Xavier's POV
Napakunot noo akong nakatingin sa papaalis na babae. She looks really familiar. Binaling ko ang tingin ko sa isa pang babae na nerd. Nakaupo siya sa upuan ni Akane. Nang tingnan ko siya ay nakita kong nakatingin din siya sakin ng blanko. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung napagtripan ni Kelly sa canteen. Nilapitan ko siya at tinitigan ng seryoso.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Ngunit nanatili lang siyang nakatitig sakin na animo'y sinusuri ang buo kong pagkatao. Nakaramdam ako ng pagkairita sa paraan ng pagtitig niya sakin.
"Bakit ka dyan nakaupo. Occupied na ang seat na yan." Inis na sabi ko. Napansin kong ngumisi siya at maya maya lang ay biglang tumawa. Napakunot yung noo ko. Baliw na ba ang isang 'to?
"Why are you laughing?" Inis na tanong ko. Bigla naman tumigil sa pagtawa at tumingin sakin mg nakangiti.
"You know, i'm really amused why my friend turned out to be a person like that." Nakangiting sabi nito. Naguluhan ako sa pinagsasabi niya kaya mas lalong kumunot yung noo ko. Sinong kaibigan ang tinutukoy niya?
"What are you talking about?" Naguguluhang tanong ko. Umiling lang siya at ngumiti.
"I hope she'll not regret her decision someday." Pagkasabi niyang iyon ay bigla siyang tumayo sa pagkakaupo niya at naglakad paalis. Pero bago siya tuluyang makaalis ay tumigil siya sa paglalakad at humarap sakin.
"Sa oras na mahanap mo ang taong matagal mo ng hinahanap. 'Wag kang gumawa ng isang desisyon na pagsisisihan mo habang buhay." Seryoso nitong sabi at tuluyan ng umalis. Naiwan akong tulala at naguguluhan sa huli nitong sinabi. Anong ibig niyang sabihin?
***
"Xavier, umalis na tayo. Baka mamaya ma late pa tayo." Sabi ni Gabriel habang kumakain ng nova. Tumango nalang ako.
"Teka! Papaano naman si Akane?" singit ni Sam.
"Sabi niya sakin magkita nalang daw tayo sa U.C."
Makalipas ang kalahating oras ng pagmamaneho ay nakarating din kami sa U.C. Pagkapasok palang namin sa loob ay sigawan at hiyawan na ng mga kapwa naming gangster ang naririnig. Lahat kami ay tahimik lamang na dumiretso sa sarili naming area habang hinihintay ang mga makakalaban namin. Ang Death Trios. Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil wala pa rin hanggang ngayon si Akane. Medyo nag-aalala na ako hanggang sa lumipas ang ilang minuto ng biglang namatay ang lahat ng mga ilaw at natahimik ang buong tao sa loob.
Pagkabukas ng mga ilaw ay kasabay din ang pagbukas ng pintuan sa harapan. Lahat ng atensiyon ay natuon doon. Lumabas ang apat na tao na nakamaskara. Pero agaw pansin ang isang taong nakamaskara. Base sa hubog ng katawan nito ay isa itong babae. Kapansin-pansin din ang kakaibang aura na bumabalot dito. Lahat ng tao ay natahimik lamang na nanood dahil sa takot na nararamdaman nila sa babaeng kakapasok lamang. Pero laking gulat ko nalang nang biglang lumapit sa amin yun babaeng kanina ko pa pinagmamasdan. Tsaka ko lang narealize na siya pala si Akane. Pero bakit niya kasabay pumasok ang mga Death trios?
Nang tingnan ko si Akane ay seryoso lang itong nakatingin sa itaas na parte ng mga manonood sa arena hanggang sa napansin ko nalang ang biglang pagkakuyom ng kamao niya. Bakit parang ibang-iba siya sa nakasanayan ko na Akane.
Napatigil nalang ako ng biglang lumapit ang leader ng Death Trios kay Akane at tinap pa nito ang balikat ni Akane.
"Calmez-vous." (Calm down) sabi nung leader ng Death Trios. Bigalang napakunot yung noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinabi nito.
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...