♚ITCYP9♚: TRANSFEREES AGAIN?!

39.7K 1.1K 35
                                    

Samantha's POV

Nandito na kami sa room pero hindi parin bumabalik si Akane. Nandito na rin si Xavier pero siya wala pa. Mabuti nalang at wala pa yung next teacher namin. Nag-aalala na ako kay Akane.

"Sis, si Akane." Sabi ni Alexis habang kinalabit ako. Nang lingunin ko siya ay nag-aalala rin ito.

"Hanapin kaya natin yun? Sabi niya magc-cr lang siya kaya dapat nandito na yun." Hysterical na sabi ko.

"Hey! Relax nga lang kayong dalawa dyan." Sita samin ni Dylan. Umiling nalang ako. Hindi ako makakapgrelax ngayon hindi pa bumabalik si Akane. Nasan na ba kasi yun?

Nagulat kaming napatingin sa pintuan. Lahat kami nakatingin kay Rei na nakangising pumasok sa room. Umupo sya sa upuan niya habang nakangisi. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi kaya? Bigla akong tumayo at nilapitan siya.

"HOY, IKAW! NASAN SI AKANE!?" Galit na sigaw ko kay Rei. Naramdam kong pinipigilan ako nila Alexis. Tumingin lang sya sakin at ngumisi.

"I dunno." Nakangising sagot nito. Bigla akong napikon.

"LIAR! I KNOW NA MAY GINAWA KA SA KANYA! NASAN SIYA!" gigil na turan ko.

"Tss. Bakit ka mag-aalala? Hindi dapat kaawaan ang taong gaya niya. Hindi niya deserve ang awa ng Night Raid." mayabang na sabi nito. Pumintig yung tenga ko. Bigla ko siyang nasampal. Wala akong pakialam kung isa pa siyang yakuza. Hindi ko hahayaan na lait-laitin niya si Akane.

"WALA KANG KARAPATAN NA PAGSABIHAN SIYA NIYAN. DAHIL YUNG TAONG NILALAIT MO, KAIBIGAN NAMIN!" Sigaw ko sa kanya. Tumakbo na ako palabas ng room. Naiwan siyang tulala. Sumunod sakin sila Alexis. Habang tumatakbo kami sa corridor ay may nakita kaming nagkukumpulang estudyante sa tapat ng pintuan ng cr. Mabilis kaming lumapit dun.

"Kawawa naman siya noh?"

"Oo nga eh! Siguro binugbog na siya ng grupo na yun."

Bigla akong natigilan sa narinig namin. Mabilis kong hinawi yung mga estudyante. Kinalabog ko yung pintuan.

"AKANE!? NANDYAN KABA! BUKSAN MO 'TONG PINTO!" Sigaw ko habang kinakalampag yung pintuan. Walang nagsalita sa loob.

Shit!

Nilingon ko sila Alexis. Tumango sila. Nagulat ako ng biglang lumapit si Xavier na may nakakatakot na aura. Napaatras ako bigla at binigyan siya ng daan. Seryoso siyang nakatingin sa pintuan.

•••

Akane's POV

Nakita kong papalapit sila sakin habang nakangisi. Nanatili lang akong nakatayo sa kinatatayuan ko.

"What do you want?" Seryosong tanong ko pero ngisi lang sinagot nila. Tss!

"Kung ako sa inyo hindi ko na itutuloy ang balak niyo, dahil kung hindi baka hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko." banta ko gamit ang malamig na boses. Tumawa lang sila.

"Oh really? We're scared, but sorry sweetie, order is an order." Nakangising sabi nung isa. Napaawang ang labi ko sa turan niya. Sweetie? like duh!?

Well, kung hindi sila madadaan sa malamig na pakiusap.... dadaanin nalang natin sa malambing na usapan. Napasmirk ako. I have a plan. Binago ko ang ekspresyon ng mukha ko. Ngumiti ako sa kanila ng pagkatamis.

"Fine... i want to have fun too."

"So? Shall we start now, boys?" Malambing na sabi ko sabay ngiti wink sa kanila na mapang-akit. Napangisi naman sila. Dahan-dahan silang lumapit sakin.

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon