Akane's POV
"Aish! Bakit ngayon ka lang umuwi?" Bungad na sabi sakin ni Shiro-nii-san.
Ngumiti lang ako at pumasok ngunit bigla akong natumba. Mabuti ay naagapan niya ako at nasalo.
"What happened!? Who did this!?" Galit na tanong niya ng mapansin ang nagdudugo kong tagiliran.
Umiling lang ako at inakay niya ako patungo sa sofa. Nakita kong kumuha siya ng first aid kit.
"Kumilos ka na naman ba ng hindi sinasabi sakin?" Tanong niya sakin.
"I'm sorry." Tanging nasabi ko lang. Bumuntong hininga lang siya at ginamot ang sugat ko.
"Aray ko!" Daing ko ng buhusan niya ng alcohol.
"Bakit mo binuhusan?!" Nakangiwing tanong ko sa kanya. Pinitik niya lang yung noo ko.
"Pasaway ka kasi." Sabi naman niya. Nag pout lang ako.
Matapos niyang gamutin yung sugat ko ay umupo siya sa tabi ko.
"I think it's time for you to come back." Narinig kong sabi niya. Bigla tuloy akong napalingon sa kanya."Maaga pa."
"Kahit na ba! Basta babalik na tayo sa Manila." Final na sabi niya. Napailing nalang ako.
"Babalik ka rin sa F.U." seryoso niyang sabi. Bigla akong natigilan.
"What for? Wala na akong gagawin dun."
"Kalimutan mo na yung nangyari. Isa pa may nabalitaan akong buhay siya." Seryoso nitong sabi. Napakunot ang noo ko. "Sinong buhay?" Takang tanong ko.
"See it for yourself." Sabi niya tsaka tumayo.
"We're going. Wag ka ng magbihis." Sabi nito tsaka lumabas ng bahay. Napabuntong hininga lang ako at sumunod sa kanya.
***
Xavier's POV
Kaharap ko siya ngayon. Kaharap ko ang taong matagal ko ng gustong makita at ipaghiganti. Ngunit nasa harapan ko siya. Buhay na buhay at ganon parin ang itsura niya.
"Bakit? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" May halong hinanakit na sabi ko. Nakita kong sumeryoso siya.
"I'm sorry. May dahilan ako, pero hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa iyo ang totoo." Sabi naman niya.
"Hindi kita maintindihan! Ganon nalang ba yun? Iniwan mo kami ng walang paalam!" Galit kong sabi.
Umiling lang siya. "Hindi ko kayo iniwan.... Kung alam mo lang ang nangyari! May sarili na akong buhay. Hayaan niyo na nalang ako. Ayokong may madamay pa." Pagkasabi niyang yun ay napakunot ang noo ko. Magsasalita na sana ako ng may biglang sumulpot na lalaki.
"Mei! Hinahanap kita kanina pa, nandito ka lang pala." Sabi ng isang lalaki.
"Sorry na po. May kinausap lang ako. Wag kanang magalit." Nakangiting sabi niya sa lalaki. Naikuyom ko ang kamay ko.
"Sino ba yan?" Tanong nung lalaki.
"Ahh. Siya yung may ari ng school na papasukan natin." Nakangiti nitong sabi.
"Ganon ba? Tara na Mei, baka naghihintay na yung susundo satin." Sabi nung lalaki tsaka hinila si Aisaka.
"Clyde, una na ako." Nakangiti nitong sabi. Tumango lang ako habang natigilan.
Bakit ganon ang nararamdam ko. Bakit nagagalit ako sa lalaking yun? May puwang pa ba sa puso ko si Aisaka? Aish! Naguguluhan na ako!
***
Akane's POV
"HOY GISING! REI!"
Ano ba yan istorbo naman eh! Tsk!
"Hmm..." ungol ko habang tinakpan ng unan ang mukha.
"Ano ba!? Pag hindi ka bumangon dyan, hindi ka kakain ng dalawang araw!" Pagkarinig ko nun ay bigla akong bumangon. Ngunit biglang kumirot ang sugat ko.
"Sh*t!" Nakangiwi kong sabi.
"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Shiro-nii-san. Nag nod lang ako tsaka bumangon.
"Magbibihis na ako. May pasok pa ako diba?" Nakangiti kong sabi. Nag thumbs up lang siya sakin at ngumiti.
"Labas na ako. Dalian mo maligo ah." Sabi pa nito. Tumango lang ako at lumabas na siya ng kwarto.
Kinuha ko muna yung phone ko tsaka pumasok sa banyo. Di-nial ko yung number ni Onii-chan.
Ilang saglit lang ay sinagot na nito ang tawag.
"Onii-chan, musta na?" Tanong ko.
(Is that really you princess! Mabuti naman at tumawag ka. Miss na miss na kita.) Narinig kong sabi nito. Napatawa lang ako.
"Me too. By the way, babalik na ako."
(Really? Kung ganon magluluto ako ng favorite mo!) Excited na sabi nito.
"Okay. Ibaba ko na rin ang tawag. Papasok pa ako. I love you."
(I love you too. Ingat ka princess ko, bye.) Pagkasabi niya nun ay pinatay ko na yung tawag.
Dumiretso na agad ako sa kotse ko at nag drive. Hindi ko na kasama si Shiro-nii-san dahil may pupuntahan pa daw siyang lakad.
Pagkarating ko sa Ford's University ay napangiti lang ako. Wala pa ring pinagbago ang lugar na to. Gaya ng dati. Ngayon ay may pinagbago rin ako. Ganon pa rin ang ugali ko ngunit hindi na ganon. Matapos kong mawala ng mahigit 1 buwan ay nag training lang ako kasama si Shiro-nii-san. Nung time na rin yun ay inisa-isa ko ang mga Underlings ng Kuga Clan. Kinaya kong mag isa.
Ilang araw na lang din at magaganap ang Clan War at hindi ko sigurado kung sasama ang mga Takahashi Clan kung saan kabilang si Hottie ko. Nilugay ko yung buhok ko at medyo niluwagan yung neck tie. Mabilis akong bumaba sa kotse ko at taas noong naglakad.
Lahat ng taong madaanan ko ay nakatingin sakin. Hindi ko sila pinansin at nag dirediretsong pumasok ng classroom namin.
"AKANEEE!" Masayang tawag sakin nila Amanda ng makita nila ako. Bigla nila akong niyakap at naramdaman ko na naman ang pagkirot ng sugat ko.
"Ugh.." Daing ko. Napansin naman nila iyon kaya mabilis silang bumitaw sakin.
"Are you okay?" Nag aalala nilang tanong.
"Hehe. Okay lang." Sabi ko naman tasaka nilingon sila Alexis. Nakita kong ngumiti sila at nag nod lang ako.
Napadako ang tingin ko kay Hottie ko. Wala rin siyang pinagbago. Mas lalo nga siyang gumwapo eh at ganon padin ang nararamdam ko para sa kanya. Tumigil lang kami nung biglang dumating yung teacher namin. Lahat kami ay naupo sa upuan.
"Ow? Miss. Lee, bumalik ka na pala." Nakangiting sabi nung teacher namin. Ngumiti lang din ako.
"By the way class, We have a sudden transferee student." Panimula ni maam at nag-umpisa na naman yung bulungan ng mga kaklase ko.
"You may come in." Pagkasabi nun ni maam ay napadako ang tingin ko sa pinto. Parang nag slow motion pa nga. Unti-unti kong nakita yung itsura nung babae at halos muntik na akong mahulog sa kinauupan ko.
"A-ate A-aisaka.." hindi makapaniwalang sabi ko.
***
Confirm!!!
Si Aisaka Mei Lee Yamazaki yung Someone's Pov
The twist starts now!!
ENJOY !!
^________________^
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...