Akane's POV
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil hindi na rin ako makatulog. Buong gabi ko pa kasi pinag isipan yung gagawin ko. Napabuntong hininga nalang ako ng mapagdesisyunan ang gagawin ko.
Pagkababa ko sa sala ay wala na akong naabutang tao. Siguro maagang umalis si Ate. Umalis nalang ako sa bahay at naisipang mag comute nalang tutal wala ako sa mood na mag drive. Pumara lang ako ng taxi tsaka sumakay.
Pagkababa ko sa taxi ay dumiretso na ako ng pasok sa loob ng F.U. wala pang gaanong mga estudyante dahil nga sa maaga pa. Naisipan ko nalang dumiretso sa canteen dahil hindi pa ako nag aagahan.
Pagkapasok ko sa loob ay kaunti pa lang ang nanduon. Umorder lang ako ng strawberry cake at yogurt. Pagkakuha ko ng order ko ay humanap na agad ako ng mauupuan. Inumpisahan kong kainin yung cake ko.
*subo*
*subo*
Chalap chalap! *o*
"Aga mo yata?" Susubo na sana ako ng matigilan ako dahil sa boses na iyon. Maang akong napatingin sa kanya. Bigla syang umupo sa harapan ko.
Kalma lang Akane! Wag ka papaepekto! Fighting! "Maaga kasi nagising." Sabi ko naman at ngumiti lang ng bahagya. Napansin ko namang natigilan sya.
"How are you?" Narinig kong tanong. Ehh!? Concern sya o.O
Tumikhim lang ako bago magsalita.
"Fine. Very Fine." Makahulugan kong sabi. Natigilan sya sa sinabi ko. Hindi ako mapakali habang nakaupo sya sa harap ko kaya binilisan ko na ang pagkain ko. Baka mamaya may makakita pa samin at kung ano na namang sabihin -,-
Pagtayo ay bigla niya akong hinawakan sa braso. Natigilan ako saglit ngunit hindi ko pinahalata.
"Where are you going?" Tanong niya. Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.
"Sa CR, bat sasama ka?" Sarcastic kong sabi. Bigla niya naman akong binatawan at nakita ko ang pamumula niya.
Siguro kung kami pa baka napisil ko na pisngi niya o kaya naman nahalikan ko :'(
Kaso hindi na kami....
Mabilis akong naglakad palayo sa kanya baka kasi magawa ko pa yung iniisip ko.
***
Xavier's POV
Nakatambay lang ako sa rooftop ng building namin ng napatingin ako sa ground. Natigilan ako ng makita si Akane na naglalakad papasok.
Bigla ko nalang naramdaman ang mabilis na pagtibok ng dibdib ko. Shit! Ito na namang pusong to! Ayaw tumigil sa pagtibok, tsk!
Hindi ko namalayan na sinusundan ko na pala si Akane. Nakita kong umupo sya sa isang table at nagumpisang kumain. Habang pinagmamasdan siya ay di ko mapigilang lumapit. Ang cute niya talaga pag kumakain ng strawberry flavor. Too childish.
"Aga mo yata?" Bungad na tanong ko sa kanya. Bigla siyang tumigil sa pagsubo at lumingon sakin. She face me with her normal look.
"Maaga kasi nagising." Casual niyang sagot at bahagyang ngumiti. Natigilan ako bigla. Bakit ganon?
"How are you?" Tanong ko. Nakita ko syang natigilan ngunit tumikhim lang sya at nagsalita.
"Fine. Very Fine." Makahukugan niyang sabi. Hindi ako makapagsalita kaya pinapanood ko lang sya hanggang sa matapos syang kumain at bigla nalang ayang tumayo. Mabilis kong hinawakan yung braso niya kaya natigilan siya.
"Where are you going?" Tanong ko sa kanya. Bigla syang lumingon sakin habang nakataas ang kilay.
"Sa CR, bat sasama ka?" Sarcastic nyang sabi. Bigla akonv namula kaya binitawan ko yung braso niya. Saglit niya akong tiningnan tsaka siya umalis. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa likuran nyang papalayo.
Why it seems that she is not affected anymore? Ganon lang ba sya kabilis makapag move on? Shit!
Napatigil lang ako nang biglang nagring yung phone ko. Nang tingnan ko yung caller ay nakita ko si Dylan na tumawatag. Mabilis ko iyong sinagot.
"What?" Nakabusangot kong tanong.
(Badtrip ka yata Xavier? Anyare?) Narinig kong tanong ni Dylan.
"Tsk! Wala. Bat ka napatawag?"
(Nandito kami sa *toot*toot* bar. Tara, wag ka na pumasok.)
"Himala yata at di ka pumasok? Sino kasama mo dyan?" Tanong ko.
(Sila Grayson. Wala sila Sam wag kang mag-alala.)
"Ganun ba? Ghe sunod ako." Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na yung tawag. Wala naman akong gagawin. Napaka boring pa naman pumasok -.-
Isa pa kailangan kong maginom para kahit papaano makaalis ng problema.
BINABASA MO ANG
♚Im The Childish Yakuza Princess♚(COMPLETED)
ActionShe is Akane Rei Lee Yamazaki--A certified childish. She was also a Yakuza Princess. She forced her family to let her experienced how to lived NORMALLY in the Philippines. Not being a Yakuza Princess but as a normal person... When she arrived at th...