Xavier's POV
Pagkapasok ko sa school ay halos puro tsismisan na yung naririnig ko. Kung hindi ako nagkakamali yung nabalita yun ng nakaraang gabi. Hindi ko alam na may Clan War din pala. Kala ko mga Gangster lang ang may ganon.
Wala pa naman kaming teacher kaya busy yung mga kaklase ko sa kakachismiss. Medyo close narin naman kami sa mga Deadly Chix kaya magkakasama kami sa isang grupo habang nagkukwentuhan sila. Ako lang yung nananahimik.
"Nabalitaan kong nakaharap mo yung Yakuza Princess. Ano itsura? Maganda ba?" Narinig kong tanong ni Grayson. Napalingon naman ako sa kanila at nakita kong napatingin din sa amin si Akane.
"Oo naman! Sobrang ganda kaya niya! Sexy pa!" Pagkasabi nun ni Dylan ay may tumamang libro sa mukha niya. Lahat kami ay nagtawanan.
"Hehe. Jowk lang, Ang totoo niyan nakamaskara siya kaya di ko nakita yung mukha." Sabi naman nito habang nagkakamot ng ulo.
"AKANE! MAY NAGHAHANAP SAYO!" Natigilan kami at napatingin sa kaklase naming babae ng tawagin nito si Akane. Napatingin ako kay Akane at nakatingin din siya sa kaklase naming babae.
"Sino daw?" Tanong nito.
"Ako." Napalingon kami sa lalaking nagsalita. Bigla akong napakunot ng noo. Anong ginagawa ng lalaking yang dito?
***
Akane's POV
"AKANE! MAY NAGHAHANAP SAYO!" Narinig kong tawag sakin ng kaklase kong babae. Napalingon ako sa kanya.
"Sino daw?" Taka kong tanong.
"Ako." Napalingon ako sa nagsalita. Nanlaki yung mata ko. Mabilis ko syang nilapitan at hinawakan sa kamay. Hinila ko siya palabas ng classroom namin at dinala sa walang tao.
"Anung ginagawa mo dito Shiro-nii-san?" Takang tanong ko. Ngumiti lang siya.
"Diba sabi ko sayo mag-aaral ako dito." Sabi niya.
"Isa pa may gagawin tayong mission." Mahina niyang sabi. Napaseryoso ako ng tingin.
"Nabalitaan mo naman siguro yung nangyari sa balita hindi ba?" Siya. Napatango lang ako.
"Magkakaroon ng Aunction Party para sa BlueX Type Pills galing sa mga Kuga. Maraming mga taga ibang bansa ang dadating para lamang sa drugs na yun. Kailangang mapuksa natin ang drugs na iyon dahil maaari nilang gamitin iyon sa mga inosenteng tao para sa mga plano nila." Seryoso nitong sabi.
"Ano ba yang BlueX Type Pills na yan?" Takang tanong ko.
"Isang klase ito ng Drugs na maaaring kumontrol sa pagiisip ng tao. Kailan lang din nila nakumpleto ang drugs na yan kaya maraming nagkakandarapang makabili nito dahil limited lang supply ng drugs na yun. Ume-epekto ang gamot sa loob ng isang oras. Masyado itong delikado para gamitin."
"Kailan ba gaganapin ang Aunction." Tanong ko.
"Sa sabado na."
"Kailangan ko palang maghanda." Napatigil lang kami sa pag-uusap ng biglang tumunog yung bell.
"Hala! Ma l-late na ako!" Nagpapanic kong sabi. Napatawa lang siya.
"Ghe! Una nako Shiro-nii-san!" Pagkasabi ko nun ay bumalik na ako sa classroom. Saktong kadadating lang din ng teacher namin. Phew! Mabuti nalang talaga.
***
Third Person's POV
Saktong pagkapasok ni Akane sa loob ng Classroom ay dumating ang kanilang dalagang guro so Math. Sa kabilang banda ay lihim na nakamasid si Xavier sa kararating lang na si Akane.
Why is she with that guy!?
Sa isip-isip ni Xavier habang nakakuyom ang hawak na ballpen."Okay guys! I would likely to announce that magaganap na ang pinakahihintay nating masquerade ball! Exciting, right?" Excited na turan ng guro nila habang pumapalakpak. Lihim na umismid ang grupo nila Xavier sa naging reaction ng guro. Mas excited pa ito kaysa sa kanila.
Lahat ng kanilang kaklase ay nagsihiyawan ng marinig ang anunsyo ng kanilang guro. Ang iba naman ay walang pakialam sa nangyayari. Kabilang na doon sila Akane.
Masquerade Ball eh? - Akane
"Magaganap na ito sa sabado so be ready!" Pagkasabi iyon ng guro ay biglang napatay sa kinauupuan si Akane dahilan para mapatingin sa kanya ang mga kaklase.
"No way!" Mahinang anas ni Akane sa sarili.
***
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...