Akane's POV
Nagising nalang ako sa tubig na binuhos sakin. Minulat ko agad ang mga mata ko. Nakita ko ang mga Crow Hunters na nakabantay sakin. Hmm. Not bad. Nginitian ko silang lahat. Yung ngiting nakakatakot. Alam kong pula parin ang mata ko. Kaya kong kontrolin to pero pag nae-excite ako, bigla nalang magiging pula mata ko.
"Yo! Gutom na ako." Nakasimangot na sabi ko sa kanila. Nilingon naman nila ako.
"Oh, gising na pala ang heiress. Tawagan mo na si master." Sabi nung leader ng Crow Hunters. Master? Napangiti ako ng marealize kung sino ang master na tinutukoy niya. Sumimangot ulit ako ng tumingin sila sakin.
"Gutom na ako." Ulit ko sa sinabi ko kanina.
"Hoy! Bigyan niyo ng pagkain ang prinsesa." Nakangising sabi nung leader. Nagsitawanan naman silang lahat at may nilagay silang pagkain sa harapan ko. Tss! Paano ko kaya makakain yan kung nakali ako?
"Pssst! Patanggal ng tali." Sabi ko sa katabi kong nagbabantay. Tiningnan niya ako.
"Ano ako tanga? Bakit kita susundin?" Sabi pa nito.
"Tss. Ikaw nga tanga dyan! Eh, pano naman ako kakain kung nakatali kamay ko diba? Siraulo." Sarcastic na sabi ko. Napikon naman siya at akmang sasampalin ako ng may biglang humawak sa kamay niya.
"Ako na bahala dito." Malamig na sabi nung lalaking humawak sa kamay ni mamang kalbo. Umalis naman yung kalbo at tumingin sakin si kuya pogi. Yes! gwapo siya. Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya. Friendly ko talaga! Hahahaha.
"Subuan nalang kita." Sabi nito habang nakangiti. Tumango nalang ako. Nagulat ako ng bigla niyang nilapit yung mukha niya sakin.
"Young lady, Let's play your favorite game." Nakangiti nitong sabi sakin. Natigilan ako sa sinabi niya. My favorite game? Napangisi ako at tumingin ng diretso sa mata niya.
"The reaper and soul." Bulong ko. Tumango lang siya. Ngumisi naman ako.
"There's a katana on your left side. You can use it." Sabi nito. Tumango nalang ako. I miss that game. 2 years ago when my sister died. Araw-araw akong naglalaro nun.
Nung time na yun isa akong demonyo. Hanggang sa isang araw nagising nalang ako at bumalik sa dati. Naisipan kong magbagong buhay sa pamamagitan nito. Ngayon maglalaro na naman ako. Ang laro ni kamatayan ay mag uumpisa na.
Mabilis kong nakalag yung tali ko. Kinuha ko agad yung dalawang dagger at binato sa dalawang bantay ko. Mabilis kong kinuha yung katana sa left side ko. Pinalibutan ako ng mga Crow Hunters. My usual expression while playing my favorite game--Matamis akong nakangiti sa kanilang lahat. Sayang 'di ko dala manika ko
"Guys, Let's play the reaper and soul. Me as the reaper and all of you are my souls." Nakangiti kong sabi sa kanila. Tumawa lang sila. Nagpout lang ako. Napansin kong nanonood lang si kuya pogi. Tinaas ko lang yung katana at kinaway sa kanya. Kumaway rin siya. Let the game begin!
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanila at winasiwas ang katana ko. Tatlo agad ang bumagasak. Weaklings. Naramdaman ko ang dalawang papasugod sa likuran ko. Bago pa nila ako maatake ay sinaksak ko na sa kanila yung katana ko.
"Aaaack!" Hiyaw nung isa ng mahiwa ko siya sa tagiliran. Tumalsik yung dugo niya sa mukha ko.
Halos tunog lang ng katana ko ang maririnig. Punong-puno na rin ng dugo ang buong katawan ko.
"ARRRRRGGH!" Daing nung pinakahuling nasaksak ko sa tiyan. Inalis ko yung pagkakatarak nung katana ko sa tiyan niya at bumagsak siya sa sahig na wala ng buhay. Binagsak ko yung katana ko.
Narinig kong may pumalakpak. Nang lingunin ko kung sino ay si kuya pogi lang pala. Laumapit siya sakin at yumukod.
"Young lady, Napakagaling mo parin. Nakakahanga." Sabi niya.
"Game over." Nasabi ko at ngumiti.
"You're still merciless as always, young lady." Sabi niya at yumukod. Napatawa nalang ako sa sinabi niya.
"Hindi ako pwedeng umuwi ng ganito ang itsura." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.
"You can use my car outside. Dumiretso nalang kayo sa condo." Sabi niya. Tumango nalang ako. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar. Papunta ako ngayon sa condo nila Hayato.
<<<FAST FORWARD>>>
Pinarada ko na yung kotse sa likuran ng condo. Dumaan ako sa bintana para walang makakita sakin. Kumatok ako sa bintana ng unit nila Hayato. Maya-maya lang ay binuksan iyon ni Hikari habang nanlalaki ang mga mata.
"Y-YOU LOOKED B-BLOODY!" Bulalas nito. Binatukan ko lang siya.
"Pagamit ng shower." Nakangiting sabi ko sa kanya. Tumango lang siya habang nakanganga. Binigay niya sakin yung damit at tuwalya. Dumiretso na ako sa banyo.
•••
Hikari's POV
"Bakit ka nakanganga diyan?" Untag sakin ni nii-chan. Napatingin agad ako sa kanya.
"S-she's bloody." Nauutal na sabi ko kay nii-chan. Kumunot yung noo niya ng biglang bumukas yung pinto ng banyo. Nakita namin si hime na nakangiti. Binato niya sakin yung damit niya kaninang puno ng dugo. Mabuti nalang at nasalo ko iyon.
"What the hell!" hindi makapaniwalang bulalas ni nii-chan. Tiningnan lang siya ni hime nang inosente. Tinuro ko yung ulo niyang dumudugo. Kumunot yung noo niya at hinawakan yung ulo niya. Nakita kong may dugo yun. Bigla siyang natigilan at naging pula ang mata niya. Hay.. sabi na nga eh! Napabuntong hininga lang siya. Nilapitan siya ni nii-chan at inupo sa kama.
"Gamutin natin." Sabi ni nii-chan. Tumango lang si hime. Ilang minuto rin ang nakakalipas ng matapos siyang gamutin ni nii-chan.
"Cous, pahinga ka na. May pasok pa tayo bukas." Sabi ni nii-chan kay hime.
"Ahh, Okay. Good night sa inyo!" Nakangiti nitong bati at humiga na sa kama ko. Tabi kami ngayon matulog. Nilingon ko si nii-chan.
"Nii-chan, oyasumi." (Good night) sabi ko kay nii-chan.
"Oyasumi." Nakangiti niyang sabi at kumaway sakin. Lumabas na siya sa kwarto ko at tinabihan ko na si hime para matulog.
She's still haven't changed at all. Her demon side still remain. Sa isip isip ko at 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
•••
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...