha ng pagkalakas-lakas. Napatumba siya sa lakas ng impact at nakita ko ang putok niyang labi.

"Ano bang problema mo?!" Galit niyang sabi pagkalingon sakin. Pero saglit lang iyon dahil bigla siyang namutla ng makilala ako.

Nilapitan ko ulit siya at kinuwelyuhan. "Sa susunod humanap ka ng babaeng hahalikan!" Malamig ngunit may bantang saad ko sa kanya. Tumango-tango lang ito.

Pabalang ko siyang binitiwan tsaka umalis ng arena. Hinanap ko si Akane baka sakaling makita ko pa. Itatanong ko sa kanya kung anong problema. Napahinto ako ng makita si Akane na papaalis sakay ng kotse nito. Mabilis akong sumakay sa kotse ko at sinundan siya. Maya-maya lang ay huminto siya sa isang coffee shop. Napakunot ang noo ko ng makitang may sinalubong siyang lalaki. Yumakap pa ito sa kanya at hinayaan lang ito ni Akane. Halos sumabog ang dibdib ko sa galit na nararamdaman ko. Anumang oras ay masusugod ko ang lalaking yun!

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at sinundan silang pumasok ng Coffee shop. Nakita kong umorder sila ng tig dalawang slice ng cake na strawberry flavor tsaka ng kape. Habang nagmamasid ay nakita ko kung paano ngumiti ng pagkatamis si Akane sa lalaking yun. Sino ba ang lalaking iyon at parang close sila kung umasta?

Ang nakakainis ay Girlfriend ko yung kasama niya pero siya close na close tapos may yakap pa. Samantalang wala naman sila! Kapag ako talaga hindi nakapagpigil mapapatay ko na ang lalaking yan!

"Xavvy! Nandito ka lang pala babe!" Napatigil ako ng marining ang sigaw na iyon. Lahat ng atensyon ay natuon samin. Nakita ko si Fiona na papalapit sakin at nakita ko rin na nakatingin sa gawi namin si Akane.

Epal talaga sa buhay ko ang babaeng ito!

***

Akane's POV

"Shiro nii, mabuti naman naisipan mo akong dalawin." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ikaw pa ba? Isa pa nabahala ako sa litrato mo na kumakalat sa site." Sabi nito habang nakatingin sakin ng seryoso.

"Sabihin mo nga Rei, ano na namang pinaplano mo?" Nakakunot noong tanong nito. Makahulugan lang akong ngumiti. Magsasalita na sana ako ng may bigla akong narinig na babaeng tumawag sa familiar na pangalan.

"Xavvy! Nandito ka lang pala babe!" Isang pamilyar na boses. Pag kalingon ko ay halos gumusot ang mukha ko sa nakita. Nandito rin pala sila.

Nahuli kong nakatingin sakin si Xavier at nagkusa ring nagbawi. Biglang sumikip ang dibdib ko.

Bakit ganon? Bakit ang sakit parin?

"Ayos ka lang ba, Rei?" Puna ni Shiro nii. Ngumiti lang ako ng pilit tsaka tumango.

"Dalian na nating ubusin ang pagkain ng makaalis na tayo dito." Pinilit kong pasayahin ang boses ko para hindi ipahalata sa kausap. Nakita kong hindi pa ito kumbinsido.

"Sige ka! Ako uubos niyan!" Sabi ko ulit at akmang kakainin yung cake niya ng bigla niyang hablutin yung plato.

"Kakainin ko 'to. Meron ka namang iyo eh." Sabi niya ulit. Nag pout lang ako. Atleast naiba ang usapan. Isapa ayokong tumingin sa kanila dahil feeling ko anytime ay sasabog puso ko.

Masakit mang aminin pero nagseselos ako kaya gagawin ko lahat ng paraan para hindi sila maging masaya nang babaeng yun! Baka nga patayin ko pa yun ganung alam ko na hindi ordinaryong tao ang babaeng yun. Alam kong may ibig sabihin ang pagdating niya sa buhay ko. Kaya kailangan ko iyong malaman sa lalong madaling panahon para mapaghandaan ko ang mga mangyayari.

***

Kailan kaya matatapos yung gulo sa pagitan ng LOVERS??

Magkaka ayos pa ba sila??

Sino ba talaga si Fiona Mae Dixon sa Eksena??

Hahahahaha ..

ABANGAN NIYO NALANG PO
:P

^___________^

Thank you for reading this Chapter !

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon