Akane's POV
"Akane! Wait lang!" Narinig kong tawag sakin ni hottie ko. Ang bagal kasing maglakad. Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya.
"Bagal mo naman eh!" Nagmamaktol na sabi ko sa kanya. Sumimangot naman siya.
"Bakit kasi tayo naglalakad? Dapat ginamit nalang natin yung kotse ko." Sabi naman niya.
"Date 'to diba?"
"Yeah. So what?"
"Maging casual naman tayo. Gawin natin yung pangkaraniwang date. Sakay tayo ng jeep." Sabi ko sa kanya.
"What?! Sasakay tayo dun?" Hindi makapaniwalang tanong niya sakin. Ngumiti lang ako sa kanya.
"So, tara?" Sabi ko. Kumamot lang siya sa batok niya and i find it cute.
Tumango lang siya sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya at kumapit sa braso niya. Pagsakay namin ng jeep ay pinagtitinginan kami ng mga pasahero. Nakadenim pants at simple shirt lang siya at may suot na shades habang ako naman ay naka skinny jeans at blouse. Ayun kasi pinasuot sakin. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha yung damit na to eh.
Naramdaman ko nalang na hinawakan niya yung kamay ko. Bigla akong natigilan at napatingin sa kanya. Nakangiti lang siya sakin.
*Dug*Dug*Dug*Dug*Dug*
Halos marinig ko na ang sarili kong puso sa sobrang lakas. Grabe. Hindi ko alam kung anong gagawin ko o irereact. Ang alam ko lang kinikilig ako.
"H-hottie ko." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Ngumuti lang siya sakin. Waaah! Wag kang ngumiti! Kenekeleg ne eke.
Napansin kong kinikilig rin yung ibang mga pasahero. Napayuko nalang ako.
"Kuya pogi ang ganda naman ng girlfriend mo. Bagay kayo!" Sabi nung isang teenager na pasahero. Ngumiti lang si hottie ko. Bumababa nalang kami sa isang mall. Hanggang pagpasok namin sa loob ay pinagtitinginan parin kami ng mga tao lalo na yung mga babae. Kung makatingin sa katabi ko parang hinuhubaran na. Kung pagdudukutin ko kaya mga mata nila! Tsk!
"Baby ko gutom kana ba?" Narinig kong sabi ni hottie ko. Bigla akong natigilan sa tinawag niya sakin kaya napalingon ako sa kanya.
"B-baby ko?" nagulantang na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin.
"Ayaw mo ba?" Nakapout na tanong niya sakin. Umiling naman ako.
"Pero kasi..." Tinitigan ko siya ng maiigi. "Bakit?"
"From now on, you'll be my girlfriend." Nakangiti niyang sabi. Seryoso ba siya? Agad-agad.
"Seryoso kaba?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Paano ba kasi eh parang ang bilis naman yata. Wala ng ligaw-ligaw?
"Yeah. I like you Akane." Seryoso niyang sabi. Napalunok ako bigla. Kinakabahan ako at hindi ako makapgsalita. Nakatitig lang ako sa mukha niya.
"The first time i saw you, i felt something that i can't even determine. When you told me that you want to changed me, i felt unusual but i know it's different. So Akane, Pwede bang maging tayo?"
"Alam kong maysado akong mabilis pero, i just want to make sure na magiging akin ka." Sincere na sabi niya. Ngimiti nalang ako sa kanya at tumango. Grabe speechless ako. Ang totoo gusto ko rin siya. Nung una ko palang siyang nakita sa canteen nun. Nagustuhan ko na siya. Dun ko nga rin siya tinawag na hottie ko eh. Hindi ko kayang pigilan ang puso kong umibig sa kanya kahit na alam ko na hindi pwede dahil minahal siya ni ate at ganon rin siya.
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...