♚ITCYP25♚: BITCH MODE

26.5K 787 14
                                    

Third Person's POV

Nagtataka ang lahat sa biglang inaasta ngayon ni Akane na kanina lang ay parang gusto nang pumatay at ngayong nahimasmasan ay bigla nalamang nagbago ang mood nito.

Ano na naman kayang nangyayari sa kanya? Sa isip isip ni Amanda/Protos.

"So ano? Game ba kayo mag bar?" Nakangising tanong ni Akane kila Amanda. Nagkatinginan lang silang lahat at kahit nagtataka ay tumango parin ang mga ito. Pumalakpak lang si Akane at hinila sila palabas.

"Pwedeng makisakay?" Tanong ni Akane kay Lyca. Tumango lang si Lyca kasabay ng paghikab.

Habang nasa gitna sila ng byahe ay biglang binuksan ni Akane ang stereo ng SUV na sakay nilang lahat. Nakatangin lang sa kanya ang lahat habang siya ay prenteng nakaupo at nakasilip sa labas ng bintana.
Napailing nalang sila sa inasta ni Akane. Nagulat na nga lang din sila ng biglang nagbago ito.

<<<FLASHBACK>>>

"Such a waste of time." Narinig nilang bulong ni Akane. Maya-maya lang ay laking gulat nila nang bigla itong nagtaas ng tingin at nakangisi pa.

<<<END OF THE FLASHBACK>>>


Doon na nagumpisa yung pagbabago niya. Kung pagbabasihan ang inaasta niya ngayon. Sigurado silang lahat na naka Bitch Mode ito.

Pagkapasok nila sa loob ng bar ay rinig na rinig na agad ang ingay sa loob at ang mabahong usok na nanggaling sa yosi ng mga tao sa loob. Lahat ng atensyon ay napunta sa kanila. Siguro dahil sa angking kagandahan ng bawat isa sa kanila.
Pagkaupo nila sa isang table ay umorder agad sila ng Alak.

"Hey girls, can we join here?" Tanong ng isang lalaking lumapit sa kanila. Mukhang lasing narin ito kasama nang mga kasamahan nito.

"Sure." Sagot ni Akane na biglang bumungad sa amin. Bigla namang nasamid si Amanda pagkarinig niyon.

"Are you serious?" Hindi makapaniwalang tanong ni Amanda. Ngumiti lang si Akane sa kanya.

She's insane. Komento ni Lyca/Trito sa isipan habang umiinom ng alak.

Walang nagawa sila Amanda kaya malayang nakaupo ang mga lalaki sa tabi nila.

"Hi, what's your name?" Tanong nung Lalaking kumausap kanina kay Akane.

"Just call me whatever you want, babe." Akane said seductively. Alam ni Akane na kanina pa nagiinit ang lalaki dahil nung pumasok sila kanina sa bar ay naramdaman na niyang nakatingin ito sa kanya. She's ready to play so why not?

"You know... i think i fell for you already." Malambing namang sabi nung guy. Gustong matawa ni Akane pero sa isip lang niya iyon ginawa. Ngumiti lang si Akane ng matamis kasabay nun ang pagsabunot ng buhok niya mula sa likuran.

Just in time! Sa isip isip ni Akane.

***

Akane's POV

"HOW DARE YOU! ANG KAPAL DIN NAMAN NANG MUKHA MONG LANDIIN ANG BOYFRIEND KO!" Galit na galit na sigaw nung babae sakin habang sinasabunutan ako. My, my! Kasalanan ko ba na maging super attractive ako? Hahaha..

"Sorry? but it's not my fault if your boyfriend likes me." nakangising turan ko. "Well, hindi narin ako magtataka. Ika nga nila, kung may play boy, may play girl. Am i right, dear?" Pinagdiinan ko yung pinakahuli kong sinabi. Nakita ko siyang namutla kaya nabitawan niya ako sa pagsasabunot niya. Napangisi lang ako habang nakatingin sa kanya. Nilapitan ko yung Boyfriend niyang tuko at inakbayan.

"You know, kung ako sa iyo hindi ako maghahanap ng girlfriend na tulad niya, why? Because, anytime baka mabalitaan mo nalang na nabuntis pala siya sa iba. Ikaw rin." Nakangisi kong sabi sa Boyfriend niya. Nakita ko kung paano mag init ang mukha ni girl. Hahaha. So funny!

"D-dont you dare accuse me. Bakit may ebedensya kaba?!" Nagmamatapang na sabi nung girl. I gave her a smirk then kinuha ko sa bulsa yung phone ko at kinalikot. Binato ko sa kanya yung phone ko na may video na nakunan ko kanina sa banyo. Ngunit bigla iyong hibablot nung lalaki at pinanood. Napangisi ako. Bago kami pumasok kanina sa bar ay nakasalubong ko ang mga ito na nagtatalo. Nung umalis yung babae ay sinundan ko ito. Hindi ko ugali ang pagiging chismosa pero na trigger ako nang makita ito na may kausap na lalaki. Bigla kong naalala yung nasaksihan ko sa garden kaya naisipan kong videohan sila.

"See? Sino sating dalawa ngayon ang malandi? Tsk!" Sabi ko sabay irap sa kanya. Hinablot ko na yung phone ko at nakita ko siyang nagwala nang bigla siyang nilayasan ng Boyfriend niya.

Maya-maya lang rin ay nilayasan ko na sila. Nakahakot narin kasi kami ng audience. Nagpaalam naman ako kila Amanda na mauuna na. Isa pa kailangan ko pang maghanda sa paghaharap namin ng babaeng iyon.

I'll make them pay and show them how a bitch could get a revenge.

***

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon