♚ITCYP22♚: CURE

28.9K 861 32
                                    

Xavier's POV

Malapit na ang uwian pero nauna na akong lumabas ng classroom namin. Napilitan namang sumunod sakin sila Gabriel dahil wala silang magagawa. Habang naglalakad kami ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot.

(Magpunta kayo ngayon sa hospital! Nawawala si Akane!) Bungad agad sakin ng kapatid ni Akane. Bigla naman akong natigilan kaya agad kong pinatay ang tawag at tumakbo ng mabilis. Napasunod rin sakin sila Gabriel at nagkanya-kanyang sakay ng mga sasakyan. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa hospital.

Ilang minuto ang makalipas ay nakarating din kami sa wakas sa hospital at agad akong bumaba sa kotse ko at patakbong tinungo ang kwarto kung saan naka admit si Akane.

Pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko lang ang ay ang kapatid ni Akane at sila Hikari at Hayato. Nakita kong napahiilamos ng mukha gamit ang palad ang kapatid ni Akane.

"Where did she go?" Nag-aalalang tanong ko.

"I don't know either. Naka-off yung phone niya kaya hindi ko matawagan!" Balisang sagot nito.

Shit!

"Saan ba nagpunta ang pasaway na yun. Sinasabi ko na nga ba eh!" Napapailing na sabi ni Akiro.

Napasandal ako sa pader. Naging blangko ang utak ko at hindi magawang makapag-isip ng maayos.

"Kapag nalaman ko lang talaga na siya ang may pakana nito, hindi ko talaga mapipigilan ang sarili kong mapatay ang hudas na yun!" Malamig na pagkakasabi ni Akiro. Lahat kami natigilan sa binitiwan nitong salita.

Bigla nalang niya kaming nilingon gamit ang blangko nitong ekspresyon. "Sumama kayo sa bahay. Kailangan nating mag-usap." Sabi nito. Napatango nalang ako dahil sa hindi malamang dahilan. Parang tumayo lahat ng balahibo ko sa kaniya.

***

Akiro's POV

Halos mag-iisang linggo na naming hinahanap ang kapatid ko at wala pa rin kaming lead kung nasan siya. Nag-aalala na ako lalo na at tatlong oras nalang at tuluyan na siyang mawawala sa amin. Ang kinaiinis ko pa ay hindi namin matapos tapos ni Akira yung antidote. Naiinis ako sa sarili ko. Humingi na rin kami ng tulong sa Night Raid pala mahanap lang ang lokasyon ni Akane pero hindi pa rin kami nagtagumpay.

Kung pinindot lang ulit ni Akane yung pendant baka matrace pa namin kung nasan siya. Baka kung ano ang nangyari sa kanya.

Napatigil nalang ako ng may biglang nag-tap sa balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Akira. Nginitian niya lang ako. Tipid rin akong ngumiti.

"Don't worry, i'll find another solution to find her." Malumanay na sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako. "Tumatakbo ang oras. Wala pa rin tayong lead kung nasan siya. Tatlong oras nalang ang nalalabi sa buhay niya."

Maya-maya lang ay hingal na Hayato ang papalapit samin dala ang isang telepono. Binigay niya ito sakin para kausapin.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.

(Kamusta na Akiro? Matagal-tagal na rin ah.) Sabi ng isang pamilyar na boses. Boses pa lang niya ay hinding-hindi ko na makakalimutan.

"HAYOP KA!! ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO!? LINTIK KA, SHIN!" Galit na sigaw ko sa telepono. Narinig ko syang tumawa sa kabilang linya na naging dahilan para mag-init lalo ang ulo ko.

"PAG MAY NANGYARING MASAMA SA KANYA, TANDAAN MO ANG ARAW NA 'TO! SISIGURADUHIN KONG SA IMPYERNO BAGSAK MO!"

(Hahahaha. Grabe kayong magkakapatid. Parehas na parehas ang ugali. Nakakatawa mang isipin dahil hanggang ngayon ay matigas parin ang isang yun.) Sabi nito habang tumatawa. Bigla akong natigilan.

"ANONG IBIG MONG SABIHIN!?" Tanong ko sa kanya.

(Surprise na yun. Btw, good luck sa paghahanap.) Sabi nito. Magsasalita pa sana ako ng bigla napang napatay yung tawag. Sa inis ay naibato ko yung telepono.

Nilingon ko sila Hayato at Akira. "Tawagan mo ang Night Raid. Kikilos na tayo. May ginawa ang lintik na yun kay Akane. Nanganganib ang buhay niya." Utos ko sa kanila. Nagsitanguan naman sila at tsaka umalis. Hindi ako pwedeng walang gawin. Konti nalang ang oras na nalalabi. Hindi ko hahayaang mawalan na naman ako ng kapatid! Sinumpa ko na yan sa puntod ni Aisaka.

***

Someone's POV

Rinig na rinig ko yung pag-uusap nila kuya sa telepono. Napahigpit ang pagkakakuyom ko sa kamay ko ng mapagtantong may ginawa na naman itong kalokohan.

Mabilis akong umalis ng bahay matapos ang usapan nila. Sumakay agad ako sa kotse ko mabilis itong pinaharurot papunta sa abandonadong bodega kung saan siya pinahirapan at kinulong.

Nangako ako kay Aisaka na poprotektahan ko siya pero hindi ko magawa. Matagal ko nang sinusubaybayan ang mga kinikilos niya para protekthan siya sa mga plano ni kuya. Mabuti nalang at laging bulilyaso ang mga pinaguutos nito sa mga tauhan niya dahil sakin. Hindi niya alam na ako ang may pakana ng lahat. Hindi ko hahayaan ang kasamaan niya.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating ako sa bodega at pinasok ito. Kitang-kita ko agad ang hirap na hirap na kalagayan niya. Halos duguan na ang buo niyang katawan at marami narin itong sugat sa katawan. Nanlalambot ko siyang nilapitan.

Napakaputla na niya. Konti nalang at alam kong ikakamatay niya ang lason na iyon. Mabilis ko siyang hiniga sa hita ko at inangat ang ulo niya at tinapik ang pisngi niya.

"Hmm...a-agh!" Ungol niya.

"Shhhh. You will be fine. Nandito na ako, Rei...I'm sorry." Bulong ko sa tenga niya. Ilang minuto nalang at kakalat na ang lason sa buo niyang katawan.

Mabilis kong kinuha yung antidote sa bulsa ko at ininject sa kanya. Nakita kong unti-unting bumalik sa dati ang kulay niya. Maya-maya lang ay nakita ko ang pagdilat ng mga mata niya. Nakita ko na naman ang Crimson red niyang mata. Minsan ko nalang iyon makita dahil ang alam ko ay pula lang kulay ng mata niya. Pag sobrang galit at lungkot lang nagiging Crimson red ang mga mata niya.

"S-shiro-nii-san?" Nanghihina niyang tanong. Hinawakan ko ang palad niya at nilagay sa mukha ako.

"Ako nga Rei. Magpahinga kana. Akong bahala sayo." Sabi ko sakanya habang nakangiti. Nakita kong bumalik na sa dati ang kulay ng mata niya at napapikit. Dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa sasakyan ko. Sa ngayon ay akin muna siya para matiyak ang kaligtasan niya.

***

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon