Akane's POV
Habang naglalakad ako pauwi ng school ay nararamdaman ko ang taong nakasunod sakin. Ilang araw ko na ring napapansin na may mga nagbabanta na sa buhay ko. Parang lumala naman yata ngayon. Pasimple lang akong pumasok sa isang eskinita tsaka nagtago. Naramdaman kong sumunod yung sumusunod sakin kaya pagkapasok niya sa eskinita ay itinutok ko agad sa leeg niya ang dagger na hawak ko.
"Ako lang 'to, cous'!" Narining kong sabi ni Hayato. Napabuntong hininga ako tsaka inalis ang dagger sa leeg niya.
"Ano ba kasing sinusunod mo. Kala ko kung sino ng assassin eh." Sabi ko.
"May importante lang tayong paguusapan kaya sinusundan kita. Isa pa hindi ko gusto ang mga sumusunod sayo." Seryoso nitong sabi.
"I sensed them too. Tara na." Sabi ko nalang tsaka nauna ng maglakad.
Pagkauwi namin sa bahay ay nakita ko si onii-chan, Aki at Hikari na nakaupo sa sofa.
"What are we going to talk about?" Tanong ko sa kanila. Lahat sila ay puro seryoso.
"It's about you, princess." Seryosong turan ni onii-chan. Napakunot ang noo ko.
"What about me?"
"Based on our investigation. Kumikilos na ang mga kalaban para ipapatay ka." sabi ni Hikari.
"So?"
"We learned that the suspect is Fiona Mae Dixon." Sagot naman ni Aki.
"How do you know?" Tanong ko.
"Princess, Fiona Mae Dixon is the top assassin of the Kuga Clan." Pagkasabi nun ni onii-chan ay biglang nag dilim ang mukha ko.
"And she's been ordered by the highier top to eliminate the heiress of Yamazaki Clan and that is you."
"Then let her. Let's just see who will die first. Also, ending my game is my priority, so i won't let her interfere." Salubong na kilay na saad ko.
"Ano namang gagawin namin?" Tanong ni Hayato.
"Wag nalang kayong papahalata na may alam kayo. Isa pa may katulong na ako sa plano ko para sa babaeng yun." Sabi ko nalang tsaka ngumisi.
"Mas maiging mag-stay ka muna dito, princess. Miss na rin kasi kita." sabi ni onii-chan habang malawak na nakangiti.
"Teka. Kasama ba ako dyan?" Singit ni Aki.
"Syempre naman. Ikaw pa ba." Natatawa ko namang sabi at inakbayan siya.
Tumawa lang kaming lahat at nagsama-samang kumain. Kahit papaano nakakalimutan ko rin ang problema ko. Pero mahirap kalimutan yung ginagawa ng babaeng yun. Sa simula pa lang masama na ang pakiramdam ko sa isang yun. Hihingi muna ako ng tulong kila Amanda at sa Gang niya. Kailangang hindi madamay ang Night Raid dito.
Kinagabihan ay nagpunta ako sa H.Q nila Amanda para magpasamang bumili ng makakain. Ngunit ang nadatnan ko lang ay si Lyca/Tritos.
"Nasan yung iba?" Tanong ko sa kanya.
Lumingon lang siya sakin at humikab. "Wala pa. Umalis." Sagot nito. I know a person that act just like her. Ang sarap kausap grabe.
"Are you free?" Tanong ko ulit.
"Yup. Why?"
"Pwede mo ba akong samahan?"
"Sure."
Kasalukuyan akong nagd-drive dahil ang sabi niya tinatamad daw siya. Wala naman akong magawa dahil sa kanyang kotse 'to. Naalerto lang ako ng may napansing may sumusunod sa aming sasakyan. Mabilis kong pinatakbo ang kotse. Pag lingon ko kay Lyca ay prente lang itong nakaupo. Nice!
Ilang minuto na ang nakakalipas at naghahabulan parin kami. Muntik pa nga kaming mabangga. Mabuti nalang at magaling akong magmaneho. Mabilis kong niliko yung kotse sa isang iskinita at lumabas kami sa isang open space na ilog.
Ayos na rin siguro 'to?
Bumaba agad ako sa kotse at hinarap ang kahihintong mga kotse. Bumaba ang mahigit sampung taong nakabonet. Kung hindi ako nagkakamali mga tauhan 'to ng Kuga. Hindi ako pwedeng mabuking na kasapi ako sa isang Clan. Wala pa namang alam ang kasama ko na ako ang heiress ng Yamazaki Clan.
"Come with us peacefully and we will spare your friend's life." Sabi nung isang lalaki. As if i care.
"What if i refused?" mapangasar kong tanong.
"We're going to take you by force and kill that friend's of yours."
Ngumisi ako. "Force me." Paghahamon ko sa kanya. Nakita kong nagalit siya base sa reaksyon ng mukha niya.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at sinugod sila. Mabilis kong napabagsak yung isang malapit sakin. Sumugod yung dalawa sa gilid ko at akmang hahawakan ako nung isa kaya mabilis ko siyang tinuhod. Napaluhod ito sa sakit.
"Aggggh!" Daing nung isang nasuntok ko sa sikmura. Nakita kong umubo ito ng dugo. Napangisi lang ako sa nasaksihan.
Napansin ko yung isang papasugod sakin na may hawak na dagger. Habang sa kabila naman ay may papasugod sakin. Mabilis akong tumalon sa hood ng kotse ni Lyca at bumunot ng dagger sa suot kong boots. Mabilis ko iyong hinagis sa dalawang papasugod sakin at sinipa yung isa pang lalaking nasa likuran ko.
"F*ck!" Mura ko ng madaplisan ako ng dagger sa pisngi na binato nung Leader nila. Naramdaman ko ang likidong dumadaloy sa pisngi ko.
Now, you're dead!
***
Lyca's POV
Prente lang akong nanood sa laban niya ng mapansin ko ang isang lalaki na nagbato ng dagger. Nakita kong nadaplisan si Akane sa pisngi at nagdugo iyon. Pero kinilabutan ako ng biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Nakatulala lang ako habang nakatingin kung papaano niya ubusin ang mga lalaki. Bumaba agad ako sa sasakyan at nakita kong may buhay pang isa na nilapitan ni Akane.
"Watashi o korosu yō ni meijita no wa daredesu ka?!" Cold na sabi ni Akane. Hindi ko maintindihan ang sinabi nito dahil ibang lenggwahe ang ginamit.
Ngayon ay wala ng bonet yung lalaki dahil tinanggal iyon ni Akane. Nakita kong ngumisi lang yung lalaki.
Lakas pang mangasar. Mapapatay ka na nga lang eh. Tsk, tsk!
"KOBOSU!" Malamig na utos ni Akane.
"Shindemo iwanai!" Nang sabihin iyon ng lalaki ay nakita kong nagdilim ang mukha ni Akane at kumuha ito ng dagger.
"Useless." Cold na sabi nito tsaka nilaslas ang leeg nung lalaki. Bigla akong nanlamig sa nasaksihan. Sa tanang buhay ko ngayon palang ako nakasaksi ng pumapatay sa harap ko.
"Sino kaba talaga?" Lakas loob kong tanong sa kanya. Bigla siyang humarap sakin.
"Mas maigi pang huwag mo ng alamin." Malamig na sabi niya. Natahimik lang ako. Nakita kong sumakay na siya sa kotse.
Sino ka ba talaga?
***
Thanks for reading this Chapter !
Sana nag Enjoy kayo kahit konti :D
Hehehe...
Yun lang po at Maraming Salamat !!!
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...