♚ITCYP40♚: MEETING

23.9K 669 9
                                    

Akane's POV

"A-akane?" Di makapaniwalang tanong ni Ate. Oo si Ate nga yun. Bigla ko syang nilingon.

"Kayo pala. Sorry kung nakaistorbo ako." Hinging paumanhin ko. Nakita ko sa mata ni Ate ang pagtataka. Tininingnan ko lang din sya at sinabing I-will-tell-you-later-look. Muka namang naintindihan niya kaya bahagya itong tumango.

"Ehh? Anong ginagawa nya dito Clyde?" Takang tanong ni Ate. Napakamot sa ulo nya si Xavier.

"Ahh. Nag inom kasi sya at nung nalasing napagtripan. Tapos inapoy sya ng lagnat kaya dinala ko dito." Honest na sabi nito. Nawalan tuloy ako ng gana. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Xavier salamat sa tulong mo. Mauuna na rin ako. May nakalimutan akong asikasuhin." Pagsisinungaling ko at bahagyang ngumiti. Nakita kong nagbago yung expression nya. Tumango nalang siya pagkuwan. Umallis ako sa condo niya ng nakasimangot. Alangan namang mag istay ako dun? Edi na OP ako samag jowa.

Habang naglalakad ako palabas ay pinagtitinginan ako ng tao dahil siguro sa suot ko. Nakakahiya pero okay lang. Badtrip ako -.-

Mabilis akong pumara ng taxi tsaka sumakay. Mas maigi kong problemahin ang balita kanina. Hindi ko namalayan na nag umpisa na ang Clan War. Pero nakakapagtaka. Sigurado akong mga Kuga lang ang mga iyon at wala sa nasasakupan ko ang lumaban. Ano na naman plano nila?

Hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako ng bahay.bumaba agad ako sa taxi at inabot ang bayad. Dire-diretso akong pumasok sa loob. Pagka akyat ko sa kwarto ko ay tinawagan ko si Hayato. Ilang saglit lang ay sinagot na nito ang tawag.

"Kaigi no subete no hito yobidashimasu. Watashi wa ichizoku no sensō ni tsuite giron suru nanika o motte imasu." ( call everyone for a meeting. I have something to discuss about the clan war) seryoso kong sabi.

(Anata no sukina yo ni.) (As you wish) magalang sa sagot ni Hayato.

"Matteimasu." (I'll be waiting) pagkasabi ko nun ay pinatay ko na yung tawag.

Mabilis akong nagbihis ng usual kong suot kapag Yakuza Mode ako. Nagdala lang ako ng baril at dagger na tinago ko sa likod ng suot ko. Mabilis akong bumababa at sumakay sa motor ko. Isinuot ko na ang maskara ko at nagtungo sa Main H.Q ng Yamazaki Clan.

Tahimik akong pumasok sa loob ng Meeting Area. Napatingin sakin lahat ng tao sa loob. Isa na doon sila Onii-chan, Hayato at Hikari kasama si Ninong. Yung tatay ni Xavier.

"Where's the other representatives of the gangs?" Malamig kong tanong sa kanila. Lahat sila nagkatinginan.

"Im sorry Hime, pero ang sabi baka matagalan pa sila." Sagot ng isang Officials sa Clan. Biglang napantig ang tenga ko at nahampas yung lamesa. Nakita kong nag crack iyon. Mabuti nalang hindi nasira -.-

"The hell i care! This is an important meeting and i don't take any excuses!" Singhal ko sabay tayo. Bigla kong tiningnan yung kinausap.

"What are you waiting for?! Go and tell them to come here, Darn it!" Inis kong sabi. Dali daling tumayo yung lalaki at umalis sa loob. Natahimik ang lahat.

Ilang minutong nakakalipas ay biglang bumukas yung pinto at pumasok yung mga Gangster na Repsentative ng bawat Gang nila. Top 10 Gangs lang ang kinuhaan ko ng Repsentative. May kinalaman kasi yung mga gangster sa problema namin. Nabalitaan ko na ginagamit ng mga Kuga ang ibang Gangster sa kanilang plano kaya sabit sila dito.

"Hime, nandito na sila." Bungad sakin nung inutusan ko. Nag nod lang ako. Tiningnan ko isa isa yung mga representative. Si Amanda pala yung pumunta sa Gang nila.

"Can we start this discussion now?" Tanong ko sa kanilang lahat. Lahat sila nagsitanguan bukod sa dalawang Gangster na naglalandian sa harapan ko. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtuloy tuloy sa paguusapan namin.

"Have you watch the news?" Tanong ko.

"About sa pag i-start ng Clan War na naganap sa Quezon right?" Sabi ng isang Gangster na lalaki.

"Exactly."

"So, anong kinalaman namin dito? Alam mo bang nag sasayang lang ako ng oras?" Iritang sabi naman nung hindi nakikinig sakin kanina pa. Tiningnan ko sya ng matalim.

"I don't care and for your information, i'm the one who are wasting my time to a person like you, so you better shut up bitch." Pangbabara ko. Bigla tuloy siyang natahimik.

"Pinatawag ko kayong lahat dahil sa madadamay kayo sa magaganap na Clan War. Nagpatawag ako ng bawat represntatives sa bawat Gang para ipaalam na ang halos 80.99% ng gangsters ay nasa panig na ng Kuga. Isa pa may hinala ako ng may binabalak ang Kuga kaya sila nagpaparami ng tauhan at isa na doon para gamitin ang mga Gang sa mga plano nila."

"Dahil halos 20% nalang ng Gang ang nakapanig satin maaaring mahirapan tayong matalo ang mga Kuga. Kaya sa mga natatakot mamatay maaari na kayong umalis dito." Mahaba kong sabi.

"Tsk! Yun lang pala sasabihin. Mabuti pa ngang umalis kasya sa madamay sa walang kwentang gulong to!" Sabi nung babae kanina.

"Pero tandaan nyo kapag sumanib kayo sa kabilang kampo magisip-isip na kayo..... dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo mismo sa oras na magkaharap tayo." Pagkasabi ko nun ay umalis ako. Dumaan ako sa harap nung babaeng namumutla. Pagkalabas ko ay dumiretso ako sa private room ko sa H.Q.

Pagkapasok ko sa loob ay hinubad ko yung maskara ko at naupo sa sofa.

"Bakit ang init ng ulo mo?" Narinig kong sabi ng lalaki sa likuran ko. Nakapikit ako kaya di ko sya makita.

"Teka, anung nangyari sayo kagabi? San ka dinala ni Xavier?" Tanong niya pa. Hindi ako nag salita.

"What are you doing here?" Irita kong tanong.

"Bakit masama na bang dumalaw sayo, Akane?" Tanong niya. Dinilat ko yung mata ko at nilingon sya.

"Tigilan mo ako, Dylan!" Inis kong sabi at inirapan sya.

"Hahaha! Pikon ka pala eh!" Pang aasar niya. Inirapan ko lang sya at tumayo na.

"San punta mo?"

"Sa impyerno. Sama ka?"

"Hehe. Kaw nalang. Ayoko iwan Lyca ko." Sabi niya pa.

"Lyca?" Tanong ko at hinarap siya. Bigla syang nag iwas ng tingin. "Kayo na ba?" Tanong ko habang nakataas ang kilay. Simula nung nalaman ni Dylan na ako yung Yakuza Princess at hindi si Amanda ay lagi na niya akong sinusundan. Nakakainis nga eh. Umi-fc na!

"H-hindi noh!" Tanggi niya kahit obvious naman. Inirapan ko nga.

"Malapit na rin niya malaman kung sino ako. In-faireness bagay kayo." Sabi ko sa kanya habang nakangisi. Nakita ko syang namula. Bubuksan ko na sana yung pinto ng hinagis nya sakin yung maskara ko. Nasalo ko iyon agad.

"Akane, hanggang kailan ka ba magdudusa?" Narinig kong malungkot niyang tanong. Lumingon ako sa kanya at sumandal sa pinto.

"Alam mo may tamang panahon para dyan." Sabi ko nalang.

"Bakit hindi mo pa kasi sabihin sa kanya na kapatid mo si Aisaka? Alam mo bang hanggang nagyon di parin niya titigilan yung taong nakita nya bago mawalan ng buhay si Aisaka? Di mo ba naisip na mapapahamak ka pag nalaman niyang ikaw yung nakita niya?" Sunod sunod nitong tanong. Napabuntong hininga lang ako.

"Kilala mo si Fiona diba." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Sa tingin ko Assassin siya ni Shin Kuga." Turan ko. Nakita kong nanlaki yung mata niya.

"Kung ayaw mo akong mapahamak. Pigilan mo si Fiona na mapaniwala ang lahat sa isang kasinungalingan." Makahulugan kong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya. Ngumisi lang ako.

"Bala ka dyan." Pagkasabi ko nun ay sinuot ko na yung maskara at lumabas ng kwarto. Maiwan sya dung nagdudugo yung utak kakaisip. Hahahaha!

Ginusto niya yun eh.


♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon