♚ITCYP23♚: I'M BACK

29.5K 840 4
                                    

Akane's POV

Nagising nalang ako dahil sa pagkulo ng tiyan ko. Pagkadilat ko ng mga mata ko ay bigla akong napangiwi ng biglang kumirot ang mga sugat ko. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang idinilat ang mata ko.

Nilibot ko ang kwartong kinalalagyan ko. Bigla akong napaisip kung anong nangyari sa akin. Tsaka ko lang narealize na nakita ko si Shiro-nii-san pero mukang nanaginip lang ako. Pero imposible dahil sinong nagdala sakin dito? Hindi naman ako pamilyar sa lugar. Sa amoy oo.

Napatigil lang ako sa pagiisip ng biglang bumukas yung pinto at niluwa ang napaka gwapong nilalang na walang iba kundi si Shiro-nii-san. Bigla akong napabalikwas ng bangon para yakapin siya ng bigla ulit kumirot ang sugat ko.

"Aray koo.." daing ko. Narinig ko siyang tumawa.

"Easy ka lang kasi. Hahaha." Natatawa nitong sabi. Nag-pout lang ako.

"Ang cute mo pa rin Rei kahit damulag kana." Nakangiti nitong sabi. Sinamaan ko lang siya ng tingin nang biglang kumulo yung tiyan ko. Narinig niya iyon kaya bigla siyang tumawa ng malakas.

"Sige, Tawanan mo lang ako!"

Kaasar naman eh! Kitang gutom yung tao, tinatawanan lang.

"Hahaha. Biro lang naman. Saan mo ba gustong kumain?" Tanong niya sa akin. Bigla namang nagningning yung mga mata ko.

"Jollibee!" Masiglang sabi ko sa kanya. Bigla siyang napakamot sa ulo niya habang umiiling.

"May magagawa pa ba ako?" Sabi niya habang nakangiti. Napangiti nalang din ako. "Bweno. Mag bihis kana. Kain tayo sa labas."

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tinungo na ang banyo. Bigla nalang akong napahinto ng marealize na wala pala akong pang palit ng damit.

Bopols ko naman.

Narinig ko nalang ang pagkatok ni Shiro-nii-san sa pinto. "Rei ito na yung gamitin mo pang palit." Sabi nito. Bimuksan ko yung pintuan at nakita ko siyang may hawak na paper bag at inabot sakin.

"Hintayin nalang kita sa baba." Sabi nito tsaka umalis. Sinara ko na yung pinto at pinatong yung paper bag sa sahig at tiningnan ang laman. Isang loose blouse na puti, fitted jeans na black at converse na itim?? San niya naman nakuha to? Tsaka pano niya nalaman size ko.. muli kong tiningnan yung loob ng paper bag. May laman pa itong nakaplastic. Kinuha ko yung plastic at tiningnan yung laman. Namula ako ng makita ang laman. Pati ba naman 'to alam niya? Bah!

Hindi nalang ako umimik at nagpalit na nang damit. Sakto lang talaga sakin yung mga damit. Siguro sa girlfriend niya 'to. Magkaparehas lang siguro kami ng size. Nilingon ko muna ang sarili ko sa salamin. Pagaling na yung sugat ko sa mukha. Baka siguro gumaling na dahil sa tagal kong nakatulog. Matanong nga mamaya.

Umalis na ako sa banyo at tsaka bumaba. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Nakabihis narin pala siya. Maya-maya lang ay napalingon siya sakin at napangiti.

"Ang ganda talaga ng Rei ko. Hahaha." Nang-aasar na sabi niya. Inirapan ko lang siya at patuloy parin siya sa pagtawa. Iniwan ko nga. Nauna na akong lumabas ng bahay at sumunod naman siya sakin.

"Rei sa mall nalang tayo kumain. Tapos hatid na kita sa school niyo mamaya. Baka nag-aalala na yung kapatid mo."

"Okay. Siya nga pala Nii-san gaano ba katagal akong natulog?" Tanong ko sa kanya.

"One week." Tipid nitong sagot. Nabigla ako sa sinabi niya. Ganon katagal? Seryoso?

"Nag-aalala na nga siguro yung mga yun." Sabi ko naman.

♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon