♚ITCYP15♚: THE SUSPICION

36K 1.1K 51
                                    

Xavier's POV

Mei ano bang ibig sabihin ng pinsan ni Rei? ..... Sino ka ba talaga Mei?

*BOOOOGSH*

Lahat kami napatigil at napalingon sa pintuan ng room. Nakita naming pumasok yung isa naming kaklase na hingal na hingal na lumapit sa amin.

"Master, Xavier! Nandito po ang mga crow hunters!" Hinihingal na sabi ng kaklase namin. Magsasalita na sana ako ng biglang may pumasok sa room namin. Tumayo ako bigla at sinuntok yung isang member ng crow hunters. Napaupo ito sa suntok ko. Hindi siya nakapag-react at tinulungan siya ng mga kasamahan niya na tumayo.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" Galit na tanong ko. Hinawakan ako nila Grayson at Gabriel sa balikat para pigilan. Hindi sila nagsalita.

"WHERE'S AKANE!?" Galit na tanong ko sa sinuntok ko kanina. Pero hindi parin sila umimik.

"Wait! Akane? What happened to Akane?!" Gulat na sabat ni Rei. Hindi namin siya pinansin at sinamaan ko ng tingin yung mga crow hunters.

"What happend here?" Natigilan lang ako ng marinig ang boses ni Akane. Napalingon kaming lahat sa kanya sa may tapat ng pintuan. May benda yung ulo niya. Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap. Kahapon nung nakita ko siyang dinukot ng mga crow hunters, natakot ako. Natakot ako na baka maulit yung nangyari dati.

Hindi ako makakapayag na pati siya mamatay. Tama na ang isa. Kung pati siya mamamatay baka hindi ko na kayanin pa. Nung mga araw na nakasama ko si Akane lagi akong masaya. Binago niya ako. Binalik niya ulit ako sa dating ako pero hindi ko lang pinapakita. Magaan ang pakiramdam ko kapag kasama siya at sa tingin ko gusto ko na ang lampa na yun.

"H-hottie ko?" Narinig kong sabi niya. Bumitaw agad ako sa kanya at umiwas ng tingin.

"Paano ka nakatakas sa kanila Akane?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang natigilan at naging balisa. Kumunot yung noo ko.

"A-ah.. M-may tumulong sakin." Nauutal na sabi niya sabay iwas ng tingin sakin. Lalo akong nagtaka sa kinilos niya.

"Hime!" Napalingon ako sa may tumawag sa kanya. Nakita ko sila Hayato at Hikari na nilapitan si Akane. Pansin ko lang. Bakit lagi nilang kasama si Akane? Hindi ba dapat na kasama nila ay si Rei dahil pinsan nila ito?

Kumaway lang si Akane sa mga ito. Nakita kong hinila ni Hayato si Akane papunta sa upuan nito.

"Get out of this place now!" Ma-otoridad na sabi ni Hikari sa mga crow hunters. Napalingon ako sa kanya. Yumukod sa kanya yung mga crow hunters at umalis. Akmang aalis na sana si Hikari ng hawakan siya sa braso ni Dylan kaya napahinto siya. Cold na nilingon niya ni Dylan. Bigla akong napaatras. Nakakatakot. kakaiba talaga sila.

"Yung mga sinabi mo tungkol kay Aisaka kahapon. May hindi pa ba kami nalalaman tungkol sa kanya?" Seryosong tanong ni Dylan. Napansin kong biglang naging blanko yung expression ng mukha ni Hikari. Mas lalong nakakatakot.

"Anong pangalan niya?" Cold na tanong niya kay Dylan. Naguluhan ako sa tanong niya.

"Aisaka Mei Lee." Matatag na sagot ni Dylan. Nakita kong napailing nalang si Hikari. Napatigil kaming lahat ng biglang tumayo si Akane at tumakbo palabas ng room namin. Hinabol naman siya ni Hayato.

"Shit! I forgot." Narinig kong bulong ni Hikari at umalis na rin para habulin sil Akane. Naiwan kaming lahat na tulala at naguguluhan.

"Hey, Dylan!" Tawag ni Gabriel kay Dylan. Lumingon naman ai Dylan kay Gabriel.

"Diba, Lee rin ang surname ni Akane?" Tanong ni Gabriel. Natigilan ako bigla at napatingin sa kanila.

"Yeah, What's the big deal about it?" Nagtatakang tanong naman ni Gabriel.

"What if magkapatid sila ni Akane?" Out of the blue na sabat ni Sam. Napatingin naman kami sa kanya lahat.

"Hey! Don't look at me like that. Opinion ko lang naman yun eh." Nakataas kamay na sabi nito.

"There's a possibility na magkapatid nga sila, but ayon sa sinabi ni Hikari na wala pa tayong masyadong alam kay Aisaka, kaya sa tingin ko impossible na magkapatid sila ni Akane." Sabi ni Dylan.

"What do you mean?" Tanong namin.

"Totoong nakasama natin si Aisaka at naging kaibigan. Pero wala tayong masyadong nalalaman sa kanya. Wala siyang masyadong sinasabi satin tungkol sa buhay niya. One time, i tried to get her info's but, there's no result. Wala ang mga important detail na nakalagay. Aisaka Mei Lee ang pagkakakilala niya satin pero sigurado ba tayong iyon ang tunay niyang pangalan?" Mahabang litanya ni Dylan. Napayuko ako sa sinabi niya. Tama siya. Iyon ang pagkakakilala namin sa kanya. Kahit naging kami, wala siyang binabanggit na kahit ano tungkol sa kanya. Kung pag-uusapan namin ang topic na iyon ay umiiwas siya.

"Pero naguguluhan talaga ako. Bakit siya pinatay ng mga yakuza? Anong kinalaman niya sa mga yun?" Nagtatakang tanong ni Dylan. Maski ako napapaisip. Teka! H-hindi kaya... Imposibleng mangyari yun. Nilingon ko si Dylan.

"Dylan, kunin mo ang info ni Akane." Utos ko kay Dylan. Napansin kong nagtataka yung mga ka-gang ko sa sinabi ko.

"Huh? Why?" Takang tanong ni Dylan sakin.

"Just do it!" Inis na sabi ko at umalis ng room. Wala na rin naman yung kaklase namin eh. Nagsialisan sila nung nagpunta yung mga crow hunters sa room.

Sana hindi tama ang hinala ko.Sa isip-isip ko.

•••

Akane's POV

Huminto ako sa pagtakbo ng makaramdam ako ng pagod. Napalingon ako sa likuran ko ng may sumunod sa akin. Sila Hayato lang pala. Malungkot na ngumiti ako sa kanila. Alam kasi nila na sumama yung mood ko sa narinig ko.

"Hime." Nagaalalang tawag sakin ni Hayato. Umiwas lang ako ng tingin.

"Si ate... Siya ba yung tinutukoy nilang dating member ng gang?" Malungkot na tanong ko sa kanila. Tumango lang sila. Si ate... Namimiss ko na siya.

Siya rin pala kung ganon ang naging girlfriend ni hottie ko. Wala pala akong karapatan kay hottie ko. Ang saklap naman ng tadhana.

"Hime, sa tingin ko naghihinala na sila sayo." Narinig kong sabi ni Hikari.

"It's okay." Sabi ko sa kanya at tumalikod.

"What if they find out the truth?" Nag-aalalang tanong pa nito. Nilingon ko sila at ngumiti.

"Then let them know." Sabi ko. Umiling lang silang dalawa.

"Fine." Sabay nilang sabi. Ngumiti nalang ako at lumapit sa kanila. Inakbayan ko silang dalawa sa balikat.

"Tutal naman at ganito ang kundisyon ko. Hindi muna ako papasok, So ilibre niyo ako ng ice cream!" Masayang sabi ko sa kanilang dalawa. Napangiti nalang sila sa sinabi ko at tumango. Umalis na kami sa lugar na pinuntahan namin para magpunta ng cafeteria.

•••

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon